Kabanata 1
Ako lamang mag-isang kumakain sa aming malaking dining table. Nasa France ang parents ko at nagbabakasyon sila roon ng dalawang buwan. Dahil may roong pinag-aaralan na technique si Papa para mas lalong mapalago ang mga tanim nito.
I have my twin sister and she’s in Cebu dahil doon nito napiling magtrabaho.
Yes, I have a twin. Her name is Abella. Identical twin kami nahalos lahat ng taong nakakasalamuha namin ay nalilito sa aming dalawa. We have the same long and shiny black hair that has natural curls at the end of it. Nakuha naman namin ang porselanang balat ni Mama at balingkinitan na katawan nito.
We're almost the same height even the shades of our skin. The tone of our voice, and the way we smile. Few people knew our difference, and that's our eyes. She has dark brown eyes while I have a hazel brown color. Some people didn't notice it, and we took that as an advantage.
Kaya madalas kaming magpalit noon dahil hindi nila nahahalata ito. Nalilito ang mga kaibigan namin sa aming dalawa. Though I'm the soft one and she's the tough one. I can act like her, and she can imitate me too.
"Kumusta naman ang first day of work mo sa negosyo n'yo? Hindi na kita natanong kagabi dahil ang aga mong natulog," panimulang tanong sa akin ni Katya, ang isa sa matalik kong kaibigan na kasambahay dito sa amin.
Hindi nalalayo ang edad nito sa amin ni Bella, kaya naman parang isang kapatid na rin ang turing namin sa kanya. Ang mama kasi nito ay kasambahay rin sa aming mansyon. Hindi na siya nakapag-aral dahil tumutulong ito sa kanyang mga magulang.
Ngumuso ako sa tanong nito at nagkibit-balikat. "Okay naman. Sa tingin ko, kailangan kong masanay dahil ito ang gusto ni Mama," sagot ko sa kanya sabay buntonghininga.
Ever since we were young, my mom has wanted the best for us. I let her rule my world as all my decisions depend on her. Ayoko silang mabigo, I want them to be proud of me.
We are living in Valencia like we're still living in the Spanish era. The place where elite families in the Visayas live. Where every move you take, should be accurate. As in, lahat! Kailangan perpekto. Siguro, nasanay na rin ako dahil bata palang kami ni Bella ay sinanay na kami sa ganito.
Kapag hindi gusto ni Mama hindi ko itutuloy kahit na gusto ko. Ginagawa ko ang mga bagay na gusto nila.
Minsan iniisip ko kung masaya pa ba ako sa landas na tinatahak ko. O, dahil mas mahalaga sa akin na makitang masaya ang mga magulang ko. Bella is my opposite, gagawin niya ang mga bagay na gusto niya. Kahit hindi gusto ng magulang namin. She's giving my parents a hard time. She's living her life she wanted it to be. Habang ako ako naman ay hindi ko kayang tumanggi sa kanila.
"Mr. Montenegro is already here, Señorita." Napahinto ako sa sinabi ni Perla, at sumulyap sa aming malaking wall clock. Alas sais y media pa lamang ng umaga.
"He's too early, I'm not yet done!" kunot na kunot na noong tugon ko.
"'Yon din ang sinabi ko, Señorita. Ang sabi nito ay maghihintay raw siya." Napangiwi ako, at umirap sa kawalan.
Sumulyap ako kay Katya sa aking tabi na nakataas ang kaliwang kilay at nagtatanong ang mga mata.
"Entertain him first, I need a minute to prepare," wika ko. At nagmamadaling tumayo upang makapag handa na.
Ayokong may naghihintay sa akin. Lalo na't kailangan kong mai-close ang deal na ito dahil isa itong malaking achievement sa akin. My parents will be proud of me! Nakakahiya dahil isa siyang kliyente at siya pa ang naghihintay.
"Señorita Ella, hindi mo pa ubos ang pagkain mo!" pasigaw na komento ni Katya, nang naglakad na ako patungo sa hagdan.
Huminto ako at sumulyap sa kanya na kinakamot ang likod ng ulo nito. "I will just take a quick shower."
I wore my fitted bodycon white dress below the knee, and a dark pink coat, matching with my stiletto. Dito sa Valencia, women should wear dresses. We can't dress freely! I shook my head at that thought. I hurriedly went down the stairs.
He never told me that he would come so early.
"Gusto nitong maiwan mag-isa sa opisina mo, Señorita," nakayukong pahayag ni Perla sa akin habang naglalakad kami patungo sa aking opisina.
Tumango ako sa kanya at nagmamadaling maglakad na halos takbo na ang ginawa ko. Huminga ako nang malalim bago buksan ang pinto ng opisina ko. Nakita ko itong nakatayo, at pinagmamasdan ang graduation picture ko na nakasabit sa dingding.
"Good morning, Mr. Montenegro," halos pabulong na bati ko at mabilis ang t***k ng dibdib ko dahil sa pagmamadali.
Nakasuot ito ng kulay itim na coat at puting t-shirt sa loob nito. "I'm sorry to keep you waiting. Hindi ko alam na maaga kang tutungo ngayon rito."
Humarap ito sa akin at ngumiti. "It's okay. I don't mind. I have an urgent meeting at ten in the morning."
Tumango-tango ako. "So? Let's talk about the deal then?"
Huminga ako nang malalim at habol ko pa ang hininga ko ngunit sinisikap kong ngumiti sa kanya.
Tumikhim ito at sumulyap sa kanyang relo bago tumingin sa akin. "I don't have much time. I just came here to tell you about it. Dahil ayoko na maghintay ka sa akin."
"What do you mean?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya at naghalukipkip sa harapan nito.
"I need to go," matigas na wika nito at matamis na ngumiti sa akin.
Umawang ang labi ko at hindi makapaniwala na tumingin sa kanya. Halos madapa ako sa pagpunta dito at ‘yon lang ang sasabihin niya?
Buong linggo, buong linggo ay halos ganoon ang routine namin. Pupunta siya, para magpaalam na may meeting ito sa ilang negosyante sa bayan. Though he can just text or message me that he can’t come. Hindi na kailangan magtungo pa rito para lamang magpaalam.
I get it!
He has a month to settle everything, but he's giving me a hard time. He can just—reject my offer, and I will look for another client.
"Nagmamadali ka na namang kumain, Señorita!" Katya snapped, while I was on my phone answering some business inquiries while eating my garlic toasted bread.
"I need to. He might come again early!" nakakunot na noong wika ko, sabay kagat sa aking tinapay.
"Sino ba kasi yang estranghero na 'yan? Mukhang sinasayang niya ang oras mo."
Ibinaba ko ang hawak kong cellphone at umiling sa kanya. "Tsk! I know but he might accept my offer."
Tumawa ito at napailing. "Masyado kang aligaga nitong nakaraang araw dahil sa pagdating nito."
"Tsk!" Umirap ako sa kanya, at mabilis na tumayo. Alas sais y media pa lang, pero tapos na ako kumain.
"Maliligo na ako!" paalam ko, at hindi na naghintay pa ng sagot nito.
Ngunit dumating ang tanghalian ay hindi ito dumating. Pinilig ko ang ulo ko, at inilaan ang atensyon ko sa mga paperworks na kailangan kong tapusin ngayong araw. Hindi ko mapigilang sulyapan ang pintuan sa t'wing may ingay akong naririnig sa labas. Nakakapagtaka, hindi yata ito pupunta ngayon? Maaga pa naman akong nag-ayos.
Nagbuntonghininga ako at umiling. I am being so paranoid! Bakit ko ba siya hinihintay?
Napabalikwas ako sa pag-upo nang may kumatok sa aking pinto. Hindi na nito hinintay ang sasabihin ko, at bumukas ito. Mabilis akong tumayo nang makita ito at nag-aalangang ngumiti sa kanya nang sumalubong ang naka-ngiting mukha nito.
Hindi ako makatingin sa kanya nang maayos. Pakiramdam ko ay guilty ako dahil hinihintay ko ang pagdating niya. Pinipigilan ko ang sarili ko na magtanong sa kanya kung bakit ngayon lang siya dumating o kung saan siya pumunta.
"I had to check on some things. Sorry, did I keep you waiting?" he asked in his worried tone.
I looked at him while his forehead furrowed.
My mouth parted a bit and shook my head. "No. Uh- what I mean, I'm too busy to even notice," pagdadahilan na sabi ko sabay tango.
Ngumiti ito sa akin, at marahan akong huminga nang malalim.
"So... Can we continue?" malalim na tanong nito.
Napaawang ang labi ko, at mabilis na inayos ang paperworks sa aking harapan. "Wala ka bang meeting ngayon, Mr. Montenegro?"
"Yeah," wika nito habang tumatango at ngumiti sa akin. "Tinapos ko na lahat, so I can have much time with you."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito, at naiilang akong umiwas ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko. Yes, we need time to discuss the deal.
"Like what I said before, my dad did his best to provide good quality products for his customers." Tumango-tango ito, habang masinsinang pinagmamasdan ang mga prutas sa aming harapan.
Hinahayaan ko siyang umikot para makita nitong mabuti, at para makapag-isip na rin.
"You can just select the specific fruits that you want. It also depends on the availability of the product. I will give you a copy of the list for the whole year. Though, it's still tentative."
"That's great!" Tango nito.
Mukhang hindi naman ito interesado sa sinasabi ko dahil ang mga mata nito ay nasa produkto.
"If you don't mind me asking, are you renting a hotel room? We can deliver a sample of goods to you, para mabigyan ka ng oras magpasya," kuryosong tanong ko sa kanya.
"Yeah, I'm renting a room. But, I can personally come here." Tumayo ito nang tuwid at tumingin sa akin. "So, are you free tonight?" Napaawang ang labi ko sa tanong nito.
Kumunot ang noo ko at pinoproseso ng utak ko ang tanong niya. Napansin ko ang paghinto nito, at umiwas nang magsalubong ang tingin naming dalawa.
"I-I mean, I saw a fancy Italian restaurant in the city. I wanna try it, but I'm not used to eating alone. The place isn't familiar to me."
"You want us to go and try it?" paglilinaw na tanong ko sa kanya.
Tumikhim ito at ibinigay ang lahat ng atensyon nito sa mga prutas.
"Yeah," tipid na sagot nito.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil namumula ang mga tenga nito.
"I'm sorry, I can't have dinner with you. I have a curfew," sagot ko sa kanya at mabilis itong tumango. Bigo ang mga mata nitong sumulyap sa akin. "We can move it tomorrow lunch, then?" agap na tanong ko.
Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko at tumaas ang sulok ng labi nito at ngumiti.
"Sure, I will fetch you here," nakangiting pahayag nito habang kumikislap ang mga mata sa tuwa.