CHAPTER SIXTEEN: ••• ••• "Yeahhh! Nathalie is right. Hindi natin mare realize na kailangan natin ng Team Work kung hindi tayo sinabihan ni May." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni CR. Bakit bigla ata itong bumait? Tss! Pero tama 'rin naman siya. Kanina kasi, matapos ang laban namin sa dalawang magkapatid na iyon ay ang ibang mababait na Class E ay halos ngiting-ngiti dahil sa pagkapanalo namin. Si Ericka naman, ayun halos iniiwasan ako. Nakonsensya ata sa ginawa niya. Tss! Pero meron pa'rin namang ilan sa studyante ng Class E ay ayun padin sa gilid, salubong ang mga kilay na nakatingin sa amin ni Aphrodite. Tss! At isa na doon ang Feeling F4. Naalala ko tuloy ang ginawa nila kay Sheena. Tss. Hinanap ko kaagad si Sheena kaso wala akong makitang Sheena kaya tumabi nalang ako para pan