KYLIE POV
"Go sir, single yang tropa namin! I taken mo na," pangungulit sa akin ni Lira na pilit akong pinag tutulaka sa lalaking poging ito na nasa harap ko.
"Ano ba nakakahiya ka!" sabi ko sa kanya nang lumingon ako pero ang totoo, gustong gusto kong tinutukso niya ako.
"Sus kunwari ka pa, di ba ganyan naman yung lalaking type na type mo yung mala bad boy na lalaki? Sige na sir, itable mo na yan ng maranasan niyang magkaroon ng syota!" pag gatong pa ni Jen.
Talagang pinag tutulakan pa nila ako sa lalaking ito hanggang sa mag inuman kaming dalawa sa lalaking ito.
"Tara miss, ako ang bahala sayo," saad ng lalaking ito, shet! Hindi ko talaga kaya, bumibigay ako sa ngiti niya sa akin, para akong nababaliw sa kilig na nararamdman ko sa mga sandaling ito.
I ended up going with him sa isang sulok sa bar na ito. Medyo malayo kami sa ibang mga tao at parehas pa kaming umiinom ng tequila.
"By the way, I have not introduce my name, pala si Evan, and it is nice to meet you," nakangiting sabi niya pa sabay abot ng kanyang kamay sa akin.
Nakipag handshake ako sa kanya, ang lamig ng kamay niya. Nagulat ako sa pagiging fluent niya sa wikang English. Kaya tiningnan ko siya ng may pag tataka.
"Ako si Kylie, nice meeting you as well, pero matanong ko lang pala, are you a foreigner?"
"Hindi, Filipino ako, medyo may accent lang talaga ako from my previous job," naka ngiting sagoy niya.
Ngayon ko lang din napansin na magkahawak pa rin pala ang aming mga kamay kaya napa bitaw na lang akong muli.
"Ay sorry sir-"
"Ayos lang sa akin, siya nga pala, parang ang bata ng hitsura mo ha? Baka naman minor ka lang?"
"Hindi ah, 21 years na ako. Hindi lang halata sa hitsura ko sir."
"Sir? Don't call me sir, Evan na lang. Tutal ikaw naman ang client ko. I will just call you by your first name since mas bata ka sa akin."
Naso sosyalan talaga ako sa kanyang mag salita, na curious tuloy ako kung ano ang kanyang previous job.
"Sa call center ka ba nag work?"
"Call center, no, I have never been to that industry. But to tell you honestly, I owned a company before and I used to be a billionaire," wika niya.
Halos hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa kanya, sino ang mag aakala na bilyonaryong stripper pala ang kausap ko ngayon.
"Teka, kung bilyonaryo ka, bakit ka nandito sa bar? Di ba dapat ikaw ang customer?"
Bigla na lang nawala yung ngiti sa kanyang mukha at napalitan ito ng kalungkutan, "That is why I said I used to, nakaka lungkot lang din isipin pero sa isang iglap lang, nawala yung yaman ko at dahil yon sa sugal. Naisangla ko ang lahat ng ari arian ko, bahay ko, kotse ko, pati ang iba ko pang mga naipundar na properties. Maging yung company ko, naibenta ko na rin sa ibang tao ahg shares ko. Mas may nakaka awa pa ba sa isang tao na walang natira sa bulsa? And now, napilitan akong pasukin ang ganitong mundo kasi kahit na singong duling sa bulsa ay wala ako."
"Malamang, naka brief ka eh," pag bibiro ko pa sa kanya.
"Hahahaha!" ang malakas na tawang pinakawalan niya sa akin.
Natawa na rin ako kahit na nararamdaman ko yung lungkot sa kanyang mga mata. Ang sakit nang na experience niyang ito, ako nga isang daan lang yung nawala sa akin pero naiiyak na ako. Pero ang lalaking ito, parang wala lang sa kanya yung mawalan ng pera at tila ay mahirap paniwalaan yung kwento niya.
"Weh di nga? Sure ka ba, Evan? Kasi sorry ha? Ngayon lang kasi ako naka encounter ng taong kagaya mo na may ganitong kwento," ani ko sa kanya.
Iniikot niya yung basong hawak niya sa kaliwa niyang kamay at tiningnan ako ng malagkit, "I know it is hard to believe pero trust me, ipapa putol ko pa itong tit* para lang maniwala ka."
Napa takip ako ng bibig sa sinabi niyang ito, parang nalibugan ako ng slight sa narinig ko sa kanya. Although, sa tingin ko talagang daks siya, kaya lang, landian lang naman ang habol ko sa taong ito. At kung gusto niya ng ganitong kwentuhan, sasakyan ko siya.
"Ay talaga ba? Wag sayang lang. Ang dami mo na ngang perang nalikom dahil lang jan tapos ipapa putol mo lang? Malay mo yan yung maging way mo ulit para bumalik ka sa pagiging bilyonaryo mo?"
"Hahahah! I like you," ani niya sabay inom ng alak, "Ganyang babae ang gusto kong kausap, yung kayang sumakay sa trip ko at hindi yung babaeng pa virgin."
"Pa virgin? Eh virgin naman talaga ako!" muli kong pag sakay sa kanya sabay inom ng tequila, grabe nakaka ilang lagok pa lang ako ng alak pero parang nalalasing na ako. Kaya siguro nagagawa ko na ring sakyan yung mga green jokes ni Evan dulot ng aking kalasingan.
"Hahaha!" malakas na tawa niya ulit.
"Oh bakit ka natatawa? Eh virgin talaga ako! Hindi lang halata sa akin pero..."
Napa titig ako ulit sa mukha niya. Bakit ganun, the more ko siyang tingnan, the more na mas lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko. Nag lalaho ang mga tao sa paligid namain kapag napapa tingin ako sa mapupukaw niyang mga mata.
"Pero ano...? To see is to believe... wag na natin pahabain ang usapan... diretso check in na tayo kaagad sa motel kung gusto mo..."
Natawa ako sa sinabi niya, parang lumalabas talaga ang libog ko. Tahimik man akong babae at kaunti man ang alam ko sa ganitong bagay, di maiwasan na mag init ang katawan ko lalo na sa mga hirit niya sa akin. Para bang alam niyang hulihin ang kiliti ng kanyang kausap.
"Saglit lang ha? Baka may asawa ka na tapos bigla akong sugurin?"
"Asawa? Wala na akong asawa, matagal na kaming hiwalay. Matagal na rin akong single, so ano? Tara na, gagawin kong masarap ang first experience mo," libog niyang sabi.