CHAPTER SEVENTEEN: I LIKE YOU

2717 Words

I LIKE YOU XXXX YEARS AGO... TONYROSE JAYME "SIGURADO ka bang magiging ayos ka lang dito?" tanong ng matandang babaeng Lopez sa kanya habang pareho silang nakaupo sa hapag. Lagi sila nitong magkasalo sa pagkain kahit pa minsan ay nandoon ang mga totoo nitong apo, dahil ayon sa babae ay hindi na siya iba at tinuturing na siya nitong tunay na kapamilya. Maayos din naman ang trato sa kanya ng mga anak at apo ng donya at iyon talaga ang isa pa sa mga ipinagpapasalamat niya. Well, maliban sa isang tao na ipinaglihi ata sa kabute at literal na anak ata ni Satanas dahil kahit na pasulpot-sulpot ito ay hindi pumapalyang asarin siya gamit ang bastos nitong pananalita. 'Nasaan na nga ba ang aroganteng 'yun?' tanong niya sa sarili. 'Uy, iniisip niya. Namimiss mo na ba?' mapang-asar na sagot ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD