ALL EYES on them. Pakiramdam ni Luna ay nais niyang magpalamon sa sahig sa mga sandaling iyon. She’s been living in the shadows for years. Kahit sa umaga ay para lang siyang hangin na hindi pinapansin. Mula nang mangyari ang trahedyang iyon sa kanyang pamilya, tahimik at mag-isa nang kinulong ni Luna ang sarili sa mundo na siya rin mismo ang may gawa. Kaya naman para maglakad habang nakatingin sa kanya halos ang mga tao. Pakiramdam niya ay para siyang matutunaw. Kinakabahan na humawak siya ng mahigpit sa braso ni Blaine. Tila napansin nito iyon at agad lumingon sa kanya. “Are you okay?” mahina ang boses na tanong nito. “No,” pag-amin ni Luna. “Hindi ako sanay ng ganito, Blaine. Nakatingin sila lahat sa akin.” Dinala siya nito sa isang gilid at hinawakan sa pisngi. “Relax, okay? T