"Huwag mo akong iwan," nagsusumamo kong pigil sa akmang pag-alis ni Claude. "Ayokong mapag-isa. Dito ka muna... please," nahihiya kong dugtong. Nagamot na ng doktor iyong sugat ko sa tuhod at nalagyan na rin ng ointment iyong iba kong mga galos sa braso at sa binti. Walang malaking pinsala sa'kin physically maliban sa tuhod kong nabugbog at nagkasugat. Hindi rin gano'n kalala iyong sugat tulad no'ng una kong akala. May ibinigay rin na gamot upang maibsan ang pamamaga at pagkirot ng sugat ko. Mabuti na lang at napapayag ko si Claude na hindi na magpapa-x-ray dahil tulad nga nang sabi ng doktor ay minor injury lang iyong tinamo ko. Natawagan ko na rin sina Mama at Papa. Matapos ko silang makumbinse na okay lang ako ay saglit nilang kinausap si Claude bago ako muling kinausap at binilina