CHAPTER NINE

1554 Words
Hindi na ulit nakatulog si Kelton nang magising siya ng bandang mga alas tres ng umaga. Hindi niya alam kung binabangungot na naman siya o nanaginip lamang. Ngayon nalang siya ulit nagka-ganito. Matagal tagal narin naman siyang hindi dinadalaw ng kanyang masamang panaginip ngayon na lamang ulit! Pinagpapawisan siya ng malamig bago bala-balatong pa ang klase ng kanyang pawis. He never used to sleep again everytime his nightmare visiting him! Tahimik lang ito na naka-upo habang tulala na iniisip ang napapanaginipan niya. Nang makarekober na siya marahan siyang tumuwid ng upo. Ininat niya ng tuwid ang kanyang mga kamay. Bumuga siya ng madaming hangin na para bang sa pamamigitan niyon ay mailabas niya ang mga masasamang naiisip. Total hindi na rin naman siya makakatulog tumungo siya agad sa shower upang maligo. Pero bago siya pumasok sa shower room mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang kanyang wallet. Mapait siyang ngumiti doon bago nag tungo na sa banyo. Habang nag bababad sa ilalim ng shower biglang nanumbalik na naman ang nakita niya kahapon bago siya makarating sa kanilang Mansion. Hindi siya makapaniwala na sa unang pagkakataon makikita niya ang babaeng lihim niyang ginugusto. Kagabi lang siya dumating sa Mansion nila. Umuwi siya ng probinsiya niya kagabi dahil bago paman dumating ang kanyang mga magulang ay kailangan nauna na siya. Gusto niya lang isipin ng kanyang Mommy at Daddy na kaya niya na ulit tumapak sa lugar kung saan nilisan niya pansamantala noon. Halos mag dadalawang taon din siya bago nakabalik dito. Kung hindi niya pa na-recieve kahapon ang txt message ng kanyang Mommy hindi pa siya agad-agad na uuwi sa Batangas. Pagkatapos niyang maligo nagbihis lang siya ng six pocket cargo short. Pinaresan lamang niya ng white t-shirt na karaniwang sinusuot niya pambahay. Kasalukuyan siyang nagkakape sa labas ng main door ng kanilang Mansion. Kahit medyo madilim-dilim pa sa labas pilit niyang sinisilayan ang paligid nang kanilang Mansion. Namiss niya rin naman na mamalagi sa lugar kung saan siya lumaki kaya tama lamang ang naisip niyang isang buwan siyang magbabakasyon sa probinsiya niya. Naubos na niyang inumin ang kape at medyo lumiliwanag na. Alas sais na nang umaga pero parang mga alas kwatro palang ito. Kung nasa Maynila siya panigurado sikat na ang araw sa balkonahe ng kanyang condo unit. Ninanamnam niyang langhapin ang sariwang hangin habang nakaupo. Maya-maya lang ay plano niyang umikot-ikot sa kanilang taniman. Madami naman silang taohan na pwedig gumawa niyon pero dahil ngayon lang siya ulit nakabalik kaya gagawin niyang busy ang sarili kahit nasa bakasyon siya. Sanay naman siya mag banat ng buto kaya sisiw lang 'yon sa kanya. “It feels good to be back here again,” mahina niyang sambit habang nakatayo at uminat-inat. Napangiti siya bigla nang bumungad sa kanya ang katiwala nilang matanda. Si Nanay Merci. May dala itong isang plato na may lamang suman sa lihiya. Nanay Merci was their first maid who served in their Mansion and she was only seventeen years old when she became their housemaid and until now she is still in their. Tinuring na nilang tunay na pamilya ang matanda. Napaka-swerte nila kasi mayroong isang totoong tao na kayang silang pagsibilhan kahit uugod-ugod na kahit palagi naman nilang sinasabi na huwag nang mag abala palagi at maging komportable nalang sa kanilang puder. But the old woman was too stubborn because she still disobeyed their constant instructions so they just let it go. Though ma-swerte din naman sa kanila si Nanay Merci dahil binibigay lahat nila ang pangangailangan nito kahit labas na sa mga binipisyo na nasa usapan nila. Lahat ng bagay ay dulot nila kay Manang Merci lalo na pagdating sa pinansyal na bagay. Wala lang iyon sa kanila kumpara sa mga naging hirap ng matanda sa mga nag daang mga dekada. They both lucky each side at 'yon ang mas importante doon. “Magandang umaga, Hijo. Dumating ka pala kagabi. Siguro tulog na ako kaya hindi ko narinig ang ugong ng kotse mo. Heto, kainin mo ang suman tamang tama are diyan sa kape mo,” masiglang bati sa kanya ng matanda. Hindi siya kaagad naka-imik dahil sa sunod-sunod na sambit ng matanda. Napapangiti na lamang siya habang inaabot ang plato na may lamang suman. Suman sa lihiya isa 'yan sa mga paborito ni Kelton na kainin kapag nasa bayan siya ng Pilar. Mas gusto niya itong ipares sa kapeng barako kaya nag madali ang matanda na salinan siya sa tasa niya ng mainit-init na kapeng barako. “Thank you, Nay. Kaya ko naman po isalin yang kape. Nag abala pa po kayo. By the way, how's your health po? Going better po ba? If ever na hindi sumama kayo sa akin sa Maynila para patingnan kita kay Jersey,” nag aalalang wika ni Kelton sa matanda. Alam ni Kelton na may sakit ang matanda at siya ang namamahala ng mga supplies na vitamins at gamot na maintenance ni Nanay Merci. May personal doctor din naman sila na palaging nag che-check up kay Nanay pero wala naman masama kung mag papa-second opinion siya sa kaibigan nitong doctor. Umiling-iling ang matanda habang naka-upo sa tabi niya. Pinagmamasdan siya nito habang sunod-sunod ang pagsubo ng suman. “Nako ang batang are! Huwag mo akong intindihin, Hijo, ayos lamang ako. Naiinom ko lahat ang mga gamot na sinu-supply mo kaya huwag kang mag alala. Ang sarili mo ang alalahanin mo. Tingnan mo nga oh, ang payat mo ngayon. Hesus ko po! Ano ba ga ang tuong pinag gagawa mo doon sa Maynila at bakit ikay nangayayat ng sobra!” pangungumbinse sa kanya ni Nanay Merci. Sunod-sunod naman ang paninermon sa kanya ng matanda dahil mukhang pinabayaan naman nga niya ang kanyang sarili. Inaamin naman niyang pumayat siya. Dahil siguro sunod-sunod ang naging project niya kaya nakakaligtaan niya ang kumain sa oras. At staka alak! Hindi siya nakapagsalita bagkus pinag-igi na lamang niya ang pagkain ng suman. Nang maubos niya ang dalawang yapos na suman pakiramdam niya hindi siya makagalaw sa kina-uupuan. Masyado siyang nagmatakaw sa suman at kapeng barako. Nanatili lamang siya na naka-upo hanggang sa pakiramdaman niyang humughog na ang kanyang kinain. Mag iikot na siya sa kanilang Hacienda. Dinala niya madali ang pinagkainan niya sa kusina bago nag inumpisahan nang maglibot. Nilaan niya ang ilang oras niya sa paglilibot sa Hacienda kasama ang ibang taohan. Pabalik na sila sa Mansion nang may tumatawag sa kanya. Sinagot niya ito ngunit namatay naman bigla. Bindi na niya tiningnan kung sino ang tumawag. Alas dose na nang makabalik siya sa Mansion. Bago maligo ay kumain muna siya dahil hindi pumayag ang matanda na hindi siya kakain. Hindi siya makatanggi kapag si Nanay Merci na ang nagsabi. Umupo siya at inumpisahang lantakan ang pagkain. “Wala pa po akong isang araw dito Nay pero pakiramdam ko mataba na agad ako,” pabiro niyang wika sa matanda habang lantak ng paghigop ng sabaw ng bulalo. “Asahan mong bago ka bumalik sa siyudad babalik ang dati mong katawan, Hijo. Hanggat nandito ka sa Mansion hindi ko hahayaang malipasan ka ng gutom. Siya dali at bumulos kapa,” paninigurado ni Nanay sa kanya na ikina-iling nalang niya. Busog na busog na naman siya kaya imbes na maligo pagka-akyat niya sa kanyang silid natulog muna siya dahil pakiramdam niya kusang pumipikit ang kanyang mata. Pero habang nawawalan siya ng malay dulot ng antok bigla naman tumunog ang kanyang cellphone. May tumatawag na naman ngunit hindi na niya magawang sagutin iyon dahil nilamon siya ng antok! Napabalikwas siya sa kanyang kama nang marinig niya ang sunod-sunod na katok sa labas ng kanyang pintuan. Alam niyang si Nanay Merci iyon kaya habang mumukat-mukat pa ay pinilit niyang magsalita. “Yes po, Nay?” mahinang sambit niya. “Hapon na, Hijo. Bumangon kana at mag meryenda na,” tugon ng matanda sa kanya. Mabilis nlsiyang bumangon at binuksan ang pintuan upang makita siya ng matanda na nakabangon na. Nakumbinse naman ang matanda kaya bumaba na ito. Agad siyang naligo. Pagkababa niya bumungad na naman sa kanya ang mga pagkain. Mukhang totohanin talaga ng matanda ang sinabi kanina. Buti nag kan-ugaga siyang ubusin ang hinayin na meryenda sa kanya ni Nanay Merci. Turon at kape ba naman. Lahat ng mga lutong probinsya ang niluluto ni Nanay Merci kapag umuuwi siya sa Mansion. Kahit hindi na siya request mag ng mga pagkaing gusto niya dahil alam na alam na iyon ng matanda. Ang tanging gagawin na lamang niya ay kumain at ubusin ang hinayin. Papalubog na ang araw kaya naisipan niyang maglakad-lakad papunta sa labasan. May parte doon na maganda tambayan lalo na kapag papalubog na ang araw. Unang sasapitin ang bario ng Theresa bago pa ang Pilar kapag galing ka sa bayan ng San Agustin kaya yung pupuntahan niya ay boundary ng bario Pilar at Theresa. Tanaw na niya ang isang kubo hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan. Namamangha siyang nakatingin sa araw habang ninamnam ang sariwang hangin. Hindi kalayuan sa kanya ay nakasunod ang goons niya kaya safe siya kahit kilala naman siya ng mga haciendero at haciendera kahit sa kabilang bario. Napapangiti siya ng maalala niya ang unang tagpo nila kahapon pero kaakibat ng kanyang saya ay munting lungkot at takot. Napapabuntong hininga na lamang siya habang nakatayo at nakatanaw sa langit. Nakasuksok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng short. Someday its gonna make sense lahat ng nararamdaman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD