Chapter 15

4083 Words
(Noam's POV) "ANO bang nangyayari?" Bulong ko nang makalabas ako mula sa banyo matapos maghilamos. Habang nasa banyo kasi ay nakakarinig ako ng mga kalabog, parang may nagkakagulo na ewan dahil ang lalakas ng ingay pero tahimik naman na paglabas ko. Hindi kaya sa kapitbahay yon? Pero grabe, may nag-aaway siguro kaya ang lakas ng kalabog na yon. Nginitian ako ni Charlotte nang madako sa'kin yung tingin nya habang si Morgan naman ay seryoso ang mukhang binalingan ako. Napalunok ako dahil sa paraan ng tingin na ipinupukol nya sa'kin. Aba, kung tingnan nya kasi ako ay parang may ginawa akong masama eh samantalang kagigising ko lang. "Oy, mag-almusal ka na." Yaya ni Charlotte na tumayo pa para lang hilahin ako para pumwesto sa tabi nya. "Kumain ka ng marami. Binilhan kita ng mga paborito mo, nakakahiya naman kung bibisitahin kita ng walang dala di'ba?" "Hala, hindi ka na sana nag-abala pa." Bahagya akong ngumuso habang isa-isang sinisipat yung mga dala nya. "Ang dami naman nyan." "Para ka naman bago ng bago nyan eh! Kung tutuusin kakaunti pa nga yan sa dala ko lagi kapag nagkikita tayo." Palihim na sinulyapan ko si Morgan pero hindi na sya sa akin nakatingin kundi kay Charlotte kaya bahagya akong yumuko. "Kakaunti ka dyan." Bulong ko. Nakakainis tong si Charlotte, baka isipin ni Morgan eh sobrang takaw ko. "Sige na, kumain ka na." Inirapan ko sya tsaka dinampot yung resibo mula sa plastic na pinaglagyan ng pagkain, ngumuso lang naman sya habang nakahalumbaba at pinagmamasdan ako. Nangunot yung noo ko nang mabasa yung halaga na nakasaad don. "Tatlong libo?" Asar ko syang nilingon. "Seryoso ka ba, Charlotte? Almusal lang pero nasa halagang tatlong libo?" Lumawak yung pagkakabanat ng ngiti sa mukha nya tulad ng lagi nyang ginagawa. "Anything for mio caro-" Nahinto kami pareho ni Charlotte nang makarinig nang kung anong nabasag. "Morgan!" Madali ko syang nilapitan tsaka tiningnan yung kamay nya. "Ayos ka lang ba?! Anong nangyari?!" "It... slipped." Bulong nya habang nakatungo. "Slipped? Seryoso ka ba?" Paanong madudulas yon eh sa palad nya nabasag? Hindi kaya basag na talaga yung baso? Medyo manipis lang rin kasi yon pero bakit naman mababasag ng hindi nya man lang naiwasan? Pasaway. Nilingon ko si Charlotte. "Doc, may first aid ako sa banyo, pakikuha naman please." "Okay~" Pakanta nyang saad bago tumayo para magtungo sa banyo. Naupo ako sa katabing upuan ni Morgan tsaka muling binalingan yung kamay nya pati na rin yung basag na basong na sa gilid ng kamay nya. May hiwa yung palad nya at may iilang bubog sa daliri nya pero hindi man lang mababakasan ng sakit yung mukha nya. "Ano bang ginagawa mo, Morgan? Hindi ka nag-iingat, paano kung bumaon ng husto yung bubog sa palad mo ha?" Hindi nya ako kinibo kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakakunot yung noo nya habang nakatitig sa'kin, ayun na naman yung tingin nya na para bang may ginawa akong mali. "Bakit mo ba ako tinitingnan ng ganyan?" Nagkibit sya ng balikat. "I'm just checking my property." "Property ka dyan." Bumuntong hininga sya bago isa-isang tinanggal yung bubog sa palad nya. Hindi ko alam kung tutulungan ko ba sya o ano kasi talagang wala syang reaksyon habang kinukuha yung bawat bubog na nakatusok sa palad nya. "Hala, yuck." Saad ko matapos nyang kunin yung pinakamalaking basag na parte ng baso sa palad nya at tumulo yung dugo sa mesa. "Masakit ba?" "It stings but I can manage." Ngumiwi sya bago bumuntong hininga. "I'm much more concerned about my feelings." Salubong ang mga kilay ko syang tinitigan, naguguluhan sa mga binabanggit nya. Ewan ko pero nawiwirduhan talaga ako rito kay Morgan, ayos naman sya kagabi pero ngayon hindi ko alam. Nalunok ko yung sarili kong laway nang walang sabi-sabi syang lumapit sa akin. "What's your relationship with her?" "Kay Charlotte?" "Is there anyone else aside from her?" Kalmado ang tono ngunit may kakaibang dulot yung pagkakasabi nya non. "Uy, wala ah." "Are you being defensive?" Saglit akong nataranta at mabilis na umiling, dahilan para lumitaw yung nakakalokong ngisi sa labi nya. "Who is she to you, then?" "A-ano..." Naiilang na iniwas ko yung tingin ko sa kanya tsaka pinag-uuntog yung dalawang daliri ko. "Personal doctor ko yung mama nya pero dahil maraming pasyente si Tita Z, si Charlotte na lang yung umaasikaso sa'kin." "I see." Hala. Ako lang ba o nagdilim yung mukha nya? Nagsalubong kasi yung mga kilay nya tapos parang tumalim yung tingin. Hindi ko tuloy alam kung galit ba sya sa'kin o ano. Ipinatong nya yung kamay nyang walang sugat sa ulo ko tsaka sinimulang suklay-suklayin yung buhok ko. Marahan at banayad lang yung galaw ng kamay nya, parang dinadama yung bawat hibla non. Maya-maya pa ay mas lumapit pa yung mukha nya hanggang sa dumikit yung labi nya sa noo ko. "This..." Anya bago humalik naman sa pisngi ko. "And this, and this, and this..." Nagpalipat-lipat yung halik nya sa iba't ibang parte ng mukha ko mula sa ilong, pisngi, pati sa talukap humalik sya! Pulang-pula na yung mukha ko pero hindi man lang sya huminto, bagkus ay humawak pa sya sa baba ko para maigiya yung posisyon ng ulo ko. "Morgan, ano ba?" Saway ko pero napapikit rin nang magtagal yung labi nya sa ibabang panga ko. Gusto ko syang pigilan sa ginagawa nya pero hindi kumikilos yung mga kamay ko. Nanatili lang iyon na nakahawak sa kamay nyang may sugat. Gusto ko ba yung ginagawa nya? Syempre gusto ko rin, pero baka makita kami ni Charlotte. Nakakahiya. "These are mine, do you understand?" Bulong nya habang nag-iiwan ng maliliit na halik doon sa panga ko paakyat sa labi ko. "Answer me." "Nababaliw ka na." Napapikit ako nang hawiin nya paitaas yung bangs ko tsaka idinampi ang labi sa sentido ko. "Yeah, I'm crazy for you." Hinawakan nya yung batok ko para mas mapalapit pa kami sa isa't isa. "Now, answer me before I do something insane in front of your 'so-called-doctor', Noam." "M-morgan..." "Hmn? What? I can't hear you." "Morgan, a-ano ba..." Nagmulat ako para lang salubungin yung nakakalunod nyang tingin. "Baka makita tayo ni Charlotte." "Let her be." Saad nya bago pumikit at tumagilid ang ulo. Kumuyom yung kamao ko bago mariin na pumikit rin kagaya nya. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko naramdaman yung labi nya sa'kin. Mabagal lang yung galaw non pero bawat dampi ay nagbibigay ng kiliti sa akin, hindi ko naman itatanggi na gustong-gusto kong nararamdaman yung malambot nyang labi. "I still haven't heard your answer, Noam." Umawang yung labi ko nang kagatin nya yon. Namumula yung pisngi ko nang maghiwalay yung labi namin sa isa't isa. "Who owns you?" "I-ikaw?" Patanong kong sagot na ikina-angat ng sulok ng labi nya. "Why are you not sure?" Sinapo nya yung pisngi ko, ang hinlalaki ay humihimas sa gilid ng labi ko. "Who owns you, Noam?" Nakagat ko yung ibabang labi ko tsaka humawak sa kamay nyang na sa pisngi ko. "Ikaw, Morgan." Doon tuluyang lumawak yung ngisi nya sa labi. "Yeah, I own you." "Oum." "You're mine." Tumango ako ulit kaya ngumiti sya. "Good." Anya tsaka pinisil yung pisngi ko. Ngumiti rin ako pero agad rin yon nawala nang mapagtanto ko yung pinag-uusapan namin at pinamulahan ng pisngi. Ah! Ano ba yung pinagsasabi ko? Tsaka bakit panay 'oo' lang ako? N-nakakahiya, para akong ewan! Kung ano yung sinabi nya napapa-'oo' lang ako! Lumayo agad ako kay Morgan nang marinig yung paparating na yabag ni Charlotte. Nakita kaya nya? O narinig? Nakakahiya, baka kung anong isipin ni Charlotte! Baka mamaya sabihin nya ang aga-aga tapos kung ano-anong ginagawa namin! "Heto na yung first aid, people." Ibinaba nya yon sa mesa tsaka binuksan para hanapin yung mga gamit na kailangan. "Siguro naman, kaya mo na gamutin yung sarili mo, Verdan?" "Yeah." "Good, kasi wala akong balak na gamutin ka." Sarkastikong ani ni Charlotte. "Don't worry," Ngisi ni Morgan. "I won't ask for your help either." May kung anong spark na nagsisimula sa pagitan nila pero isinawalang bahala ko na lang, bagjus ay nagpalipat-lipat sa kanilang dalawa yung tingin ko. "Magkakilala kayo?" "Oo/No." Kumunot yung noo ko sa magkasabay na sagot nilang yon. Weird, sabi ni Charlotte 'oo' pero si Morgan 'no'? Nagkatinginan rin sila bago nag-iwas ng tingin sa isa't isa, si Charlotte ay ngunguso-ngusong inilibot ang paningin habang si Morgan naman ay sinisimulan ng gamutin yung sarili nyang kamay. "So, hindi kayo magkakilala?" "Hindi/Yes." Magkasabay na naman nilang sagot kaya nameywang ako. Halatang nagsisinungaling! "Ano ba talaga?" Asar kong tanong. "Naiinis na ako." "Okay, kalma ka lang." Natatawang saway ni Charlotte. "Magkaibigan kami, okay?" "Yeah." Tila labas sa ilong na sang-ayon ni Morgan. "Wow." Kumurap-kurap ako tsaka napangiti. "Wala akong ideya na magkakilala pala kayo, ang liit ng mundo no?" "Unfortunately." Sabay ulit nilang sagot. Napanguso ako. Magkaibigan raw pero bakit mukha silang hindi magkasundo? Inignora ko na lang muna yung kinikilos nila tsaka tinulungan si Morgan na linisin at gamutin yung sugat nya, ako na rin yung tumulong magbalot ng benda sa kamay nya dahil busy na si Charlotte sa pagkain. Matapos non ay kumain na rin kami ni Morgan, yun nga lang ay walang kaingay-ingay. Ni wala kasing kumikibo sa kanila. Umubo kunwari si Charlotte tsaka ngumiti, pakiwari ko ay nabagot na dahil wala ni isang ingay ang naririnig mula sa amin. "So... Noam and Morgan," Panimula nya tsaka hinawi ang humahaba na nyang buhok. "Gaano katagal na kayong magkakilala?" Napaisip naman ako. "Hmn... More than two weeks siguro? Actually, hindi ko na rin matandaan eh." "Kaya pala hindi mo man lang qko tinatawagan para sa check up mo." "Ah, kasi..." Kinamot ko yung pisngi ko habang sinesenyasan sya sa pamamagitan ng tingin. "Busy lang ako." Ayokong malaman ni Morgan yung tungkol sa dahilan ng check ups ko. Ayokong magbago yung tingin nya sa'kin, natatakot ako sa magiging reaksyon nya. Baka hindi ko kayanin. Isa pa ay totoong nakalimutan ko rin, sa dami ng iniisip ko-especially dahil kay Morgan. Ang kulit nya kasi, imbes na naka-focus ako sa mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin ay naaagaw nya yung atensyon ko. Ganito yata talaga kapag may crush. Ngumiwi lang si Charlotte, malamang ay na-gets nya agad yung gusto kong ipahiwatig kaya iniba nya ang usapan. "More than two weeks na pala pero dito na agad nagsi-stay si Morgan sa apartment mo?" Nakataas ang parehong kilay ni Charlotte at bahagyang nakangiti pero alam ko kung bakit ganon yung reaksyon nya. Paniguradong hindi sya sang-ayon sa nakikita nya, kabisado ko na sya kaya alam ko yung ibig sabihin ng reaksyon nyang yon. Lumunok ako tsaka pasimpleng sinulyapan si Morgan, inaasahan ko na may sasabihin sya pero tila wala syang pakialam na kumakain gamit ang isang kamay kaya naman ay awkward kong nginitian si Charlotte. "Uhm, naka-leave kasi sya at gusto nya magbakasyon kaya hinayaan ko na lang muna syang mag-stay rito." "Ti fidi così tanto di lei?" Medyo natigilan ako nang itanong ni Charlotte kung pinagkakatiwalaan ko ba ng husto si Morgan. "Yes." Sumulyap ulit ako kay Morgan. "Wala naman sigurong masama ron." "Stai attento," Senyas nya tsaka umiling-iling."È pericolosa, non voglio che tu ti faccia male." 'Be careful, she's dangerous. I don't want you to get hurt.' Anya sa italyanong lenggwahe na nagpakunot sa noo ko. Si Morgan? Bakit? Ano bang meron kay Morgan? Bakit nya ko pinag-iingat eh magkaibigan naman sila? Nakuha ni Morgan yung atensyon namin pareho nang padabog nyang ibinaba sa mesa yung kutsara nya tsaka mabagal na nag-angat ng tingin para salubungin yung tingin ng kaibigan nya. "I don't speak pasta, but I have this feeling that you're bad mouthing me despite the fact were just more than ten f*ckin inches away from each other, Mikuzuki." Kinilabutan ako sa paraan ng pananalita nya, kahit wala sa tono nya yung inis ay ramdam ko naman yon sa bigat ng bawat salitang binanggit nya-pero ano raw? Pasta? Bakit pasta yung tawag nya sa Italian Language? Weird talaga. Napalunok tuloy ako, pinakikiramdaman silang pareho. "H'wag kang mag-alala, Morgan." Ngumisi si Charlotte bago sumandal sa upuan at pinagkrus ang mga braso sa ilalim ng dibdib. "I'm just giving him some hints on what type of woman that he's dating." "Are f*ckin kidding me?" "Nope. Kailan ba naman kita biniro, Morgan?" Hindi ko alam kung bakit pero parang ang bigat ng pakiramdam ko. Tila may kuryenteng dumadaloy sa pagitan nilang dalawa kaya hilaw akong natawa. "Ano ba kayo? Wag naman kayong masyadong mainit ang ulo-" "SHUT UP." Singhal nila na ikinaiktad ko. Tumulis yung nguso ko tsaka bahagyang yumuko para ipagpatuloy yung pagkain ko. Ang sungit. (Third Person's POV) "I'LL drive you to school." Nahinto si Noam mula sa paglalakad dahil sa sabay na sinabi ni Charlotte at Morgan. Dahan-dahan syang lumingon sa likuran kung nasaan magkasabay na naglalakad yung dalawa, nang malingunan ay huling-huli nya kung paanong nagtutulakan gamit siko yung dalawa habang ang noo ay magkadikit. "Uh..." Lumunok sya at humigpit yung pagkakahawak sa strap ng knapsack nya. "S-sa tingin ko... magji-jeep na lang ako." "What? Wag na, sabay ka na lang sa'kin tulad ng dati-" Anya ni Charlotte na pinutol ni Morgan. "Noam, you'll come with me." "Come with you?!" Singhal ni Charlotte. "Paano kung mahulog si Noam sa motor mo?! Baka nakakalimutan mo kung gaano ka ka-kaskasera kung magmaneho?!" "And what do you want him to do? Go with you?" Nanunuyang ani naman ni Morgan. "You're as slow as a turtle, you drive like a f*ckin snail. An old man walking down the street is even faster than your cheap motorcycle." "C-cheap?! Anong cheap?!" "Why? Am I wrong?" "Morgan, ikaw...!" Medyo nataranta si Noam, hindi nya kasi alam kung paano nya aawatin yung dalawa. Kanina pa kasi ang mga ito sa apartment nya, panay ang tulakan at sagutan kaya laking pasasalamat nya dahil hindi talaga nagpapang-abot yung dalawa. Pero mukhang matutuloy na ngayon dahil sa balikat na nagtutulakan yung dalawa at nakapormang magsusuntukan anumang oras. 'Magsusuntukan?' Saad nya sa utak nya. 'Kababaeng tao-magsusuntukan sila? Hindi ba't sabunutan?' Naputol yung pag-iisip nya nang bigla na lang hinubad ni Morgan yung jacket nito habang si Charlotte naman ay iniro-rolyo paitaas yung manggas ng 3/4 shirt na suot nya. Kumurap-kurap sya habang pinagmamasdan yung dalawa, nang mapagtanto nyang pumuporma ang dalawa para sugurin ang isa't isa ay dali-dali syang napasigaw. "A-ah! Late na ako!" Nakuha nya yung atensyon ng mga ito kaya peke syang ngumiti. "Alis na ko, ba-bye! Kita na lang tayo mamaya!" Sigaw nya pa sabay takbo paalis. Pinanood sya nung dalawa na sumakay sa humintong jeep. Ilang minuto pa ang lumipas ay sabay silang napabuntong hininga. "That brat." Ismid ni Morgan bago isinuot muli ang jacket. "I'll spank him later for running away just like that without giving me my kiss." "Spank?!" Nagugulantang na anya ni Charlotte. "Ano bang ginagawa mo kay Noam?!" Asar na lumingon si Morgan sa kanya, hindi na maipinta yung mukha dala ng inis. "What the f*ck do you mean by that?" "Binabardagul mo siguro si Noam ano?!" Umiling si Charlotte tsaka lumunok. "Siguro... k-kung ano-anong ginagawa mo sa kanya!" "I'm not!" Singhal ni Morgan na bibihira nyang gawin. "What are you even doing here?! You're not supposed to be here!" Gulat man sa naging reaksyon ng kaibigan ay hindi iyon pinahalata ni Charlotte. Kumunot lang yung noo nya bago nameywang, simpleng ino-obserbahan Morgan. "Ako na ang personal doctor ni Noam." Taas noo nyang saad. "You're not a doctor for humans!" "Yes, I am!" "No, you're not." Nagtagis ang mga ngipin ng babae kasabay ng pagkuyom ng kamao nya. "You're a veterinarian, you're supposedly treating animals instead of people!" "Aren't we all wild f*ckin animals here, Morgan?" Pang-aasar nya na sinamahan pa nya ng ngisi. "You said that yourself diba?" "I don't want seeing you with Noam!" "Kung ayaw mo kaming nakikitang magkasama, edi pumikit ka." Tumawa sya. "You're surprising me, Morgan. Hindi ka naman ganito ah? Nawawala yata yung pagka-kalmado mo?" Bahagyang natigilan si Morgan sa narinig, napagtanto yung punto ng kaibigan kaya huminga sya ng malalim para kalmahin ang sarili. Seryoso naman syang pinanood ni Charlotte, inoobserbahan yung bawat kilos at reaksyon na ginagawa nya. Nang maramdaman nyang hindi umeepektibo yung malalaim nyang paghinga para kalmahin ang sarili ay sunod-sunod syang napamura. Mariin nya ring ikinuyom ang mga palad, pinipigil na haklitin yung kwelyo ng damit ni Charlotte na syang natutuwang nakamasid sa kanya. "Masama yan, bumisita ka na ba kay mama para sa check up mo?" "I'm fine." Pasinghal nyang sagot. "No, you're not. Kung sa akin pa lang na kaibigan mo, hindi mo na mapigilan yung emosyon mo paano pa kaya kapag nakilala mo si Jethro?" Lumawak lalo yung pagkakangisi ni Charlotte dahil sa kakaibang inaasta ng kaibigan, lalong-lalo na noong hindi na ito nakapagpigil at galit na kinwelyuhan sya. "I don't give a g*dd*mn sh*t about you or whoever that Jethro is, what I want you to do is to stop calling him 'mio caro' before I lose my senses!" "It's just a friendly nickname-" "Nickname my f*ckin *ss!" Putol nya sa sinasabi ni Charlotte tsaka mas tumalim ang tingin. "I'm not dumb enough not to know what it is. Even though I don't speak italian I still know that it's a f*ckin couple endearment, Charlotte!" "Nawawalan ka na naman ng kontrol." Hinawakan nya yung kamay ni Morgan tsaka sapilitang inalis, nahirapan syang gawin yon kaya humakbang agad sya paatras nang matanggal yung kamay nito. Seryoso ang mukhang pinagpag ni Charlotte yung kwelyong hawak ni Morgan kanina tsaka kunot-noong sinalubong yung galit na tingin ng kausap. "Ayan, yang kawalan mo ng kontrol sa emosyon ang dahilan kung bakit mas kailangan kong bantayan si Noam." Nag-iwas sya ng tingin pero nagtatagis pa rin ang mga ngipin. "I'm fine, I can control it. I'm not f*ckin mad-" "Hindi ka galit pero nagseselos ka." Pagdidiin ni Charlotte. "If you can't control your jealousy that would be the same with your anger, Morgan. Alam mo sa sarili mo kung gaano kahirap kang pigilan kapag nawawalan ka ng kontrol sa emosyon mo, wala kang pinakikinggan maski kaming mga kaibigan o pamilya mo. "Walang kasiguraduhan sa kung anong pwedeng mangyari mamaya, bukas o sa mga susunod pang araw. Iba sya sa mga lalaki dyan sa tabi-tabi na pwede mong angasan, he's too soft and fragile to be paired with a hot tempered woman like you." "I maybe hot temper but I can manage." Giit ni Morgan. "I'll never do anything that could break him." "Sigurado ka ba? Ni hindi mo nga maayos yang anger issues mo kahit na mahigit ilang taon na natin yang tine-therapy kaya paano ko sya ipagkakatiwala sayo?" Panghahamon ni Charlotte, naniningkit ang natural na singkit na mga mata. "Ang saradong isip ng isang taong puno ng galit ang pinakamahirap buksan, Morgan, tandaan mo yan." Walang naisagot si Morgan sa kanya pero napakatalim ng titig nito sa kanya. Para bang anytime ay ikamamatay nya yung klase ng titig na ipinupukol nito sa kanya pero hindi sya natatakot, mas iniisip nya yung mangyayari kung sakaling dumating nga yung oras na magkaroon ng problema sa pagitan ni Morgan at Noam. Isa pa ay ang pwedeng mangyari kung sakaling pagbalingan si Noam ng mga magiging kaaway nila kung sakaling may maglalakas loob. "Pustahan tayo, hindi rin alam ni Noam yung tungkol sa trabaho mo?" "I'll..." Lumunok sya tsaka ngumiwi. "I'll tell him about it." "Kailan pa? Kapag napahamak na sya? Kapag pinuntirya na sya ng kung sino mang kaaway mo?" "I'm not going to let that happen." "Kaibigan ko kayo pareho pero si Noam, iba kasi sya eh. Hindi mo alam kung ano yung mga dinanas nya, wala kang ideya sa nakaraan nya. Paano naman ako makakasigurado na tatanggapin mo sya? Na hindi ka magagalit o mandidiri o kung ano pa mang panghuhusga yung gagawin mo sa kanya kung sakaling may malaman ka?" Naguguluhang kumunot yung noo ni Morgan. "What the f*ck do you mean? You think I'm that shallow to judge him without even knowing about his past?" Pikon nyang anya tsaka kumikibot-kibot ang labi, hindi alam kung ngingiwi o ngingisi. "Yeah, you're right. I'm clueless about his past or whatever experience that you're talking about but did you really think I don't have a slightest idea about what he have been through?" 'She knew?!' Lumunok si Charlotte sa naisip nyang yon tsaka naningkit ang mga mata. 'May idea sya pero hindi precise, hindi nya alam kung anong dahilan ng trauma ni Noam.' "Noam is safe with me." Paniniguro nya. "You don't have to worry about my temper, I can manage it as long as you'll stop acting sweetly and calling him names that makes my blood boil. I'll never harm him and I will not let anyone do any harm to him either." Nagkatitigan sila, walang may gustong huminto sa pagkakatitig pero sa huli ay si Charlotte rin ang bumigay dahil napahilamos sya ng mukha gamit ang kamay. Huminga sya ng malalim tsaka sinuklay ang papahabang buhok tsaka inilingan ang kaibigan. Ngayon ay tinapatan nya rin ng matalim na tingin yung titig nito sa kanya. "Fine, gawin mo kung anong gusto mo. Hindi kita kinakalaban dahil alam ko kung ano yung pagkakaiba natin, Morgan, pero..." Anya tsaka sumimangot. "...sa oras na saktan mo si Noam, hinding-hindi kita uurungan." (Charlotte's POV) "OH, wala pang alas-onse nakabusangot na yang mukha mo?" Pabagsak akong naupo sa sofa katabi nya, nagtataka syang nakatitig sa'kin habang ang kamay ay humihimas sa ulo ng pusang nasa kandungan nya. "Medyo napagod lang." "Magdamag kang nagtrabaho sa bar mo tapos rerekla-reklamo ka?" "Eh syempre kailangan kong bantayan yung bar ko-" "Bantayan? Mawawala ba yung bar mo kung hindi mo bibisitahin ng isang araw?" Sermon nya tsaka ako inambahan. Hindi ako sumagot kasi mas lalo lang nya akong pauulanan ng sermon. "Kamusta na si Noam?" Dinampot nya yung remote ng TV para hinaan ang volume. "Matagal-tagal ko na rin syang hindi nakikita, ano? Medyo namimiss ko na yung batang yon." Huminga ako ng malalim bago ini-unan yung mga braso ko, itinuon ko yung mga mata ko sa ceiling bago pangiwi-ngiwing sumagot. "Ayos naman sya." "Paanong ayos naman, aber?" Nagkibit ako ng balikat. "Sa tingin ko bibihira na lang sya magka-panic attacks, mukhang hindi na rin sya masyadong inaatake ng anxiety at nakakatulog na rin ng maayos sa gabi-" "Teka, ano yan? Binase mo lang sa observation?" Nangunot yung noo nya kasabay ng pagkakangiwi. "Ni hindi mo man lang tinanong si Noam? Pa'no ka nakakasiguro na tama yang observation mo eh hindi mo man lang tinanong yung pasyente?" "Basta, tama yung obserbasyon ko." "Hoy, baka naman nagdadahilan ka lang? Pumunta ka ba talaga kay Noam o naglagalag ka lang?!" "Pumunta nga ako." "Talaga lang, ha? Kukurutin ko talaga yang singit mo, Charlotte kapag nalaman kong nagdadahilan ka lang!" Pinandilatan ko sya ng mata. "Ma! Pinuntahan ko nga sya! Galing ako sa apartment nya bakit hindi ka naniniwala sa'kin?!" "Hindi katiwa-tiwala yang mukha mo eh." "Mana sayo-ARAY!" Hinimas ko yung braso kong kinurot nya. "Masakit ah?!" "Sagutin mo pa ako ulit ng ganyan, talagang masasaktan ka sa'kin!" "Sino ba talagang anak mo?" Nakanguso kong bulong. Pinaningkitan nya ako ng mata, ewan ko ba kung bakit pero parang pati yung pusa nya eh masama yung tingin sa'kin. Sio-siopao-win ko talaga yang pusa na yan eh. Nalukot yung mukha ko nang sumagi sa isip ko yung naabutan kong eksena kanina bago lumabas ng CR. Yung klase ng hawak nila sa isa't isa, yung paraan ng pagtingin at tsaka noong nagdikit na yung labi nila-sige nga, sinong makakaistorbo sa ganoong eksena?! Nakakahiya naman, ano?! Mga wala silang respeto eh alam naman nilang single ako! Nangunot rin yung noo ko nang maalala ri Morgan. Ibang klase rin yung isang yun eh. "Ma, okay na ba si Morgan?" Tanong ko. Lalong lumalim yung gatla sa noo ni mama. "Oo naman, bakit? May nangyari ba?" Umiling ako tsaka nagpakawala ng malalim na hininga. Ano bang relasyon nila sa isa't isa? Mag-syota ba sila? Egul, hindi man lang nagkwento si Noam sa'kin, nakakatampo na ah. Kaya siguro nakalimutan nyang check up nya ngayon. Pero si Morgan... sobra naman yatang tapang? I mean, normal sa kanya yon pero pagdating kay Noam para syang... possessive? Maski ako tataluhin nya? Tsk. Selosa. Totoo man na tataluhin nya ako o hindi ay seryoso ako sa sinabi ko na hindi ko sya uurungan lalo na't si Noam ang pinag-uusapan dito. *** A/N: Si Seph and Eren daw 'wayld' ? Pero Noam nyo submissive? Chos. Pasensya na kung bitin ? May nadagdag na sa gawain ng mima nyo kaya busy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD