chapter 13

1926 Words

"Claude," pigil-hininga kong sambit sa pangalan niya. Halos wala ng hanging makakadaan sa lapit ng mga katawan namin at siguro ay isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit para akong nahihirapang huminga. "Umalis na tayo rito," halos pumipiyok kong dugtong sa naunang nasambit. Akala ko no'ng una ay hindi niya ako naririnig dahil ilang sandali muna bago siya tuminag mula sa mabini niyang paggalaw sa saliw ng rakrakang tugtog habang nakayapos sa'kin. "Gusto mo na bang umuwi?" paos niyang tanong sa'kin. Hindi ko nakikita ang ekspresyon ng mukha niya dahil nakasandal sa dibdib niya ang pisngi ko at halos magkayakap kaming nakikisabay sa mga nagsasayawan sa paligid. Kakaiba man itong steps namin ay mas gusto ko ang ganito. Safe na safe ang pakiramdam ko sa mga bisig ni Claude... wala ring ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD