“SIGURADO ka ba na okay ka lang? Hindi ka sinaktan o nahawakan ng Henry Wang na ‘yon?” paniniguro pa ni Blaine habang nasa loob sila ng sasakyan at pauwi na mula sa party. Marahan siyang natawa at lumingon sa nobyo. “Oo, ayos lang ako. Besides, what can he do to me? Kung gugustuhin ko kanina, in split second I can kill him,” sagot niya. Kinuha ni Blaine ang kamay niya at marahan iyon pinisil. “Dapat pala sinabi ko kay Bea na huwag ka masyadong pagandahin, marami tuloy ang gusto umaligid sa’yo.” “Anong umaaligid?” natatawa na tanong niya. “Marami ang lumalapit sa amin kanina, Ysabel. Tinatanong ang number mo,” sagot ni Mario na nakaupo sa harap. “Talaga?” “Oo. Ayaw pa nga maniwala na girlfriend ka ni Boss.” “See?” sabad ni Blaine. “As if naman bibigay ko number ko.” Ilang