ANG PAGBABALIK; EVON DANIELLE GONZALES

1156 Words
Tatlong araw ang nakalipas, nakalabas na ng ospital si Jenni. Pagdating niya sa kanilang bahay ay iniligpit niya ang kaniyang mga gamit. Tuluyan na niyang iiwanan si Marcus. Wala siyang ibang nararamdaman ngayon sa kaniyang puso kun'di galit, puot at sakit. Pababa na siya ng hagdan dala ang kaniyang mga maleta nang sinalubong siya ni Marcus. Gumuhit ang sakit at nabuhay ang galit sa kaniyang puso nang makita niya ulit ang babaeng dahilan ng pagkamatay ng kaniyang anak. "Ang kapal ng mga pagmumukha ninyong magpakita pa sa akin!" singhal niya sa dalawa. "Jenni, I'm here to say sorry..." Sinampal ni Jenni si Ellie ng dalawang beses. "Para sa pag-agaw mo sa asawa ko!" Isang sampal na naman na ikinatabingi ng mukha nito. "Para sa pangbababoy ninyo at pagtataksil! At itong huli!" Sinampal naman niya ang kabilang pisngi nito. "Para sa pagkamatay ng anak ko at sa sarili ko!" Tumulo ang mga luha ni Jenni at nanginginig sa galit na tumingin sa dalawang taksil. "Matagal ko nang alam ang pagtataksil ninyo, pero nagpakatanga ako! Iniisip ko na kaya nagawa iyon ni Marcus dahil inaakit mo siya! Iniisip ko na kaya niya nagawa iyon dahil gusto na niyang magkaanak kami. Tiniis ko ang lahat-lahat! Nagpakatanga ako at nagpakamartir. Nilunok ko ang pride ko at nagpakumbaba. Kahit na inaapakan ninyo ang p********e at pagkatao ko, dahil mahal ko ang asawa ko." Galit na galit ang kaniyang mga matang tumingin kay Marcus. "Magdamag kitang hinintay. Nagluto pa ako ng masarap na pagkain na paborito mo. Hinintay kita dahil gusto kong ibalita sa'yo na magkakaanak na sana tayo! Pero hindi ka dumating, Marcus. Sabik na sabik akong sabihin sa iyo na sa wakas, mabibigay ko na sa'yo ang matagal mo nang hinihiling. Sabi ng doktor, umiwas ako sa stress at problema dahil maselan ang kalagayan ng magiging anak sana natin. Nalungkot ako pero ikaw ang inisip ko, baka kapag nalaman mo, magbago ka na at babalik sa dati. Baka layuan mo na ang mal*nd*ng 'yan at bumalik ka sa akin. Pero, ang lahat ng iyon ay nawala dahil sa inyong dalawa! Dinala mo pa talaga siya rito sa pamamahay na'to at dito kayo gumawa ng kababoyan! Na saan ang kahihiyan ninyo?! O sadiyang mga taksil lang talaga kayo at harap-harapan niyo na itong ginagawa sa akin? Ngayon hindi niyo na kailangan magtaksil! This marriage is over!" Akmang aalis na si Jenni pero pinigilan siya ni Marcus. "No. Please, Jenni, let's fixed this. Please, I'm sorry. I'm begging you, please don't leave me. I loved you." "Mahal? Fixed ba ka'mo? Ano pa ang aayosin, Marcus? Wala na. Wala nang aayosin dahil wasak na wasak na. You ruined everything, Marcus. Sinayang mo ang mga pinagsamahan natin. You ruined my life! You ruined this marriage! You ruined your promises. How could you! After all that we've been through, I never thought that we will end like this. This is not what you promise to me, five years ago, Marcus. This is not what you promise to my family. This is not what you promise to our wedding day. You promise not to break my heart. You promise not to hurt me, emotionally and physically. You promise that you will love me 'till death. But all of your promises was broke and faded. You broke our marriage vows! Now, tell me. How can we fix this marriage? Paano mo maibabalik ang lahat-lahat? I'm tired and done with this marriage, Marcus. Tama na ang pagpakatanga ko, sa'yo. Malaya ka na. Malaya ka nang gawin ang lahat nang gusto mo. Goodbye, Marcus." Hila ang dalawang maleta, lumabas ng mansyon si Jenni at sinalampak sa likod ng kotse ang kaniyang mga maleta. Sumakay siya rito at pinaandar. Mabilis ang kaniyang takbo at panay ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Hanggang sa, isang truck ang biglang nag-over take sa kaniya at hindi siya nakapagpreno. Bumangga ang kotse ni Jenni sa truck at wasak ang harapan ng nito. Sugatan naman sa ulo si Jenni at maraming dugo ang umagos. May mga rumespondeng pulis at ambulansiya. Agaw buhay na si Jenni nang ma-rescue siya. Kaagad na isinugod sa ospital si Jenni at diretso sa operating room. Kumalat ang balita sa telebisyon na kaagad napanood ni Marcus. Umalis siya at pinuntahan ang lugar kung saan nangyari ang aksidente. Pagdating niya sa lugar ay wala na ang kotse at wala nang tao. Hinanap ni Marcus si Jenni sa mga ospital pero hindi niya ito makita. Hanggang sa naubusan na siya ng pag-asa at huminto na sa paghahanap sa asawa. Naging miserable ang buhay. Palaging lasing at hindi na naatupag ang kompanya. Hindi naman siya pinapabayaan ni Ellie. Ito ang nag-aalaga sa kaniya sa tuwing lasing siya. DALAWANG TAON ANG LUMIPAS... "Sigurado ka na ba na uuwi na tayo ng pilipinas?" tanong ni Jasper kay Evon. "Yeah. It's been a long time. Maybe ito na ang panahon para bumalik na ako," sagot nito sa kaibigan. "What if magkita kayo ulit?" tanong ni Jasper. "Don't worry, Jasper. I can handle myself. Besides, iba na ang pangalan ko ngayon. I am, Evon Danielle Gonzales. Jennifer Ramirez, is out. And nobody knows me, except you and Alex. Sumabay ka na lang sa agos," saad ng kaibigan. "Well, ang laki rin ng pinagbago mo. Inside and out. Kaya malabong may makakilala sa iyo kaagad," sagot ng kaibigan. Matapos ang aksidenteng iyon ay natawagan kaagad ni Jenni si Jasper at humingi ng tulong sa kaibigan. Inilabas siya nito sa ospital at sa ibang bansa na nagpagaling. Gusto niyang walang makakaalam kung na saan siya dahil paniguradong hahanapin siya ni Marcus. Kinabukasan, nasa airport na ang magkakaibigan. Naghihintay ng arrival time nila. Mayamaya lang ay nagsalita na ang flight attendant, hudyat na oras na para pumasok sa eroplano. After 12 hours na biyahe, lumapag na sa airport ng pilipinas ang eroplanong sinakyan ng magkakaibigan. May sumalubong sa kanila at dinala sila sa condo na binili ni Evon bago pa sila nagbalak na umuwi. "I'm back. Nakabalik na rin ako at handa nang gulohin ang tahimik ninyong buhay." Lihim na napangiti si Evon sa kaniyang iniisip. Pagdating nila sa condo ay nag-relax muna siya at nagbabad sa bathtub habang umiinom ng alak. Iniisip ang mga plano na kaniyang gagawin. Bigla ay may tumawag sa kaniyang phone. Ang inutusan niya sa unang plano. "Yes," aniya rito. "Nagawa ko na ang iniutos mo. Bukas, pumunta ka sa Paterson Enterprise. Haharap ka sa kanila as a new share holder ng company,"  anito sa kabilang linya. Napangiti siya at lumagok ng alak bago sumagot. "Very good, Alex. Thank you, for helping me,"  aniya rito. "You're always welcome, Miss Evon. Just call me if you need help. I'm on your side," saad nito sa kaniya. "Thank you, again. See you tomorrow," sabi niya rito. Tinapos na niya ang kaniyang pagligo at nagpatuyo ng buhok. Magsisimula na siya sa kaniyang paghihiganti. Babalikan ang mga taong nanakit at nagwasak sa kaniya. The new, Jennifer Ramirez. Evon Danielle Gonzales.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD