GUESS WHO TONYROSE JAYME "ATE! Kumusta po ang araw mo?" tanong ni Tiana—ang kapatid na sumunod sa kanya—na sinalubong siya ng yakap at halik sa pisngi. Inabot niya rito ang mga lutong ulam na binili niya sa labas bago siya umuwi. Mabilis na dumiretso ito sa maliit nilang kusina upang tanggalin sa plastic saka ihain na ang mga iyon at makakain na sila. "Okay lang naman, kayo ba ayos lang dito?" tanong niya pabalik na sinagot naman ng papalapit na si Theo, ang pangatlo sa kanilang magkakapatid. "Ayos lang naman, ate. Mas mababait ang mga tao rito kesa roon sa dati na'ting tinitirhan. Si Aling Lany lang ang mabait doon e," sagot nito na nalukot ang mukha nang mabanggit ang tungkol sa dati nilang tinitirhan. Maging siya ay naiinis kapag naaalala ang mga kapit-bahay nila roon. Kung hindi s