GULAT na gulat ang matalik na kaibigan ni Luna na si Mean paglabas nito ng gate at makita siya. “Oh, kailan ka pa nakaahon mula sa ilalim ng lupa?!” salubong nito sa kanya. Marahan siyang natawa at napailing sabay pabiro itong tinulak. Natawa sila nang ma-out of balance ito. “Aray ko naman, minsan ka lang magpakita sa akin manunulak ka pa.” Nang magkatinginan ay sabay silang natawa pagkatapos ay mahigpit na nagyakap habang hindi siya bumababa sa kanyang motor. “Bruha ka, long time no see!” excited na wika nito. “Kumusta ka na?” tanong niya. “Ayos naman.” “Iyong asawa’t anak mo?” “Okay din naman sila, lumalaki na ‘yong inaanak mo. Halika sa loob, pasok ka!” yaya nito. “Hindi na dito na lang, dumaan lang talaga ako dito para makita ka, saka…” sagot niya at pinakita ang holst