“Is that her?” curious na tanong sa kanya ni Jersey. Nilagok niya muna ang alak na nasa kanyang baso bago sinagot si Jersey. Alam naman niya kung sino ang tinutukoy nito. “Yeah!” tipid niyang sagot sa kaibigan. Pasimple niyang sinulyapan si Adeline na nakatayo hindi kalayuan sa kanilang pwesto. “I see. New maid?” tanong ulit ni Jersey. Tumango siya bilang sagot. Tamad siyang sumagot sa mga tanong nito lalo na kapag babae na ang pinag-uusapan. “Type mo?” balik niyang tanong kay Jersey. Napangisi ng nakakaloko ang kanyang kaibigan. Alam niyang matinik sila parehas sa mga babae at hindi niya iyon pinagkakaila! “Baka type mo!” balik ni Jersey sa kanya. Hindi siya kumibo. Lumagok ulit siya ng alak. Type niya nga ba? Well, maybe not! Mainit ang bait niya palagi kay Adeline kaya malabo. But w