PABUNTONG-HININGANG pinihit ni Martina ang seradura ng pintuan ng unit ng kasintahan. Nakailang door bell na siya ngunit wala pa ring nagbubukas ng pinto.
Sa totoo lang ay alam niya naman ang passcode niyon, dala na lamang ng kagandahang asal at bilang pagsasa-alang-alang na rin sa privacy ng kasintahan, kaya mas pinili niyang mag-door bell, kaysa kapagdaka, ay pakialaman agad na buksan ang pintuan.
Nang sa tingin niya ay talagang walang tao sa loob para pagbuksan siya ay saka niya na lamang napag-pasyahan na pakialaman na iyon at sa loob na lamang maghintay.
Hindi naman siguro ibibigay sa kanya ng nobyo ang passcode ng pinto nito kung hindi siya maaaring pumasok doon kung wala ito.
Nauna na siyang nanggaling sa opisina nito. Ang sabi ng sekretarya nito na maaga raw umalis ang binata, ngunit hindi naman masabi kung saan ito nagpunta. Kaya naisipan niya na magpunta na lamang sa bahay nito.
Mula nang makatapos si Jethro ng kursong Architecture ay bumukod na ito ng bahay sa mga magulang at kumuha na lamang ng condo unit na malapit sa firm na pinagtatrabahuhan nito.
Kanina niya pa nais na magtampo sa nobyo. Akala pa naman niya ay masosorpresa niya ito nang sadyain niya ito kanina sa opisina. Alas-tres pa lamang iyon ng hapon kaya umaasa siyang naroon pa ito. Ngunit siya ang nasorpresa nang malamang pagkapananghali pa lamang ay umalis na ito ng opisina, at ang nakakainis pa ay walang makapagsabi kung nasaan ito.
Ilang beses niya na ring sinubukan na tawagan ito ngunit natatapos at natatapos na at lahat ang ring, ay hindi naman nito iyon sinasagot.
Gayunpaman, binigyan niya pa rin ng benefit of the doubt ang kasintahan. Baka naman may importante lamang itong nilakad at pagkatapos niyon ay susunduin din siya nito sa eskuwela upang iselebra ang napaka-espesyal na araw na iyon para sa kanilang dalawa, katulad ng dati.
Siya lamang talaga itong excited at hindi nakapaghintay.
Nagkataon kasi na may meeting daw ang mga professor, kaya nag-cut na ng klase sa unibersidad na pinapasukan niya, alas-dos y medya pa lamang ng hapon. Kaya naisipan niya dumiretso na sa opisina ng nobyo.
Maghahanap na lamang siya ng maaaring mailuto sa ref nito upang kahit papaano masorpresa niya pa rin ito pag-uwi nito.
Sa gayong kaisipan ay nanumbalik ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
Na dagli ring napalis at napalitan ng panlalaki ng mga mata, kasabay ng pag-awang ng mga labi nang tuluyan na siyang makapasok sa loob.
Naroon sa sahig, at tila kung papaano na lamang inihagis ang isang itim na blusa, gayundin, ang isang skinny jeans na sa wari niya ay sumampid lamang sa sofa kung kaya hindi tuluyang nahulog sa sahig.
What the...?! Sigurado siyang babae ang nagmamay-ari ng mga iyon!
Kagyat na lumipad ang nanlalaki niyang mga mata sa direksyon papunta sa silid ng kasintahan. May dalawang silid ang unit na iyon, ngunit alam niya kung alin doon ang ginagamit nito.
Isang mariing lunok ang ginawa niya nang makitang naka-awang ang pintong iyon.
Kung para hindi maramdaman ng mga talinpandas ang kanyang presensya, o tila napipilitan na lamang ang kanyang katawan na kumilos, ay hindi niya na mawari. Dahan-dahan ang mga hakbang at pigil ang hininga na tinungo niya ang silid na iyon, na sa malamang ay siyang kinaroroonan ng mga ito.
Ang isang kamay niya ay nakatakip nang mariin sa kanyang bibig upang hindi makagawa ng kahit na ano mang ingay.
Mula pa kaninang umaga na magising siya ay maganda na ang simula ng araw niya. Bukod sa kaarawan niya ngayon, today is their fourth year anniversary, bilang opisyal na magkasintahan.
Nais sana ng mga magulang niya na ipaghanda siya para sa kanyang kaarawan ngunit tumanggi siya at sinabi na matanda na siya para sa ganoong bagay. Sinabi niya na uuwi na lamang siya mamayang gabi kasama ang kasintahan at sama-sama na lamang silang maghapunan, bilang selebrasyon sa kaarawan niya.
Bata pa lamang siya ay natural nang tanawin para sa mga taong nakapaligid sa kanila ang pagbabakod ni Jethro sa kanya. Ayon sa binata ay ito raw ang lalaking nakalaan para sa kanya. Bago pa lamang umaaligid sa kanya ang mga kaklase niyang lalaki ay hayagan na iyong itinataboy ng binata at sinasabing nakalaan na siya para dito.
Kaya naman kahit siya ay nasanay na sa presensya nito. Pakiramdam niya ay hindi buo ang araw niya kung hindi niya ito nakikita, o, hindi ito nagpaparamdam man lamang sa kanya.
Sa paglipas ng panahon ay unti-unting sumibol sa batang puso niya ang pagmamahal para sa binata ng hindi niya namamalayan.
When she reached the age of sixteen, he officially courted her.
Ang nakakatawa pa, ay ang Mommy at Daddy niya ang una nitong kinausap para sabihing opisyal na siyang liligawan nito. He was already twenty one at that time.
Natatandaan niya pa ang pagkagulat niya nang kulang na lamang ay ihagis ito ng Daddy niya palabas ng bahay nila. Hindi niya alam na naroroon pala ito sa bahay nila at kinakausap ang mga magulang niya. Sa Mommy niya na lamang nalaman kung ano ang dahilan ng pangyayaring iyon.
Gayunpaman, ay hindi nagpaawat ang binata. Kahit lagi itong inaasikan ng Daddy niya ay pilit pa rin nitong pinatunayan na malinis at tapat ang hangarin nito sa kanya.
Well, her Mom was a different story. Hindi ito kailanman nagpakita ng pagtutol sa panliligaw ni Jethro sa kanya, pati na rin ng maging magkasintahan na sila.
Ayon pa rito, ay inaasahan na raw talaga nito iyon, which really puzzeled her. Sa tuwing tatanungin niya naman ito ay matamis lamang itong ngumingiti sa kanya.
They became an official couple on the night of her eighteenth birthday. At hindi rin pumayag si Jethro na matapos ang gabi na iyon, na hindi nila maipaalam sa mga magulang niya ang kanilang relasyon. Ayon dito, ay wala naman itong masamang intensyon sa kanya kung kaya hindi nila kailangang itago ang kanilang relasyon.
Noong una ay tigas sa pagtutol ang Daddy niya. Masyado pa raw siyang bata para magkaroon ng nobyo.
Ngunit muli, ay pinatunayan ng binata na karapat-dapat ito para sa kanya. Gayundin naman, ay ipinaglaban niya ito sa kanyang ama. Kaya sa kalaunan, ay wala na rin itong nagawa kung hindi ang ibigay ang basbas sa kanilang relasyon.
Mula nang maging magkasintahan sila ng binata ay wala siyang masasabi rito bilang karelasyon. Sa tuwina ay sinisiguro nito na sapat, kung hindi man sobra pa sa sapat ang pagmamahal at atensyon na ibinibigay nito sa kanya. Kung maalaga ito at maalalahanin noong hindi pa sila magnobyo, mas dumoble pa noong maging sila na. Kahit minsan ay hindi niya naramdamang na-attract man lamang ito sa ibang babae. He never makes her feel insecure with anything or anyone. Sa tuwina ay ipinadarama nito sa kanya na siya ang pinaka-importanteng tao sa buhay nito, aside from his family, of course, at siya lamang ang babae para dito.
But now, this?!
Oh, s**t! Hindi niya alam kung kaya niya bang makita ang kasintahan na may kaniig na ibang babae.
Habang papalapit siya nang papalapit sa dalawang magkadikit na silid ay unti-unting lumilinaw sa pandinig niya ang mga ungol na nanggagaling sa isa sa mga iyon. Una niyang nilapitan ang silid na alam niyang ginagamit ng kasintahan. Dahil bahagya ngang naka-awang iyon ay walang ingay niya iyong nabuksan.
Hindi niya alam kung makakahinga ba siya ng maluwag nang makitang bakante iyon at wala sa hitsurang nahigaan man lang iyon. Makinis ang pagkakaayos ng comforter, gayundin ang pagkakasalansan ng mga unan.
Ngunit hindi pa rin mawala ang agam-agam niya sapagkat naroon at patuloy pa rin niyang naririnig ang tila nababaliw na ungol ng isang babae.
Nababaliw sa sarap!
FUCK!
Naalala niya ang pangako sa kanya ng kasintahan nang magkasabay nilang inaayos ang magiging bagong silid nito.
"Parang kinakabahan yata ako ah," nakangiting sabi niya habang nilalagyan ng sapin ang kama nito.
Kunot ang noong nilingon siya saglit ng nobyo na kasalukuyan namang isinasabit sa pader ang malaking picture frame na naglalaman ng larawan nilang dalawa. Inilagay nito iyon sa mismong pader sa paanan ng kama nito. Anito, ay para daw mukha niya ang una nitong makikita pagkagising pa lamang nito.
"Saan?"
"Hmm..." aniyang hindi pa rin tumitingin dito. "Ngayong may sarili ka nang bahay, malaya ka nang makapagdala ng babae rito ng walang nakakaalam."
Tila napapantastikuhang nilingon siya ng kasintahan bago muling binalingan ang nakasabit na larawan upang masiguro kung maayos at pantay ba ang pagkakasabit niyon, bago iiling-iling na bumaba sa ginamit na hagdanang bakal.
Nang hindi sumagot ang binata ay pasimpleng nilingon ito ni Martina. Nakita niyang iiling-iling na bumababa ito ng hagdan. Agad niyang iniwas ang tingin dito nang magtama ang kanilang mga mata.
Naka-angat ang isang kilay at may maliit na ngiti sa mga labi na umupo ito sa gilid ng kama, malapit sa kanya. Mahinang pinagpag ang dalawang kamay sa kama na tila sinusubukan ang kalambutan niyon, bago tuluyang nahiga at iniunan ang dalawang kamay sa likod ng ulo, habang nakatingin sa kanya.
"Hmm...," naroon pa rin ang kislap ng pagkaaliw sa mga mata nito. "Oo nga noh?
Lumipad ang nanlalaki niyang mga mata sa nakahigang binata bago dinampot ang isang unan at inihampas dito.
"Walanghiya ka! So, may balak ka ngang mag-uwi ng babae dito?!" Aniya habang patuloy ang paghampas dito ng unan.
Humagalpak ito ng malakas na tawa sa reaksyon niya bago hinawakan ang magkabilang pulsuhan niya at hinila palapit dito, kaya walang kalaban-laban siyang bumagsak sa katawan nito. Bumalikwas ito ng bangon at sa isang iglap ay nasa ilalim na siya nito.
Nakangisi pa rin itong nakatunghay sa kanya. Inis na inirapan niya ito at nag-iwas ng tingin. Naiiling namang nakakagat-labi pa ang binata upang pigilan ang nag-uumalpas na ngisi.
Alam nitong napikon na siya nito.
"Love..." malambing na tawag nito ngunit hindi niya ito tiningnan.
"Huy, Love..."
"Ewan ko sa'yo! Umpisahan mo nang maghanap ng babaeng dadalhin mo rito! Dapat pala sa kanila mo pinaayos itong bahay mo, eh." Litanya pa rin niyang hindi tumitingin dito.
"Actually, may nakita na ko, hmmm..." malambing pa ring sabi nito na isinuksok ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat niya.
Shit! Malakas ang kiliti niya doon! At alam iyon ni Jethro.
"Oo na, umalis ka na diyan! Uuwi na ko, baka makaistorbo pa ako sa inyo!" Aniyang hinampas pa ito sa braso at pilit na pinaaalis sa ibabaw niya.
"Hindi ko pa nga lang naitatanong kung papayag ba siya." Asar pa rin nito. Nananatili pa ring nakayukyok sa balikat niya.
"Ewan ko sa'yo! Bahala ka diyan, uuwi na ko! Alis na!" Aniyang pilit pa ring iniaangat ang katawan nitong nakadagan sa kanya.
Bahagya itong umangat sa pagkakayukyok sa balikat niya upang tumingin sa kanya. Naroon pa rin ang ngisi sa mga labi. "Shh..." anas nito at pinatakan siya ng mabilis na halik sa labi. "Ang ingay mo."
"Ewan ko sa iyo, Montejo!
"Ano, payag ka ba?"
"Uuwi na ko sabi, eh. Umalis ka n--a-ano?" Natigil siya sa pagpiglas at nagtatanong ang mga matang tumingin dito.
"Iniisip mo ba talaga na magsasama ako ng ibang babae rito?"
"Siraulo ka!" Aniya sa malambing nang tinig, sabay mahinang hampas sa balikat nito. "Inasar mo lang ako."
Muli siya nitong kinintalan ng mabilis na halik sa labi bago nakangiting tumingin sa kanya. "Kung anu-ano kasi iniisip mo, eh."
"Malay ko ba!"
"Tch. Tamang hinala ka na naman. Ako pa talaga pinag-iisipan mo ng ganyan, eh, alam mo namang patay na patay nga ako sa'yo." Kunwa ay nakakunot pa ang noong sabi nito.
"Hmpf!" Ingos lang ang isinagot niya rito.
"Nangangako ako sa iyo, Love," anito. Seryoso na ang mukha. "...na ikaw lang ang babaeng papapasukin ko rito sa silid na ito, at itong kama na ito?" Anitong mahina pang tinapik ang kama sa gilid ng ulo niya. "...wala akong ibang babaeng hahayaang mahiga dito, maliban sa iyo."
Shet! Oo na, kinikilig na po siya! Urgh!
"Weh...?" Sa halip ay aniya rito.
"Promise! Kahit sila Mama saka Tyra, hindi ko papahigain dito." Sabi pa nito na bumalik na ang ngiti sa mga labi.
"Siraulo!" Natatawa namang sabi niya. "Usog ka na nga diyan, tapusin na natin ito, puro ka kalokohan." Wika niyang akmang babangon na ngunit pinigilan siya nito.
"Wait... ano, pumapayag ka na ba?" Seryosong tanong pa rin ni Jethro kaya napakunot ang noo niya. "Dito ka na matulog." Ungot pa nito. "Binyagan natin 'tong bahay ko." Nakangising sabi nito habang tumaas-bumaba ang kilay.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata.
"Heh! Tumigil ka nga riyan!"
"Sige na, sabi mo nga, wala namang makakaalam. Promise." Pamimilit pa rin nito.
"Love, ha! Isusumbong talaga kita kay Dad!" Banta niya kasabay ng mahinang pagtulak dito.
"Sabi ko nga. Malay mo lang naman," Nakangusong anito, ngunit may pigil na ngiti sa mga labi, bago kusa nang umalis sa ibabaw niya at patihayang humiga sa tabi niya. Dinampot ang kaninang unan na ginamit niyang panghampas dito at itinakip sa mukha.
"Sira ka talaga!" Natatawang sabi niya sabay bangon. "Bangon ka na riyan, tapusin na natin ito, nagugutom na ako." Inabot niya ang unan na nakatakip sa mukha nito at inalis iyon.
"Final answer... ayaw mo talaga?" Nakangiting salubong na tanong nito sa kanya pagkatanggal niya ng unan.
"Jethro!"
Isang malakas na halakhak lang ang isinagot nito kasabay ng mahigpit na pagyakap sa baywang niya.
Dapat ba siyang matuwa na tinupad nga nito ang pangako sa kanya na hindi magpapapasok ng ibang babae sa silid nito?
Pero s**t lang! Dahil ang summa total ay nagtaksil pa rin ito sa kanya!
Halos hatakin niya ang mga paa palapit sa kabilang pinto. Sige pa rin ang mga halinghing na hindi niya mawari kung nasasarapan ba, o, nahihirapan, sa loob.
Nais niyang lagyan ng tapon ang magkabila niyang tainga upang hindi na niya marinig ang mga iyon.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at sa nanginginig na kamay ay hinawakan niya ang seradura at saka dahan-dahang pinihit iyon upang bumukas.
Lalong naging klaro sa pandinig niya ang mga halinghing at ungol na nanggagaling sa loob.
Huminga siya ng malalim at hustong pagdilat niya ng mga mata ay may malamig na palad na agad ding tumakip doon, kasabay ng pagpulupot ng malakas na bisig sa baywang niya ay naramdaman niya ang pag-angat niya sa sahig.
"f**k!" Dinig niyang anas nito sa tainga niya.