Episode 2: The Reflection In The Mirror

1228 Words
“Dad,” I greeted habang magkahawak kami ng kamay ni Alejandro. I covered up the bruises on my body and Dad didn’t notice anything good. Alejandro is faking all of this para hindi maging suspicious si Dad dahil alam naman naming dalawa na malilintikan siya ng ama ko kapag nalaman niya na sinasaktan ako ni Jandro. “Good evening po, Tito.” Sabi ni Jandro and my Dad greeted him back. We sat in front of the table at nagsimula nang kumain sa mga niluto ko. Marami ang niluto ko kanina but Jandro said to my Dad na nag hire siya ng chef para makapag luto rito. “How’s marriage life?” Tanong ni Dad at napayuko ako habang nagpatuloy sa pagkain. “It’s okay Tito, Ahtisa has been a good wife.” Sabi ni Jandro and my Dad smiled and glanced at me and I faked a smile to him kahit ayaw ko. “Mabuti naman. Alam ko naman na sobrang gusto ka ng anak ko, Alejandro. Naalala ko noong teenager pa lang siya, may pictures siya sayo.” Sabi ni Dad and chuckled. Nagulat ako nang hinawakan ni Jandro ang paa ko sa ilalim ng mesa and he gripped it hard. I whimpered in pain. “I know po Tito, kahit sa paaralan, hindi niya tinatago na gusto niya ako.” Sabi ni Jandro at tinignan ako with his fake love and adoration. “Kaya nga, hindi kami nahirapan ng ama mo na ipakasal kayong dalawa.” Masaya na sabi ni Dad and I bit my lip when he gripped my legs harder this time. I glanced at him and he smiled at me. Pinipigilan ko ang mga luha na dadaloy sa aking mga mata. Malilintikan na naman ako kapag nakita ako ni Dad na umiiyak ako habang nag di-dinner kami. After the dinner, nagpaalam na si Dad sa amin and I cleaned up all the dishes at hinugasan ang lahat ng ito. Pagkatapos kong maghugas ng mga plato, I saw Jandro sitting on the sofa habang nanonood ng football. Tinignan ko ang legs ko na ngayo’y may pasa na naman. I sigh at naalala ko ang sinabi sa akin ng manager ko na ako ang magiging kandidata sa Baguio City para sa Miss Universe Philippines at kailangan kong kausapin si Jandro tungkol dito dahil baka malilintikan na naman ako kapag hindi ko sasabihin sa kanya. Naisipan ko na bukas ko na lang sasabihin dahil natatakot akong sabihin ngayon. “Jandro, mauuna muna ako sa kwarto.” Sabi ko sa kanya at hindi niya ako sinagot kaya umakyat na lang ako sa taas and I went to our room at naglinis muna and I organized all the things and I arranged our bed. Naligo muna ako and after I take a bath, humiga na ako sa kama and glanced at the ceiling. I heard the door open at bumilis ang kabog ng puso ko. I heard the bathroom door open at narinig ko ang tunog ng tubig sa loob, mukhang maliligo rin siya. I closed my eyes and faced the wall at umiwaswag malayo dahil ayaw ni Jandro na malapit lang kami at since King sized bed ang kama, malayo talaga kami sa isa’t isa kapag natutulog. Narinig ko na bumukas ang pinto ng banyo and I felt the bed dipped and I closed my eyes at mahigpit na hinawakan ang kumot. After a few minutes, I heard a soft snore beside me at ngayon pwede kong gawin ang gusto ko. Lumapit ako kay Jandro at pinagmasdan ang kanyang maamong mukha. Jandro has dark brown hair and a moreno skin. Sobrang gwapo niya, lalo na dahil may lahii siyang Brazilian. His eyelashes are so long and defined and his lips are pink and kissable. HInaplos ko ang mga labi niya and I peck his lips slowly and caressed his soft hair. “I love you, my Jandro,” I whispered and hugged him while he was sleeping. *** Hindi papasok si Jandro sa opisina niya ngayon. He is a lawyer at dahil rito, sobrang busy talaga ng linya niya at minsan lang nakapag pahinga kaya kapag day off niya, hinahandaan ko talaga siya ng masarap na pagkain ngunit isa rin sa kinakatakutan ko kapag wala siyang trabaho ay dahil umiinom siya ng alak. He is currently sipping a glass of wine habang nanonood ng football, he loves football. Naglagay ako ng pagkain sa tray at nilagay ko sa mesa sa harap niya. He didn’t acknowledge me at nagpatuloy sa pag inom ng wine habang ang atensyon niya ay nasa telebisyon. Ganito naman siya palagi eh, he acts like I don’t exist, and if he acts as if I exist, kasamaan lang ang pinapakita niya sa akin. “Jandro, may sasabihin sana ako.” Sabi ko sa kanya dahil mukhang hindi pa naman siya lasing. Kailangan ko ng sabihin sa kanya ngayon dahil kailan pa? Wala siyang oras sa akin kaya mas mabuti na sabihin ko sa kanya habang nandito pa siya sa bahay. He glanced at me coldly. “What? Don’t waste my f*****g time,” Naiinis na sabi niya. Kahit nagsasalita lang ako, inis na inis talaga siya sa akin at hindi ko alam kung paano ko mababago ang nararamdaman niya sa akin dahil mukhang mahirap eh. “K-Kasi, sasali sana ako sa MUPH, papayagan mo ba ako?” Kinakabahan na tanong ko. His eyes darkened and slammed his glass on the table. Kinabahan naman ako at bumilis ang kabog ng aking puso. “Are you f*****g serious? Gusto mo ba talaga na makulong ako putang ina ka?! Paano kung malaman nila ang mga pasa mo ha?” Galit na tanong niya and I whimpered in fear at umatras. “M-Matatakpan naman,” I said nervously and I received a very hard slap at napangiwi ako sa sakit while I sobbed silently. Hindi ko alam kung bakit siya ganito sa akin, wala naman akong ibang pinaramdam sa kanya kundi pagmamahal. He grabbed my hair and gripped it habang kinaladkad ako sa taas. “T-Tama na,” I cried pero hindi siya tumigil at hinila ako patungo sa kwarto namin. He slapped the other side of my face again and I sobbed habang tinatakpan ang mukha ko. “H-huwag!” I cried at marahas niyang kinuha ang dalawang kamay ko and punched my face. Nakasubsob ako ngayon sa sahig habang umiiyak. Naawa na ako sa sarili ko ngunit nangingibabaw pa rin ang pagmahahal ko sa kanya. He is breathing heavily habang tinitignan akong umiiyak dahil sa sakit. Hinila niya ako patungo sa banyo and he faced me in the big mirror in front of me. Napaiyak na lang ako dahil sa repleksyon ko. Hindi na ako makasali sa mukhang ito. “Sasali kapa?!” He asked angrily and I cried while I examined my face in the mirror. May mga pasa na sa mukha ko and I shook my head. “H-hindi na,” I sobbed at binitawan niya ako. Sobrang sakit ng puso ko ngayon dahil sa ginawa niya. Every day he is getting worse. Hindi naman niya ako sinasaktan noon pero kapag lasing siya, lumalabas ang tunay niyang ugali. “Good. Pinakasalan mo ako kaya forget about your hobbies and your career dahil wala kanang ibang gagawin kundi ang magiging asawa ko.” He said coldly and left me sobbing in the bathroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD