Nat----” bilang wika nang dalaga Bride nang makita niyang biglang umatras ang binata. Isang mahabang katahimikan muna ang pumagitan sa kanila matapos ang sinabi nang pari. Nang una akala nang dalaga nag-iisp lang ang binata o hindi makasagot dahil sa labis na kaba. Hindi rin ito agad na binigyang pansin nang mga nandoon. Baka inatake nang kaba ang binata kaya hindi agad nakapagsalita. Hindi naman nila masisisi kung kakabahan ito. He is still 21 to begin with kaya okay lang kung kabahan ito.
Kaya lang matapos ang ilang minutong pananahimik nang binata bigla silang nagulat nang biglang itong napaatras, Halata din ang tila pagbabago nang eksresyon nang mukha nito ang kanina ay tila nakangiting mukha nang binata ay napalitan nang tila takot at panic. Parang hindi nito alam ang gagawin.
“Are you okay?” tanong nang par isa binata.
“Nat? What’s wrong?” tanong nang dalaga at tinangkang abutin ang kamay ang binata pero bilang itinaboy nang binata ang kamay nang dalaga. Gulat namang napatingin ang dalaga sa kamay niya na itinaboy nang binata saka napatingin sa binata nalabis ang pagtataka. Hindi niya maintindihan ang nangyayari.
“Nat.” simpleng wika nang dalaga. Iyon lang ang lumalabas sa bibig niya dahil sa labis na gulat hindi niya alam kung bakit nagkakaganoon ang binata o kung anong dahilan kanina lang masaya pa itong sinalubong siya. Kung kinakabahan ito. ganoon din naman siya. Pero hindi naman nito kailangang umakto nang ganoon. Dahil sa inaakto nito tinatakot siya nang binata.
Biglang napatingin ang dalaga sa kinatatayuan nang mga magulang nila nababakas na din sa mukha nang mga ito ang pagkagulat at pagtataka sa kinikilos nang binata. Muli siyang napatingin sa binata.
“Nat. Are you--” muling niyang tinangkang hawakan ang kamay nang binata ngunit muli lang nitong itinaboy ang kamay nang dalaga bagay na lalo naman niyang ikinagulat.
“I’m sorry.” And those words. Pakiramdam nang dalaga tila isa siyang basong nagkaroon nang lamat at handang mabasag. Bigla siyang natakot. Ayaw niya nang iniisip niya but that Sorry seems to be the scariest thing right now ayaw niyang marinig ang susunod na sasabihin nito dahil tiyak na parang isang baso tuluyan siyang mababasag. But why is he doing this? Sa kanilang dalawa hindi ba’t ito ang excited sa kasal. Bakit naman tila nagbago ito?
“What is that guy doing?” wika ni Xander na akmang lalapit sa altar ngunit bigla siyang pinigilan ni Ashmaria at umiling Napakuyom naman nang kamao ang binata. Kung hindi siya pinigilan nang kakambal niya baka sumugod na siya sa altar. She must be thinking na baka naguguluhan lang si Nathaniel at kailangan lang nilang hintayin na makabawi ito. Pero hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya.
“Why are you saying sorry? It’s okay. We can just---” wika nang dalaga saka inabot ang kamay nang binata ngunit sa pangatlong pagkakataon agad din itong itinaboy nang binata.
“I can’t do this.” Wika nang binata saka tumingin sa dalaga bago bumaling sa mga makagulang niya. “I can’t do this.” Wika nito at akmang tatakbo pero biglang hinawakan nang bride ang kamay niya.
“Anong sinasabi mo? Hindi Magandang biro ‘to.” Wika nang dalaga na pinipilit na hindi mag c***k ang boses niya. Nathaniel was very serious sa pagpapakasal nila kaya bakit nito sasabihin hindi niya magagawa. Anong nangyari? Naguguluhan parin ang dalaga dahil sa ikinikilos nang binata.
“Do you still think Nagbibiro ako?” ani Nathaniel at muling itinaboy ang kamay nang dalaga. “I’m Sorry Ren.” Wika nito saka bumaba nang altar at tumakbo papalabas. Gulat na napatingin ang mga tao sa Binatang biglang tumakbo papalabas nang simbahan.
“Nathaniel.” Habol nang mama nito nang makitang tumakbo ang binata papalabas nang simbahan.
“Ren!” sabay na wika nina Zander at Ashmaria nang makitang napaupo ang dalaga habang nakatingin sa Binatang papalabas. Agad silang lumapit sa kapatid na tila tulala habang nakatingin dito. Ang mag bisita naman ay hindi mapigilang magbulungan natatanong kung anong nangyari at kung bakit biglang tumakbo ang groom.
“Ren.” Wika ni Ashmaria sa kapatid at tinulungan itong tumayo at pinaupo sa isang upuan. Nakatulala parin ito habang umaagos ang luha sa mata.
“Oh Ren.” Wika nang mama nila at lumapit sa dalaga at niyakap ito. At tila dahil sa labis na gulat at pagkabigla sa nangyari.
“Anong nangyari? Bakit umalis si Nathaniel?” tanong nang ama nang dalaga sa Binatang groom Maging ang mga ito ay nabigla din sa nangyari. Walang sino man sa kanila ang nakakaalam kung bakit biglang umalis ang binata. Alam nilang excited ito at masaya sa pagpapakasal kaya naman talagang malaking hiwaga ang biglang pag-alis nito.
Sinubukang tawagan nang mga magulang Ni Nathaniel ang binata ngunit hindi nito sinasagot ang tawag maging ang mga kaibigan nito at kaklase ay tumulong din sa pagcontact sa binata pero ayaw sagutin nang binata at cellphone niya. At mukhang pinatay din nito ang cellphone para hindi magawang matawagan.
Dahil sa hindi na bumalik sa simbahan ang groom wala silang ibang nagawa kundi ang pauwiin ang mga bisita nila. Dismayado ang lahat nang miyembro nang magkabilang pamilya. Lahat hindi inaasahan na mangyayari iyon gayong kitang kita nila kung gaano ka excited ang dalawa sa pagpapakasal.
“This is what happen dahil masyado nating minadali ang kasal nila.” Wika ni Isaac na nasa bahay nina Andrew. Hindi naman nagsalita sina Andrew maging siya nagugult pa din sa mga nangyari hindi niya alam kung anong iisipin. Kilala niya si Nathaniel alam niyang isa itong mabuting anak at kaibigan sa anak niya. Nakita din niya ang pagmamahal nito sa dalaga. Kaya hindi niya alam kung bakit bigla-bigla nalang itong umalis sa simbahan.
“Sa una palang talagang wala na akong tiwala sa kanya. Siguro nga childhood friend siya ni Ren. Pero hindi ang tipo niya ang magpapakasal sa napakabatang edad. Lalo na at masyadong mataas ang expectation nang pamilya niya sa kanya. he is being trained as a future judge nang papa niya. The here come a marriage that his family is looking forward para mas makilala ang pamilya nila. Sinong hindi ma pe-pressure. Kahit ako.” Wika ni Xander.
Napatayo si Anica sa kinauupuan nang makita si Ashmaria na bumaba. Nang makita niya ang anak agad niya itong sinalubong.
“How’s your sister?” tanong ni Anica. Umiling lang si Ashmaria sa Mama niya.
“Ayaw pa ring magsalita. Nakatitig lang sa kawalan. She is not even crying.” Wika ni Ashmaria. “Wala pa bang balita kay Nathaniel?” Tanong nito saka bumaling sa kakambal.
“Wala. Baka nilamon na nang Lupa.” Inis na wika ni Nathaniel.
“Xander!” saway ni Anica. “Pupuntahan ko muna ang kapatid niyo.” Wika nito kay Ashmaria. Tumango naman si Ashmaria sa mama niya saka inihatid ito nang tingin habang paakyat nang hagdan.
“Wala ba tayong pwedeng gawin?” tanong ni Ashmaria.
“Kung ako lang gusto kong ibitin patiwarik ang lalaking yun. Talagang hindi ko gusto ang ginawa niya. Kung hindi naman pala siya magpapakasal kay Ren. Bakit pinaabot niya sa araw na ito?” Inis na wika ni Xander.
“Pa, saan ka pupunta?” biglang wika ni Ashmaria nang makitang biglang naglakad papalabas nang bahay ang papa nila.
“I am going to find that brat.” Wika ni Andrew.
“Sasamahan nakita.” Wika nito saka sumunod sa papa niya.
“Kuya Isaac.” Wika ni Ashmaria sa pinsan niya saka tumingin dito na tili naghahanp nang kakampi.
“Fine. Sasama ako sa kanila. Dito kalang incase tumawag siya dito.” Wika ni Isaac saka sumunod sa dalawa. Napabuntong hininga naman si Ashmaria nang makita ang tatlo na lumabas. Sana lang, kalmado ang papa niya kapag nagkita sila ni Nathaniel dahil hindi niya alam kung anong pwede nitong gawin. Alam niya kung gaano nito pinoprotektahan si Ren ang bunso nila. Kahit tutol ito sa maagang pagpapakasal nang bunso dahil sa nakikita nitong kasiyahan ni Ren hindi ito nagsalita at tiyak ngayong na broken hearted ang anak at Nakita nil ana iniwan ito nang groom niya sa altar tiyak nag-aapoy sa galit ang papa nila.
Kahit na gabi, pinuntahan nin Xander at Andrew ang ilang mga bars at bahay nang kaibigan ni Nathaniel maging ang mga kaibigan nito sa Univerisity ay pinuntahan nang mga ito at nagbabakasaking makita nila ang binata at makahanap nang kasagutan kung bakit bigla nitong iniwan ang dalaga sa altar. Ngunit hindi nila Nakita ang binata. Mukha talagang pinagtaguan na sila nito. Maging ang mga magulang nang binata hindi rin alam kung saan hahanapin ang binata. Ang mga ito ang huli nilang pinuntahan bago umuwi sa bahay nila.
“Si Ren?” tanong ni Andrew nang dumating at naabutan sa sala si Ashmaria at Anica na tila hinihintay silang dumating ni Xander.
“Natutulog na.” wika ni Anica. “Ipaghahanda ko kayo nang makakain. Mukhang hindi pa---” putol na wika ni Anica.
“Hindi ako nagugutom magpapahinga na ako.” Agaw ni Andrew sa sasabihin nang asawa saka umakyat. Napaawang naman ang labi ni Anica at napatingin sa asawa. Hindi pa ito kumakain simula kanina at hindi pa rin ito nagpapahinga.
“Ash Samahan mong kumain ang kapatid mo. Susundan ko lang ang papa niyo.” Wika ni Anica saka sinundan ang asawa. Nakita niyang pumasok ito sa silid ni Ren. Tahimik niyang sinilip mula sa pinto ang asawa. Naupo ito sa gilid nang kama ni Ren at hinimas ang ulo nang anak. Alam ni Anica na labis itong nalulungkot dahil sa nangyari. Pero wala naman silang magagawa. Kung hindi nila makikita si Nathaniel hindi nila malalaman ang dahilan nito.