CHAPTER 6: GUY (He save me)

2052 Words

LIAN'S POV   Napapaisip ako kung pa'no ako nagkaroon ng stalker. Bukod sa hate nila ako wala akong ka-close na lalaki. Pare-pareho kasi silang mga hambog at mahangin. Kala mo kung sinong g'wapo, matalino at magaling. Mga playboy naman.   "MAHAL!!!" Napatalon ako ng biglang may pumasok sa k'warto ko.   "Ano ba Alyanah! Papatayin mo ko sa gulat!" inis na sabi ko at napasapo ako sa dibdib ko.   "Hehe. Sorry. Excited lang. Wait, ba't ganyan ang suot mo? Ang pangit." Napatingin ako sa suot ko at napakunot ng noo sa kanya. Anong pangit? Bakit sa mall lang naman kami pupunta, e. "Try mo kayang mag-dress?"   "H'wag kang ano! Hindi naman ikaw ang nag-susuot, ako naman." Tumayo na ako saka nagsapatos.   Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Long black hair? Brown eyes? White skin?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD