CHAPTER SEVENTEEN: ••• ••• Nagpalit ako ng uniform, masyado na kasing gusot-gusot, at may punit ang ilang tela dahil sa kagagawan nang dalawang magkapatid kanina. Tss! School Uniform lang din ang ipinalit ko, pero pinaresan ko ng Denim Jacket. Inikot ko sa likuran ang wire ng earphone ko at patalikod kong isinuot ito habang nakasaksak iyon sa cellphone kong nasa loob ng bulsa ng Denim Jacket ko. Inayos ko lang ang naka ponytail kong buhok. Tss! Nagpaalam ako kay Aphrodite na maglalakad lang ako sa labas at dito lang siya. Pumayag naman siya dahil busy siya sa kakalaro ng plants versus zombies Tss! Umiling ako sa ginagawa niya. Isip bata pa'rin talaga. Tss! Nasa loob ng magkabilang bulsa ng denim jacket ko ang dalawang kamay ko. Blanko ang mukha ko habang naglalakad papuntang liko