Chapter 09

1475 Words

MATAPOS mawalang bisa ang pustahan nina Paige ay sinikap na rin niyang iwasan si Keigo. Hindi lang niya nagustuhan ay ng makita niya si Marela at Keigo na magkasama isang hapon. Noon lang niya nalaman na parehas ng kurso ang mga ito. Bagaman at graduating na si Keigo ngayong school year. Curious man dahil magkasama si Keigo at Marela ay pilit niyang iwinaksi iyon. Kinagabihan bago siya tuluyang matulog ay pumunta muna siya sa kusina para uminom ng fresh milk. Nadaanan pa niyang nakasiwang ang pinto ng study room. Narinig niya ang boses ng amang si Hernando at Aimee. Lalampas na lang sana siya roon ng marinig naman niya ang kanyang pangalan na binanggit ni Aimee. Doon na rin sa mansiyon nila nakatira ang mag-ina. "Hindi pala talaga kayo nagkaanak ni Maiden at ampon niyo lang si Paige?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD