LIANNA'S POV Hindi ko alam ang gagawin ko at atras abante ang nagiging senaryo namin. Korner na ako. Wala na akong matatakbuhan pa. Paano naman nakapasok ang pesteng lobo na 'yan dito sa k'warto ko? Ang pagkakaalam ko sarado 'to, e. "Please! H'wag kang lumapit! Hindi ako masarap promise." Naiiyak kong sabi. Napatingin ako sa pintuan ng biglang may kumatok. “Lian, nandito na si Alyanah," sigaw ni mommy sa labas. "Ah-- Ano. Wait lang po," nauutal kong sagot. Paano ako makakapunta sa pinto? Ayaw ko pang mamatay. Gusto ko pa malaman kung sino tampalasan ang nagpapadala ng mga sulat, e. Please! H'wag muna! H'wag muna ngayon! Bigla namang bumukas ang bintana at may lalaking naka-jacket na may hood ang pumasok. Robin hood ikaw ba 'yan? Humarap sa kanya 'yong lobo.