AKIRA'S PO (Katawan ni Lian) Kasalukuyang nasa bahay ako ng taong mahal ko. Ohh? Correction. Soon to be my husband. Well ngayong nasa katawan ako ni Lian lande hindi naman siguro nila mahahalata kung sino talaga ako? Tsk? Iyan kasi ang mapapala ng mga MANGAAGAW at KUMAKALABAN sa 'kin. Akala ba nila? "Where's your master?" tanong ko sa butler nila. "Nasa room nya po ma'am," sabi naman nya. "Dalhin mo 'ko do'n." Dinala nya ako sa k'warto ni Ziekier my loves. "Sige maaari ka nang umalis," utos ko. Hinawakan ko ang door knob at saka ito binuksan. Pagpasok ko sa loob ay nagsusulat sya. Mahilig ba sya sa nobela? Hindi nobela ang sinusulat nya kung hindi love letter. Always naman, e. Tapos ipapadala nya kay Lian lande. Tsss. Kung hindi ko lang talaga kailangan ang kat