Dalawang araw na ang lumipas simula no'ng dumalo ako sa family dinner ng mga Flynn pero hanggang ngayon ay 'di mawaglit-waglit sa isip ko iyong pinagsaluhan namin ni Claude sa silid niya. Sa rami ng mga nangyari no'ng gabing iyon ay ang partikular na tagpo sa ibabaw ng kama niya ang talagang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko at kahit tuwing pipikit ako ay tuksong lumilitaw ang imaheng iyon. Dalawang araw na ring hindi nagparamdam si Claude matapos niya akong maihatid nang gabi ring iyon. Hindi ko na nga maalala kung paano kami nakapuslit paalis nang walang nakakapansin sa'min at pinagpapasalamat ko iyon dahil hindi ko alam kung paanong ipapaliwanag na iba na iyong suot kong damit pauwi. Wala naman talagang nangyaring higit pa sa halikan at konting kiskisan dahil nagawa pa ni Claude n