Simula
Rafaella “Ella” Dela Fuente Point of View
Simula
"Señorita Rafaella, may naghahanap po sa 'yo," tawag sa akin ni Perla, ang aming mayordoma dito sa aming mansyon. Habang inaayos ko ang inventory report na ibinigay sa akin para sa mga prutas na ide-deliver sa malalaking mall dito sa Visayas.
"Sino raw?" kuryosong tanong ko at ibinaba ang ballpen na hawak ko.
"Isang estranghero na nagmula sa Manila. Mukhang negosyo ang pakay nito dahil gusto kang makausap ukol sa inyong produkto," sagot nito.
"Sige, papasukin mo."
Tumango ito bago lumabas sa aking opisina.
Inayos ko ang mga nagkalat na papel sa aking lamesa. Sumulyap ako sa hugis bilog na salamin na nakapatong sa aking cabinet upang tingnan kung may dumi ba sa aking mukha. My parents is on leave, and this is my first day in managing our business. Kailangan kong makakuha ng client para mas maging proud sila sa 'kin.
Huminga ako nang malalim, at ni-ready ko ang aking sarili. Pagbukas ng pinto ay pumasok ang lalaking nakasuot ng long sleeve button-down polo na kulay asul, at naka-black slacks. Matangkad ito, sa wari ko ay mas matanda ito sa akin ng ilang taon. Matikas ang pangangatawan nito at maamo ang mukha. Ngunit mahahalata sa kanyang mukha na may halong banyaga dahil sa makakapal nitong mga kilay at malalim na mga mata.
"I am here to talk to, Mr. Cristobal Dela Fuente," matigas na wika nito at nagsalubong ang makakapal na kilay.
Napaawang ang labi ko at mabilis na tumayo nang maayos.
"My dad is on leave. I am the one in charge while he's on vacation. I hope I can help you?" Nag-aalangan akong ngumiti sa kanya dahil sa mga malalalim nitong mga mata na kuryosong nakatingin sa akin.
"I am interested in your crops. They informed me that you offer good quality products here in Valencia." Matamis akong ngumiti sa kanya at marahang tumango. "By the way, I'm Alfredo Montenegro. You can call me Alfred," dugtong nito at inilahad ang kanang kamay nito.
Montenegro? I know that this family is a well-known elite family in Manila. Isn't he connected with them?
Nataranta ako bigla at mabilis kong iniabot ang kamay nito na nakalahad sa aking harapan. Sumulyap ako sa kanyang mukha at abot hanggang mata ang kanyang ngiti.
"I-I'm Rafaella Dela Fuente, you can call me Ella," mababang wika ko at umiwas ng tingin sa kanya dahil hindi nito binibitiwan ang aking kamay.
Nagbuntonghininga ito. "But they didn't inform me that he also has a beautiful daughter."
Napaawang ang labi ko sa gulat sa sinabi nito at sumulyap sa kanya na mas lalong lumawak ang ngiti sa akin.
Kumabog bigla ang dibdib ko dahil sa hiya. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi, sabay bawi sa aking kanang kamay sa kanya.
Bolero pala 'to!
Umiwas ako ng tingin at tumikhim.
"Tha-Thanks," halos pabulong na wika ko. Inilahad ko ang kamay ko sa upuan na nasa aking harapan. "Please, have a seat."
Umupo ito, at mabilis naman akong umupo sa aking swivel chair. Ayokong makita nito ang epekto ng sinabi nito sa akin. Hindi na bago ang ganitong tagpo, madalas ganito rin ang bati sa 'kin ng mga kasamahang negosyante nila Papa. But, him? Telling it bluntly in front of me is making me feel uneasy.
"I am starting to open up my grocery stores in Manila. I am looking for a direct supplier of goods. I guess you can help me?" baritonong tanong nito.
Naiilang akong ngumiti sa kanya dahil titig na titig ito sa aking reaksyon.
"Uh-- Yeah. I am grateful to hear that you include us in your choices. We offer a lot of freshly picked fruits and our partner markets in the Visayas and Mindanao had good reviews of our products. Thus, their consumers were satisfied too. We're planning to market our goods in Luzon. If you approve our offer, you'll be our first customer and we're very glad to have you, Mr. Montenegro."
"Oh!" anito habang tumatango at hindi nawawala ang tingin sa akin. "Sounds good."
"I can offer you a great deal if you agree with it. You can sign a contract with us."
"That's nice to hear. I guess I don't need much time to think about it."
"If you have an available time, we can assist you to see our freshly picked goods to evaluate on your own."
"That's good. Ngayon na ba?" agap na tanong nito. Napakunot ang noo ko sa tanong niya.
Huminga ako nang malalim, at marahang tumango. "Sure, I will call someone to assist you--"
"If you assist me, that's better," suhestiyon nito na hindi pa natatapos ang sasabihin ko. "So, I can ask more questions with you."
Marahan akong ngumiti sa kanya.
"O-okay," tugon ko habang tumatango at naiilang sa titig nito.
Sa tabi lamang ng mansyon namin ang aking opisina. Hindi na ako nahirapan pa dahil malapit lamang mula rito ang aming malawak na farm, at malaking stock room. Kung saan maingat na sinusuri at pinapahinog ang mga prutas na kinakailangan ng mai-deliver sa mga groceries at malls dito sa Visayas..
"Business din ba ang kinuha mong course?" Napahinto ako sa paglalakad sa tanong nito.
"Yes, 'yon ang gusto ng parents ko," tipid na sagot ko, bago muling nagpatuloy sa paglalakad.
"You mean... you're into business stuff?"
"Uh-- No. I mean, it's good. I guess? At least, I can manage our own business," sagot ko at nagkibit-balikat.
Marahan itong tumango at hindi na ito nagtanong dahil sumalubong sa amin ang tatlong trabahador pagpasok namin sa malaking bodega.
"Magandang umaga po, Señorita Ella," bati ng mga ito sa akin na sabay pang yumuko ang mga ito.
"Magandang umaga rin po. Gusto ko pong ipakilala sa inyo si Mr. Alfred Montenegro, ang ating kliyente na nagmula pa sa Manila. I will just assist him, please continue your work."
"Magandang umaga po, Señor Alfred," bati nito sa katabi ko, bago muling tumingin sa akin. "Sige po, Señorita."
Ngumiti ako sa kanilang tatlo, at sumulyap kay Alfred na naka-ngiti sa kanila.
Iginiya ko ito papasok sa loob.
Dinala ko siya, kung saan ready-to-deliver na ang mga produkto namin upang i-ship sa iba't ibang lugar. Inaayos na ito sa mga malalaki at matitibay na kahon.
"My dad wants the best for our customers. That's why he made sure to offer a good quality products," saad ko sa kanya habang ipinapakita ang iba't ibang mga prutas. "Madalas pumupunta pa siya sa ibang bansa, just to educate himself for different food crops. Kahit na malabong magtanim sa Pilipinas ng ilang mga prutas."
Seryoso ito sa pagtingin sa mga produkto, at sinusuri ng mabuti. Umikot pa kami sa kabilang banda upang mas makita nito ang iba't ibang mga prutas na ino-offer namin. Sa bawat paghinto namin ay may bumabating mga trabahador sa amin.
"I can say that," tugon nito sa akin. Tumingin ito sa aking mga kamay na nakahawak sa mga hinog na mangga sa aming harapan.
Napangiti ako sa kanya nang kumuha ito ng grapes. He's too hands-on on his business. Madalas kasi ay ang mga nakakausap namin sa mga ganito ay binabayaran lamang ng owner ng company to look for a good supplier. O, kaya naman, ay secretary nila.
"Hindi ka magsisi kapag kami ang napili mong magsu-supply sa 'yo," naka-ngiting wika ko sa kanya.
I need to remind myself that I need to close this deal. Kapag nagkataon ay malaking opportunity ito para sa amin.
Napa-ngiwi ako nang kinagat nito ang grapes na hawak niya. "Hindi pa 'yan nahuhugasan, Mr. Montenegro!"
Hindi ko mapigilang matawa sa ginawa nito at napatakip sa aking bibig.
Ngumuya ito at ngumiti sa akin. "You're too serious, Ms. Dela Fuente. I want to see you smiling 'cause it suits you."
Napahinto ako sa sinabi nito at umiwas ng tingin.
"I think that's it for today," dagdag pa nito sa akin.
Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya,
Is he rejecting my offer?
"Pe-Pero, hindi mo pa nakita ang buong--"
"I can check on it tomorrow. Nandito ako sa loob ng isang buwan, kaya walang rason para madaliin ko ang lahat," anito at itinaas ang hawak nitong iilang grapes sa ere. "By the way, the grapes are sweet. I like it."