CHAPTER 3

1012 Words
EVAN POV Lahat kami, natuon ang atensyon namin kay Lassy ng mag salita ito. "Galingan ninyong lahat sa pag sasayaw ninyong lahat para naman walang ni isa sa inyo ang umuwing luhaan. Sa hirap ng buhay ngayon, di na lang pride ang ibaba ninyo kung di pati ang brief ninyo. Maraming mga galanteng customers sa labas. So kailangan na ibigay niyo ang best ninyo, tandaan ninyo, sa inyo rin naka salalay ang bar natin," seryoso niyang saad. Iniikot niya ang mga mata niya hanggang sa mahinto siya sa akin. Namutla ang kanyang pisngi na parang kinikilig pa siya. Bumaba ang tingin niya sa brief ko at halatang natakam siya sa pabakat ko. Napa ngisi lang ako, basta kahit ano pang sabihin niya, hinding hindi ako sasayaw sa pole. Malakas ang kutob ko na kaya kong daanin sa pabakat ko ang pag kuha ko ng customer. "And of course," pag papatuloy niya pa, "Pwede kayong umikot ikot muna sa mga customers at sayawan niyo sila para lagyan nila ng pera ang mga singit ng suot ninyo. Sige larga na, good luck everyone. Dapat ay wala akong makikitang kawawa mamaya dahil walang nakuhang customer, ha! Nako, di ako maawaing tao kaya lagot kayo sa akin!" ------------------------ ------------------------ KYLIE POV Habang nag uusap usap kami, bigla na lamang namatay ang lahat ng ilaw maliban na lang sa ilaw sa stage. Nag iba na rin ang sound, naging mas daring na ito, parang umaala careless wh!sper na ang tugtog. Nag palakpakan na ang mga tao sa crowd at kahit na hindi ko alam kung ano ang nangyayari, naki palakpak na rin ako. "Ayan na teh, simula na talaga ng palabas. Ihanda mo na ang pera mo girl, mukhang mapapa gastos ka ng bongga!" Bulong pa sa akin ni Lira, kanina pa talaga niya ako pinag titripan at pinag tutulakan niya na kumuha ako ng lalaki rito. Hindi ko naman balak na galawin yung 20 thousand na allowance na binigay sa akin ni Dad para lang sa isang lalaki. Kung tutuusin nga, lalaki pa ang dapat na mag bayad sa akin and not the other way around. And if ever man na maka kita ako ng lalaki dito sa bar na sobrang perfect, yung tipong luluwa ang mga mata ko o mahuhulog ang panga ko sa sahig. Gwapo, matangkad, maputi, bad boy na may tattoo sa dibdib, six packs abs, at bonus na lang kung malakas ang appeal. Sa taas ng qualifications kong ito, natitiyak ko na mahirap akong makahanap dito. "Pinag sasabi mo jan? Wala nang mas sasarap pa sa tequila na iniinom ko ngayon. Sure ako na mga chaka yang lalaking sasayaw sa pole mamaya," saad ko sa kanya sabay lagok ulit ng tequila. "Sus! Ikaw pa ba, nako kilala, mamaya niyan sure akong bibigay ka rin!" Tinawanan ko lang ang sinabi niya. Matapos nang palakpakan, isa isa nang lumabas yung mga macho dancer na kung tawagin daw sa bar na ito ay mga machete strippers. In fairness, lahat siya ay may magagandang katawan. Ang iba sa kanila naka suot brief, ng boxer, ng pantalon. Yung iba halatang dinadaan lang sa ganda ng katawan, yung iba sa pabakat. Pero para sa akin, wala akong nakikitang lalaki na nakaka attract sa mga ito. Di sila pasok sa standards ko. "Ano teh? Sino ang bet mo sa kanila ha?" bulong ulit ni Lira. "Wala no!" naka simangot kong sagot habang naka tingin ako sa mga lalaking sumasakay sa pole. Subalit habang nag sasayaw sila, may isa pang lalaking lumabs, at halos lumuwa ang mga mata ko sa hitsura ng lalaking ito. Tila ay huminto ang mundo ko at naglaho ang nasa paligid ko. Siya lamang ang naging sentro ng paningin ko. Di lang ang panga ko ang nalalaglag, pati na rin yata ang panty ko. Gwapong maputi na matangkad, may abs, mala bad boy ang hitsura lalo na sa agilang tattoo sa kanyang kaliwang dibdib. Sobrang lakas ng kanyang dating. At nang mapatingin ako sa brief niya, talagang halos mayroon pa siyang pabakat. Subalit, hindi lang pala ako ang nag nanasa sa kanya. Marami pang mga customers, aasa pa ba ako? Sayang, sa lahat ng mga sumasayaw, sa kanya talaga maraming nag bibigay ng pera. Ano kaya ang pangalan niya? Parang nasa mid 40 na siya pero siya ang masasabi kong pinaka hot sa lahat ng mga sumasayaw ngayon. Alam ko na maraming nag lalaway sa kanya ngayon at di na ako umaasa na mapapansin niya ang isang katulad ko. "Ehem! Parang titig na titig ka jan ha?" bulong sa akin ni Lira. "Hot di ba? Alam kong ganyan ang mga kursonada mong mga lalaki teh!" dagdag niya pa. Lumingon ako sa kanya, "Ha? Nako no, pass ako sa ganyan, di naman ako masyadong nagu gwapuhan sa kanya," saad ko sabay lagok muli ng tequila, pero nanghihinayang lang ako kasi sure akong mayroon nang kumuha sa kanya. "Ayyyy oh my gosh, nag iikot siya besh!" kinikilig na sabi ni Lira, dumukot pa siya ng 500 sa kanyang bag at binigay ito sa akin. "Sige na teh! Iipit mo lang sa brief niya mamaya, malay mo matipuhan ka rin niya!" Pinipilit kong ibalik kay Lira yung 500 pero pilit niya rin itong nilalagay sa kamay ko. At habang busy kaming dalawa sa pag aaway, dumaan na sa harapan namin yung lalaking sobrang perfect sa paningin ko. Halos punong puno na ng pera ang kanyang brief, parang wala na akong ibang pag lalagyan nito. Akala ko nga noong una ay pogi lang siya sa malayuan, pero nang lumapit ito sa amin, di hamak na mas gwapo pa pala siya. Ang kisig ng katawan niya, para talaga siyang isang machete. Nang mahuli niya akong naka tingin sa kanya, napa ngiti siya, para na nga akong aatakihin sa puso dahil sa kilig. Ngayon ko lang naramdaman ito sa buong buhay ko. Nang huminto siya sa harapan ko, iniabot ko na lang ang pera sa kanyang kamay. Naiilang ako na ilagay ito sa kanyang brief kasi punong puno na ito. Nang hawakan niya ang kamay ko, parang mayroong akong spark na naramdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD