Gaya nang sinabi nito isa sa mga trabahador nito ang inutusan nang binata na pumunta sa kung saan nasira ang kotse nito para dalhin sa garage niya at ayusin. Pinapasok siya nang binata sa opisina nito na tila isa na ding bahay. Napatingin siya sa paligid at napansin niya ang mga larawang nandoon. Isang larawan ang umagaw sa atensyon niya. Kitang-kita na luma na ang larawang iyon. Tila isang antigo. Halos nagfe-fade na din ang mukha sa larawan.
Naglakad siya papalapit sa larawan para makita nang maayos ang mukha nang nasa larawan. Nang papalapit siya bigla siyang natigilan nang biglang may nag flash na mga images sa utak niya. Bigla siyang napaatras dahil doon sa pag-atras niya hindi niya namalayan ang Binatang tumulong sa kanya na nasa likod na niya. Biglang napaigtad ang dalaga nang maramdaman ang kamay nito na nakahawak sa bewang niya. Biglang napalingon ang dalaga sa binata at itinulak ito saka gulat na napatingin dito.
“Sorry tinakot ba kita?” tanong nang binata.
“N-nagulat lang ako.” Anang dalaga.
“You should shower.” Wika nang binata at inilahad ang towel sa kanya.
“Ha-ha?” Nauutal na wika nang dalaga na halatang na off guard dahil sa sinabi nang binata. Biglang pumasok sa isip niya na baka. He is being nice dahil may hihihintay itong kapalit. Ang ganitong lalaki hindi naman siguro tutulong sa gaya niya kung wala itong hinihintay na kapalit.
“Nabasa ka sa ulan. Magligo ka na baka magkasakit ka. Ipaghahanda kita nang tuyong damit. I only have my clothes around here. I Hope----”
“Thank you.” Agad na wika nang dalaga at kinuha ang towel sa kamay nang binata. Bakit ba siya nag-iisip nang masama sa Binatang ito. Siya na nga ang tinulungan nito. Biglang natigilan ang dalaga nang hindi niya alam kung saan ang banyo. Napangiti naman ang binata saka naglakad patungo sa isang pinto.
“The bathroom.” Wika nito saka binuksan ang pinto.
“Thank you.” Anang dalaga at naglakad papalapit sa pinto pero natigilan ang dalaga at humarap sa binata. “Ah--” nag-aalalangang wika nang binata. Napatingin lang ang binata sa kanya at tila hinihintay ang sasabihin niya. “Ah, kung hindi naman kalabisan. Pwedeng humirap nang damit.” Anang dalaga na humugot nang malalim na buntong hininga.
“Of course.” Ngumiting wika nang binata saka naglakad patungo sa isang cabinet. Ilang sandali pa bumalik ito dala ang isang oversize shirt at boxer shorts. At iniabot sa dalaga. “I hope you don’t mind wearing this. Walang babae sa lugar na ito so I don’t have---”
“Thank you.” Wika nang dalaga saka kinuha ang iniabot nang binata saka mabilis na isinara ang pinto. Simpleng napangiti lang ang binata dahil sa naging reaksyon nang dalaga. Saka napailing at naglakad palabas nang silid. Nang lumabas siya Nakita niya ang sasakyan nang dalaga na dala nang tow truck. Sinabi niya sa mga tauhan niya na palitan ang flat tire nito para magamit nang dalaga. Matapos mag bigay nag utos sa mga tauhan. Pumasok ang binata sa isa pang pinto. Nang lumabas ito nakapagpalit na nang damit ang binata. Muli siyang pumasok sa pinto kung saan niya iniwan ang dalaga .
Nang pumasok siya sa silid sakto namang kakalabas lang nang dalaga sa banyo. Pinupunasan pa nito ang buhok nang tuwalya. Bigla siyang natigilan nang makita ang ayos nang dalaga. She was wearing his oversize shirt and boxer shorts pero bakit napaka attractive nitong tingnan.
“B-bakit?” nauutal nang dalaga nang mapansing nakatingin sa kanya ang binata. Iniisip niyang sana hindi weird ang itsura niya sa suot niya.
“Nope.” Wika nang binata saka kunwari ay tumalikod. “I know hindi kapakumakain. Nagpahanda ako nang hapunan.” Anang binata at muling nilingon ang dalaga.
“Thank you. Ayoko nang abalahin ka pa. Yung-Yung sasakyan ko. Magagawa kayang---” putol na wika nang dalaga.
“Baka bukas pa yun maayos. Malalim na din ang gabi. Dito ka na magpalipas nang gabi. Kung inaalala mo naman na isa akong estranghero. Don’t worry. Hindi ako masamang tao.” Wika nang binata.
“Ikukuha kita nang hapunan.” Wika nang binata at lumabas sa silid. Napabuntong hininga naman si Ren saka napatingin sa silid nang lalaki. Wala siyang ibang makita doon kundi mga model nang sasakyan. Saka napadako ang tingin niya sa Picture Frame na tinitingnan niya kanina. Muli siyang napatingin doon at lumapit. Habang nakatingin siya sa larawan. Napansin niya ang kasuotan nang babae at lalaki sa larawan. Mukhang nasa Spanish era ang mga ito sa uri nang kasuotan. Habang nakatingin siya dito. Parang pakiramdam niya pamilyar ang mukha nang babae at lalaki sa larawan pero dahil medyo kopas na iyon hindi na niya masyadong makita ang mukha nang mga iyon. Simpleng napakusot nang mata ang dalaga mukhang inaantok na siya. Plus, namamaga pa ang mga mata niya matapos ang pagiyak.
Napatingin siya sa kamang nandoon. Kahit na hindi niya gustong matulog dahil hindi naman niya kabisado ang lugar na iyon pero talagang hindi na niya kayang panlabanan ang antok niya. Naglakad siya papunta sa kama at naupo. Ilang sandali siyang naupo doon habang sinusubukang labanan ang antok niya ngunit ilang sandali pa hindi na niya nakayang panlaban ang mabibigat na talukap nang mata niya marahan siyang napahiga sa kama.
“I don’t know if you will like this but---” wika nang binata at pumasok sa silid ngunit bigla siyang natigilan nang makita ang dalagang nakahiga sa kama.
“How carefree.” Wika nang binata at inilapag ang dalang tray nang pagkain sa mesa saka naglakad papalapit sa dalagang nakahiga. “What would you do if I were a guy who would attack a defenseless woman like you.” Wika nang binata habang nakatingin sa dalaga. Matapos ang ilang sandaling pagkakatitig sa dalaga naisip nang binata na uyusin sa pagkakahiga ang dalaga at lagyan ito nang kumot. Matapos iayos ang pagkakahiga nang dalaga bumalik siya sa mesa kung saan niya iniwan ang tray nang pagkain.
“I don’t think you can eat this tonight.” Wika nang binata saka naupo sa sofa at kinuha ang isang libro saka nagbasa.
Ilang oras ang makalipas. Biglang natigilan ang binata nang may marinig na mahinang hikbi. Napatingin siya sa paligid niya. Hindi naman siguro siya minumulto. Saka napatingin sa dalagang nasa kama niya. Inilapag niya ang librong hawak saka tumayo sa kinauupuan at naglakad patungo sa kama. Binuksan niya ang lampshade sa side table and there he saw that girl crying. Ilang sandali siyang napatingin sa dalaga. Bakit naman ito umiiyak? Then he remember, nang makita niya ito kanina mukhang kakagaling lang nito sa pag-iyak mukhang malaking problema ang pinagdadaanan nito dahilan para kahit sa pagtulog nito ay umiiyak parin ito.
Maingat na naupo ang binata sa gilid nang kama saka hinimas ang ulo nito. Hoping that could ease whatever she is feeling at that time. Kung nananaginip man ito nang masama he was hoping his touch can cahse away those bad dreams.
“It’s okay. I’m here.” Wika nang binata at inilapit ang mukha sa dalaga para ibulong ang mga salitang iyon. Hindi niya alam kung maririnig iyon nang dalaga o maiibsan ang nararamdaman nito but he did it anyway. Tangka sana niyang ilalayo ang mukha sa dalaga nang bigla nalang kumilos ang ulo nito sa pagkilos nang ulo nito sakto namang nandoon ang mukha niya.
Then their lips meet. He was suppose to pull back but her lips was so soft it was like he was hypnotized by those soft lips.