PAGKAMUHI

1253 Words
Kinagabihan, nagluto ng masasarap na pagkain si Jenni, para sa asawa. Lahat nang niluto niya ay halos paborito nito. Balak niyang isorpresa ulit ito at sasabihin ang magandang balita na matagal na nitong hinihiling. Habang abala siya sa pagluluto, panay naman ang kaniyang pagsubo ng ice cream na siyang pinaglilihian niya siguro. Matapos niya kasing magpatingin sa doktor at masigurong buntis nga siya ay nagpunta siya sa mall at namili. Nakakita siya ng ice cream at naglaway siya rito kaya bumili siya ng isang gallon. Matapos ang kaniyang pagluluto, ay inihanda niya ang mesa na pagkakainan nilang mag-asawa. Naglagay siya ng bulaklak na rosas sa flower vase at may kandila pa. Nais niyang maging romantiko ang gabing iyon para sa asawa. Masaya niyang pinagmasdan ang mesa na puno ng pagkain. Naligo muna siya at nagbihis ng magandang damit. Habang hinihintay ang asawa ay naupo siya sa sofa sa kanilang sala at nanood ng palabas sa telebisyon. Alas otso na ng gabi ay wala pa rin ang kaniyang asawa. Panay na ang kaniyang paghikab. Humiga siya sa sofa hanggang sa makatulog siya. Alas dose ng hating gabi ay nagising si Jenni. Wala pa rin si Marcus. Nagtungo siya sa kusina at isa-isang niligpit ang mga pagkaing kaniyang hinanda. Nilagay niya ito sa transparent na lagayan para bukas ay kaniyang iinitin na lang. Kasalukuyan siyang nagliligpit nang nagsimulang bumuhos ang kaniyang mga luha. Emosyonal siyang naghuhugas at ang tanging nasa isip ay ang kaniyang asawa. Malamang sa malamang, kasama nito ngayon ang kabit nito kaya hindi nito naalalang umuwi. Nasira ang kaniyang magandang sorpresa sana para sa asawa. Napahawak siya sa kaniyang tiyan at labis na umiyak. "Anak ko, diyan ka lang ha? Kumapit ka anak, 'wag mong iwanan si Mommy," usal niya rito at hinahaplos-haplos. Ang sabi ng kaniyang doktor ay mahina ang kapit ng kaniyang anak. Dapat umiwas siya sa mga bagay na maaring makaapekto sa kaniyang pagbubuntis lalo't maselan ito. Matapos niyang mahugasan ang mga plato ay umakyat siya sa taas at pumasok sa kanilang kuwarto. Doon ay ibinuhos niya ang kaniyang luha hanggang siya ay makatulog. Kinabukasan, Halinghing ng isang babae ang nakapagpagising kay Jenni. Mula sa kabilang kuwarto niya ito narinig. Dali-dali siyang bumangon at lumabas ng silid at nagtungo sa katabing kuwarto. Pagbukas niya sa pintoan ay bumulaga sa kaniya ang kaniyang asawa at si Ellie na nagtatalik. "Ahhhh! Ganiyang nga, Marcus! Sige pa, isagad mo! Ahhhhhh!" nasasarapang saad ni Ellie habang binabayo ng kaniyang asawa. Nandilim ang kaniyang paningin at wala sa sariling sinugod niya ang dalawa. "Mga hayop kayo! Mga baboy! Ang bababoy ninyo! Mga walanghiya! Dito pa talaga kayo sa pamamahay ko nagk*nt*t*n, mga hayop!" pagsisigaw niya. Hinila niya ang buhok ng babae at pinagsasampal niya ito sa galit, puot at sakit na kaniyang nararamdaman. Tila ay nakalimutan niyang siya ay buntis at maselan ang kalagayan. "Walanghiya ka! Nakakadiri kayo! Ikaw babae ka, hindi ka na nahiya, asawa ko pa talaga ang pinatolan mo, demonyo ka!" gigil niyang saad rito. Sinabunutan, pinagsasampal at nginudngod niya ang mukha nito sa sahig. "Jenni! Stop it! Tama na, 'wag mo siyang saktan!" sigaw ng kaniyang asawa. Ngunit hindi siya nakinig at patuloy niyang ginulpi si Ellie. Hinablot siya ni Marcus at naitulak. Tumama ang kaniyang likod sa closet at bumagsak siya sa sahig. Pinatayo naman ni Marcus si Ellie at binalot ito ng kumot. Kapwa napatingin ang dalawa nang sumigaw sa sakit si Jenni, sapo ang kaniyang tiyan. "Ahh! Aggghhhhhh! Ang tiyan kooo! Ahhh!" hiyaw ni Jenni na namilipit sa sakit. Kapwa naman nagtinginan ang dalawa at nagtataka. Bigla ay umatungal ng iyak si Jenni nang may maraming dugo ang kaniyang hita at damit na suot. "H-hindi. Hindiiiiiiii! Agggghhhhh! No! No! Ang baby koo! Marcus! Dalhin mo 'ko sa ospital! Ang anak natin!" umiiyak niyang sabi sa asawa. Taranta namang binuhat ni Marcus si Jenni at patakbong bumaba sa hagdan. Mabilis na binuksan ni Ellie ang sasakyan at isinakay si Jenni na nanghihina na. "Jenni? Jenni! B*llsh*t!" mura ni Marcus nang hindi na umiimik ang asawa. Halos paliparin nito ang sasakyan makarating lang sa ospital. Nanginginig naman si Ellie at sapo ang noo sa takot at pag-aalala. Pagdating nila sa ospital ay mabilis na binuhat ni Marcus ang asawa at dinala sa loob. "Nurse, please help my wife. She's bleeding, please save my baby," pakiusap niya sa mga ito. "Emergency room, sir," sagot ng nurse at inalalayan siya nito. Pumasok naman kaagad ang doktor at pinalabas sila. Pinagsusuntok ni Marcus ang dingding ng ospital at sinipa. "Marcus..." "Shut up! Umalis ka muna Ellie!" singhal niya rito. Napahikbi naman ang babae at umalis sa lugar na iyon. Kinakabahan at takot si Marcus habang hinihintay ang doktor na nag-asikaso sa kaniyang asawa. Umiiyak na siya at galit sa sarili. Palakad-lakad siya na hindi mapakali. Hindi nagtagal, lumabas na ang doktor. Sinalubong niya ito. "I'm sorry," salubong nito sa kaniya. Kunot-noo niya itong tiningnan. "What do you mean? Doc, anong nangyari sa mag-ina ko?" tanong niya sa doktor. Umiiling ang doktor at bumuntong hininga. "I'm sorry, pero nakunan ang asawa mo. Two weeks pa lang ang baby sa kaniyang sinapupunan at mahina pa ang kapit. I'm very sorry, mister," sabi ng doktor. Gumuho ang mundo ni Marcus sa sinabi nito. Napasandal siya sa pader at dumaosdos. Umiyak ng umiyak. Sinisisi ang sarili sa nangyari. Ngayon niya napagtanto ang lahat nang kaniyang ginawa kay Jenni mula noon. Ngayon ay nadamay ang inosenteng bata na sana ay anak nila, ngunit nawala iyon. Binawi iyon, dahil sa kaniya. Nailipat na sa isang private room si Jenni pero hindi pa ito nagigising. Nakaupo si Marcus malapit sa asawa at hawak-hawak ang kamay. "L-love, I'm very sorry. I'm so sorry. This is all my fault, kasalanan ko ang pagkawala ng baby natin. I'm so sorry," saad niya habang umiiyak. Mayamaya ay nagkamalay na si Jenni. Inikot ang paningin sa loob ng kuwarto at tumingin sa kaniya. "M-Marcus. Na saan ako? Kumusta ang baby natin? Ligtas na ba siya?" tanong ni Jenni sa asawa. Umiiling si Marcus at umiyak. "I'm... I'm sorry," saad niya rito. "M-Marcus, a-anong nangyari?" Nag-umpisa nang lumuha si Jenni at kinakabahan. "W-wala na ang baby natin," sabi ni Marcus. Nabigla naman si Jenni at hindi kaagad nakaimik. "Hindi! Hindi totoo 'yan! Sabihin mong hindi totoo 'yan!" singhal nito. "I'm sorry, patawarin mo'ko." Umatungal ng iyak si Jenni. "Hindiiiiiiii! Kasalanan mo 'to! Kasalanan ninyo ng kabit mo! Ang anak ko!" Niyakap ni Marcus ang asawa pero tinulak niya ito. "H'wag mo akong hawakan at h'wag kang lumapit sa akin! Nandidiri ako sa'yo! Pinatay mo ang anak ko! Hayop ka! Lumayas ka. Ayaw na kitang makita!" "No. Please, I'm sorry, Jenni patawarin mo'ko." "Hinding-hindi kita mapapatawad, Marcus. Kinamumuhian kita! Ayaw na kitang makita! Simula sa araw na'to, tinatapos ko na ang namamagitan sa ating dalawa. Maghiwalay na tayo! Lumayas ka!" sigaw ni Jenni at hinubad ang kanilang wedding ring at binato ito sa asawa. "Lumayas ka na! Layas! Ayaw kitang makita! Hayop ka! Pinatay mo ang anak ko. Lumayas ka!" Pumasok naman ang mga nurse. "Palayasin ninyo ang lalaking iyan! Ayaw ko siyang makita!" sigaw niya na nakaturo kay Marcus. "Sir, umalis na po muna kayo. Nakakasama po sa pasyente ang magalit," sabi ng isang nurse. Walang nagawa si Marcus kun'di ang lumabas. Humahagulhol na naman si Jenni at niyakap ang sarili. Ang anak na kailan lang ipinagkaloob ay binawi rin ito kaagad. Ang kasal na kaniyang pinakaiingatan ay nawasak na. Ang pinapangarap na pamilya ay hindi na mabubuo pa dahil sa kaniyang taksil na asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD