Chapter 8

1193 Words
  Ngunit matapos ng ulan ay hindi na namalayan ni Elle na nakaidlip na pala siya sa mismong talutot ng mga bulaklak. Nagising siya sa pag-uyog sa mga balikat niya. Ang pantone na sumisigaw, ang ulan at pagkidlat na senyales na trahedya, ang ugong ng tili ng kaniyang inang reyna. Isang trahedya…at duguan na pantone sa harap niya. Napinid ang sigaw niya ng isang napakalakas na pwersa, pwersang sumusupil sa paghinga niya, galing iyon sa napakatinding poot. Nagpa-ikot ikot siya, na para bang hinihigop siya sa kawalan, hanggang sa hindi na siya halos makahinga sa tindi ng pagkakahigop at tupi ng buong katawan niya. She was bleeding when she woke up inside that veiled mushroom. Nasa mundo na siya ng mga tao. Isang mundo na nababasa lamang nila sa library noon ng mga elder fairies, na isa lamang sa mga tinuturo sa kanila noon. Mapaganib ang mga tao, kapag nakita ka nila sa anyong diwata ay maari ka nilang kitilin sa isang kamay lamang. Lahat iyon ay parang isang panaginip lamang nang makakita na siya ng isang anyong tao. Sila ay mga higante at kaya ka ngang kitilin ng isang daliri lamang. Pero isang milagro ang nangyari, at sa isang iglap ay naging anyong tao rin siya… At doon niya nakilala ang tagapagligtas niya – si Chase. METUSELAH’S POV Hindi siya makapaniwala sa nangyari, napasulyap siya sa duguan niyang palad, ngunit wala nang oras upang magtaka pa o di kaya‎’y mag-isip, isang palid ng hangin ang nag-udyok sa kaniya na tumakbo, na tumakas sa mundo ng Soraiya. “Hintay! Hintay!” isang tinig ang sumusunod sa kaniya. Kailangan niyang makatakas dahil sa ginawa niya. Hindi niya alam kung tuluyan niyang napaslang ang prinsesa. Kung anong poot ang bumalot sa kaniya at hindi niya napigilan ang sariling ilabas lahat ang pwersa niya. “Hintay!” parang naging sanlibo ang boses na iyon at humuhudyat sa kaniya upang tumigil sa pagkaripas ng takbo. Maliksi at malalakas ang mga elf, at si Metuselah, isa sa pinakamalakas na warrior ng Meilyr ay hindi basta basta napapatumba. Napakabilis ng kaniyang hakbang, sobra at higit pa sa nakasanayan niya sa digmaan laban sa mga demonyo sa Meilyr. Nawawala na ang lakas niya sa pagtakbo, ngunit bakit hindi pa rin siya nilulubayan ng tinig na iyon? Hanggang sa mapalingon siya, at isang bulalakaw ng liwanag ang tumama sa mata niya. Para siyang nabulag sa liwanag na iyon, at sa punto ng paglingon niya, gamilyong mga tali ang yumakap sa katawan niya, at bigla siyang naparalisa. Mahika. Mahika lamang ang makakagawa niyon sa mga elves, at mahika na galing sa mga faeries. Isa iyon sa dahilan kung bakit kahit malalakas ang mga taga Meilyr ay magkaiba at hati ang mundo nila at hindi sila masyadong nakiki-apid sa mga taga Soraiya. Ang pangunahing dahilan ay ang mahika at mga enkantasyon na taglay ng faeries. Humihinga siya ngunit hindi niya maigalaw ang buong katawan, at napapaligiran siya ng gamilyong mga busilak na parang mga alitaptap. Na dinala siya sa hangin, at inanod siya na parang ulap. Nagpumilit siya at humiyaw, ngunit walang lumalabas sa bibig niya. Ilang minuto rin ang pagsupil niya sa mahika na iyon gamit ang lakas niya, ngunit hanggang sa makaabot sila sa wari’y isang napakalaking kahoy ay doon niya naramdaman ang pagbagsak ng buong katawan niya sa lupa. Nakaparalisa ang buong katawan niya ngunit nakakapagsalita niya. Nasa paanan niya ang halos isang daang mga fairy. Nasa paanan nito ang marahil ay reyna nito dahil sa liwanang ng pakpak nito at sa klase ng damit na suot nito, na kakaiba sa mga kasamahan nito. “Kaibigan namin ang lahat ng taga Meilyr, kami ay iyong kaanib at kaisa sa Enchanteur, ginagalawan natin ang isang mundo lamang, at isa lamang ang batas ng Enchantuer, at iyon ay ang protektahan ang isa’t-isa. Ngunit ano ang nangyari? Isang taga-Meilyr na sa aming mga mata ay may karahasang ginawa sa aming Soraiya. Sabihin mo sa akin, nasaan ang prinsesa at sino ka?” Napaapuhap ng sasabihin si Metuselah, hindi niya alam ang sasabihin. “Ayon sa aming pagkakaalam isa kang elf na makapangyarihan, at ikaw ay kasapi ng kaharian ng elf, at ikaw ang anak ng haring pumanaw noon. Kilala kita dahil nabisita ko na ang kaharian niyo isang beses ng paunlakan ko ang imbitasyon ng iyong ama ng isilang ang iyong kapatid na lalaki.” “Ang aking kapatid,” sambit niya, “ay patay na...” Narinig niya ang ilang daan na pagkabigla sa mga sigaw at mukha ng mga fairy. “Kilala mo ba ako?” sambit ng matandang fairy, na subalit matanda na ay naninilay pa rin ang kagandahan. “Ikaw ang reyna, reyna ng Soraiya.” Mas lumapit sa kaniya ang reyna, nasa paanan ng mata niya, mas bumusilak ang pakpak nito. “Ang pagkamatay ng inyong prinsipe ay walang kinalaman sa aming prinsesa. Ang ginawa mo ay nalalabag sa lahat ng batas ng Enchanteur.” Humindik ang mata ni Metuselah. “Nahihibang na kayo, ako ay bumisita lamang sa batis, iyon lang!” “Dala ng pagbisita mo, na hindi nagpapadala ng pormal na sulat sa aming kaharian upang maproteksyunan ka ng aming mga tagasubaybay, at dala ng pagbisita mo ang ulan na may dalang kidlat na hudyat ng trahedya, at sa pagbisita mo, ang pagkasira ng iilan sa mga tore ng palasyo, at ang nakakasindak na sigaw ng prinsesa bago ito mawala sa Soraiya, at ang pagtakbo mo…at ang mga dugo sa iyon palad…” Napahindik si Metuselah, nagbabaga ng apoy ang kaniyang mga mata. “Metuselah,” aniya ng reyna, “kung hindi mo nalalaman, ang aking kabiyak ang siyang nagbigay sayo ng regalo sa araw ng iyong kapanganakan bago siya pumawi. Alam mo ba ang regalo niya sa iyo? Binigay niya sayo ang liksi. Ikaw ang pinakamaliksi sa buong Meilyr.” Napanganga lamang si Metuselah, totoo ang sinasabi ng reyna, siya ang pinakamaliksi sa lahat ng elf sa henerasyon nila. Nagpatuloy ang reyna, “Habang ang ibinigay ko sa iyong kapatid ay ang kaniyang puso, malawak na puso sa pagmamahal-“ “At ang pagmamahal na iyon, malawak at malaki, ang siyang kumitil rin sa buhay niya.” Ngunit wari‎’y hindi iyon napakinggan ng reyna, matalim ang tingin nito sa kaniya. “At alam mo ba ang kapangyarihang taglay ko, Metuselah?” Napailing lamang si Metuselah. Maliit ang mga fairies ngunit taglay nila ang mga naiibang galing na kahit ang mga demonyo at halimaw ay natatakot pumunta sa ibayo ng Soraiya dahil alam nilang wala itong laban para sa mahika na taglay ng Soraiya. Ang pagkakaibigan ng Soraiya at Meilyr ay espesyal, at ang mga elves na isinilang sa kaharian at may taglaw na bughaw na dugo ay siyang nireregaluhan ng mga fairies ng espesyal na kapangyarihan o ‘regalo’. “Ang kapangyarihan na makita ang naganap, at matukoy ang mga nangyari. Kaya’t ang masasabi ko sa iyo, si Caleb ay nasa mundo pa, maging ang anak ko. Ngunit wala sila sa Enchanteur, kaya’t kung maaari ay ibalik mo sila, Metuselah.”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD