LUNA felt that familiar heaviness in her chest as she stopped her big bike in front of a house. There was this familiar yet estranged feeling in her heart. Bumalik sa kanyang alaala ang malagim na gabing iyon. Ang araw na dapat sana ay puno ng kasiyahan dahil sa kanyang kaarawan at ngayon ay isa nang madilim na nakaraan. Humugot siya ng malalim na hininga bago bumaba sa motor. Kahit hindi lumingon ay alam ni Luna na pinagtitinginan na naman siya ng mga kapitbahay doon. “Si Luna na ba talaga ‘yan?” “Oo.” “Ang gandang bata, ano? Sayang lamang at hindi na nagisnan ng mga magulang ang paglaki.” “Nariyan na naman siya.” “Oo nga pala, ngayon ang anibersaryo ng pagkamatay ng pamilya niya.” Sa kabila ng mga bulungan ay hindi iyon pinansin ni Luna. Sa halip ay lumapit siya sa gate at nag