(Third Person's POV)
SERYOSONG nakasandal si Vince sa kinauupuang swivel chair habang patagilid na nakasandig ang ulo sa sariling palad, ganon ang pwesto nya nang maabutan ng quadruplets na kakapasok lang.
"What's with the face?" Puna agad ni Laurentius bago pabagsak na naupo sa sariling swivel chair. "You're old but making that serious sullen face makes you even older."
"Lauren, stop it." Saway ni Lazarus kaya nagkibit ito ng balikat.
"Just saying."
Isang malalim na paghugot lang ng hininga ang nakuha nilang tugon sa nakatatandang pinsan kaya nabaling ang tingin nila dito. Alam naman nilang problemado ito pero base sa hilatsa ng mukha nito ay halata naman na may mas malaki itong dinadala kaysa nitong mga nakaraan.
Nagtaas ng kamay si Leviticus. "Just so you know, kuya Vince, we can sense trouble just by looking at you."
"Yeah, trouble? No." Saad nito tsaka pagod na umiling. "What you're sensing is not just a problem. It's more like a breeze of an incoming storm that will bring chaos."
Nalilitong nagkatinginan yung apat. Hindi maunawaan kung ano yung pinapahiwatig ng pinsan dahil bukod sa malalim nitong pag-i-ingles ay mas nakukuha ni Laurentius yung atensyon nilang magkakapatid dahil sa pagkukutkot nito ng ilong.
"Would you please stop being gross in front of us!?" Singhal ni Laxus.
"This is not gross," Tinapos nya ang pangungulangot tsaka iyon pinitik sa direksyon ni Laxus. "This is me being true to my nature."
"Bwisit ka!"
"Thank you."
Nagtagis yung mga ngipin ni Laxus sa inis habang nagsi-spray ng alcohol sa paligid nya. Uubo-ubo si Leviticus dahil sa tapang ng alcohol ng kapatid habang si Lazarus naman ay napasapo na lang sa noo.
Tumikhim si Vince para kunin muli yung atensyon nila na napagtagumpayan naman nya.
"He called." Pang-iimporma nya.
"He?"
"Benedict." Tila may kung anong mapait syang nalasahan matapos banggitin yung pangalan na yon. "That bastard called me, he already knew about what's happening on his branch here."
Natahimik silang lahat—pwera kay Laurentius na nagkibit balikat lang.
"We already expected that."
Pumalatak si Vince tsaka lumapit sa mesa para doon itukod ang mga siko bago humalumbaba. Seryosong pinasadahan ng tingin ang apat na pinsan.
"This is like declaring a f*ckin war against an empire bigger than us."
"What can we do? Hindi naman natin pwedeng pigilan si JR, she's not an official member of the org." Sambit ni Leviticus, kunot ang noo habang sumusulyap kay Lazarus na tulad nya ay nag-aalala.
Bumuga ng hangin si Vince. "We can't stop her but we can stop Morgan."
"Hindi yon makikinig sa'tin. Jhayrein is her friend, kahit anong mangyari ay tutulong at tutulong si Morgan." Leviticus
"Wow, this is seriously getting bad." Laurentius
"I know right?" Leviticus
"I think..." Sabat ni Lazarus kaya napunta sa kanya yung tingin ng lahat.
Bakas ang kaseryosohan sa mukha niya dala ng pagkakasalubong ng mga kilay nito habang ang mga kamay ay magkasalikop sa ibabaw ng mesa.
"I think we need to just let things unfold." Pagpapatuloy nya sa sinasabi tsaka ngumiti. " I mean, hindi naman natin maitatago 'to habang buhay."
"She'll be mad at us." Sansala ni Laxus pero inilingan lang sya ni Lazarus.
"Then let her be, either malaman nya ngayon o sa susunod pang mga taon ay magagalit pa rin naman sya so why not just accept her anger now?" Nagkibit balikat sya. "Besides, we are the ones who made a mistake kaya tama lang na magalit sya, I will be more confused if she'll let this one slide."
Nagsitanguan sila, sang-ayon sa naisip ng kapatid.
"Before we do anything about that, Benedict wants to negotiate." Dugtong ni Vice na ikinagulat nila.
"Negotiate my ass!" Laxus
"Negotiate? Para saan?" Leviticus
"He said he will finally remove their business here in the Philippines permanently in exchange of helping him to find someone."
"What?! Eh matatapos na pala 'tong problema natin eh! Kahit mahuli ni JR yung dalawang tauhan ni Benedict eh hindi na tayo madadawit!" Napapahampas sa mesang saad ni Laurentius, sinaway naman sya ni Lazarus dahil sa kakulitan nya.
"I know, it will be easy on our part." Anya bago pumalatak. "I will ask Beau later to find that man so that we can immediately hand him to Benedict."
"Nakasimangot si Lazarus!" Sigaw ni Laurentius tsaka sinundot-sundot yung pisngi ng kapatid. "Bakit ka nakasimangot dyan? Hindi ka ba masaya?"
"I don't know, it just doesn't feel right."
"Hala bakit naman?"
"Ewan." Hinawi nito ang buhok bago ngumiti. "Anyway, may I know kung sino ang pinapahanap ni Benedict?"
May inilabas na litrato si Vince tsaka ipinakita sa kambal na sabay-sabay nagsilakihan ang mga mata sa gulat.
"Benedict sent me that picture, it's one of his old servants who ran away from their household. The guy has been missing for almost 10 years but it looks like Benedict wasn't giving up on finding that person."
"Who is this?!" Sigaw ni Leviticus habang turo-turo ang litrato. "Bakit ang ganda—o ang gwapo? Lalaki ba 'to o babae?"
"I'm also confused." Laurentius.
"This guy is androgynous." Laxus.
"That's strange. Why would Benedict waste his time finding an ordinary servant?" Bulong ni Lazarus.
Umismid si Vince. "I have no idea either but it seems that he's not going to stop until he finds that guy."
Pinakatitigan ni Lazarus yung mukha ng taong nasa litrato.
"Such an innocent face..." Komento nya, wala ibang magawa kundi ang bumuntong hininga. "What is his name?"
"Noam Rivera."
(Noam's POV)
KAKAMOT-kamot ako sa batok habang sinasalansan yung papers ng mga estudyante ko. Hinihiwalay ko kasi per section dahil naghalo-halo sa loob ng bag ko kanina nang tumakbo ako.
Lunch break ng mga bata kaya nagpaiwan ako dito sa classroom ng huling klase ko para ayusin yung mga gamit ko. Medyo busog pa ako mula sa almusal ko kanina kaya hindi na rin ako nag-abalang magpunta sa cafeteria para kumain.
Patapos na ako sa ginagawa nang liparin ang isang papel. Tatayo na sana ako para kunin yon nang may kung sinong dumampot non tsaka naglakad palapit sa'kin.
"Ah, salamat." Kinuha ko mula sa kanya yung papel. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito, Linus? Lunch break na, hindi ka ba kakain?"
Bibo syang umiling. "Nagtitipid ako, kuya Noam!"
Nanlaki yung mata ko na sinabayan pa ng pamumula.
Kuya? Tinawag niya akong 'kuya'?
"K-kuya ka dyan?" Lumunok ako tsaka nag-iwas ng tingin. "Teacher mo ko, hindi kapatid kaya 'sir Noam' dapat ang itawag mo sa'kin."
"Jowabells mo na yung ate ko, di'ba?" Nguso nya. "Brother in law mo na ako kaya kuya Noam na itatawag ko sayo."
Huminto ako tsaka huminga ng malalim habang nakapamewang sa kanya.
"Brother in law mo ako kung kasal na kami ng ate mo."
Ipinaliwanag ko yun para mas maintindihan nya pero mukhang mas lalo lang lumawak yung imahinasyon nya. Kitang-kita ko kasi kung paano nanlaki yung mata nya at nagkislapan sa pagkamangha.
"Kaya nga, eh doon din naman kayo mapupunta ni ate eh!" Sabay humalakhak sya ng pagkalakas-lakas. "Advance lang ako mag-isip, kuya Noam!"
"Anong—hindi ko nga girlfriend yung ate mo!"
Natigilan sya. "Huh?! Hindi mo pa sinagot si ate?!"
Umawang yung labi ko. Anong hindi pa sinagot? Ano ba yung ate nya nanliligaw sa'kin? Hindi naman nanliligaw si Morgan ah kaya anong pinagsasasabi ni Linus?!
Pinagkrus ko yung mga braso ko sa dibdib ko tsaka seryoso syang tinitigan, ang kaso ay napapalitan ng hiya ang inis na bumabakas sa mukha ko.
Kung makatingin kasi sya sa'kin ay para syang sampung taong gulang na batang namamangha habang pinagmamasdan ako.
"Nagdi-date pa lang kami ng ate mo. Hindi ko alam kung ano yung eksaktong label ang meron kami pero..." Ngumuso rin ako tsaka inikot-ikot yung bangs ko. "...'Wag ka masyadong mag-expect."
"Ay weh?! Hindi pa pala kayo mag-syota pero binabahay mo na yung ate ko?!" Singhap nya na tila gulat na gulat dahil tinakpan pa nya yung bibig nya.
"A-anong binabahay?!"
"Sayo na nakatira si ate Morgan diba?" Nguso nya ulit sabay humalumbaba sa mesa ko. "Pinasok ko yung kwarto nya, wala ng laman yung cabinet nya ih tapos hindi sya umuuwi sa bahay."
Grabe, kapag hindi umuwi ate nya na sa akin agad hinahanap? Sabagay, sa akin naman na talaga sya tumutuloy.
"Nagbabakasyon lang yung ate mo sa bahay ko." Palusot ko.
Ang kaso lang ay nalukot ang pagmumukha nya at binigyan ako ng nawiwindang na tingin.
"Huwag mo kong utuin." Pinaningkitan nya ako ng mata. "Disisyete na ako, kahit itanggi mo pa alam ko naman kung ano talaga yung 'score' sa pagitan nyong dalawa." Mayabang nyang anya, nagtaas baba pa yung kilay nya.
"Score?"
Tumango-tango sya. "Score! Yung talagang ginagawa nyong dalawa kapag kayo lang yung magkasama."
Ako naman ang napasinghap sa sinabi niyang yon.
"W-wala kaming ginagawa ng ate mo." Namumula kong saad pero nginisihan nya lang ako.
"Hin-di ako na-ni-ni-wa-la~" Pakantang sagot nya.
Sinimangutan ko sya. Lokong bata 'to ah, manang-mana sa ate nya. Ang lakas mang-asar!
"Lagot ka kay kuya at papa!"
"A-ano? May mga kuya ka?" Nandidilat kong saad.
"Oum!" Itinaas nya yung kaliwang palad nya tsaka ipinakita ang apat na daliri. "Ganito oh! Apat yung kuya namin, quadruplets sila!"
Pakiramdam ko bigla akong naubusan ng dugo dahil sa sinabi nya. Nakaramdam rin ako ng kung anong kaba at nagsimula na rin akong mag-isip ng kung ano-ano kasabay ng pamamawis ng noo't mga palad ko.
May mga kuya pa si Morgan? Hindi ko alam yun, p-pero... anong klaseng mga tao kaya yung mga kapatid nya? H-hindi kaya... tulad ng mga napapanood ko sa mga palabas? Yung mga kuya na sobrang susungit at galit na galit?
Kinakabahan ako.
"Ba't namumutla ka?"
Nag-iwas ako ng tingin tsaka pinunasan yung pawis ko sa noo. "H-hindi ako namumutla, ganito lang talaga ako kaputi."
"Weeeh?"
"O-oo nga."
Nagpakawala sya ng malakas na halakhak, humawak pa sa tyan ang isang kamay habang ang isa naman ay na sa bibig nya.
"Natakot ka, 'no?" Muli na naman syang tumawa. "Hindi ka dapat matakot sa kanila kuya Noam, mabait sila."
"T-talaga?"
"Oum!" Ngumiti sya. "Medyo magugulat nga lang sila lalo na kapag nalaman nilang hindi kayo mag-boyfriend-girlfriend pero nagsasama na kayo sa iisang bahay."
Medyo napaisip naman ako sa sinabi niyang yon pero natigilan rin nang may bumagsak sa sahig. Sabay kaming napatingin sa pinto kung saan naroon si Jethro at may dinadampot sa sahig.
"I'm sorry, nadulas sa kamay ko yung plastic." Hingi niya ng paumanhin.
Matapos niyang magdampot ay lumapit siya sa'kin at nakangiting inilapag sa mesa yung plastic na bitbit nya.
"Here, I brought you lunch, hindi naman na-open yung container ng food kaya hindi natapon."
"Hala, salamat pero hindi ka na sana nag-abala." Nahihiya kong kinamot yung batok ko.
"Hindi kasi kita nakita sa cafeteria kaya alam kong magsi-skip ka ng lunch. I thought of you while buying my own lunch kaya binilhan na rin kita."
Bahagya akong natigilan pero nginitian ko rin naman agad sya. Ang bait talaga nitong si Jethro, hindi talaga sya nakakalimot.
"Ang sweet mo naman pala kay sir Noam, sir Jethro." Singit ni Linus na sinundan pa ng malakas na pag-ubo. "Mas sweet ka pa sa ate ko, sir! Naku kung babae ka lang, iisipin kong may gusto ka kay sir Noam—aw!"
"Tumigil ka nga." Saway ko kay Linus matapos ko syang kurutin sa tagiliran at nahihiyang nilingon si Jethro. "Wag mong pansinin si Linus."
Ngumiti siya tsaka tumango-tango pero wala siyang isinagot.
"Totoo naman yung sinasabi ko, mukha naman talaga syang may gusto sayo. Isang tingin lang ni ate kay sir Jethro alam na niya agad na may something—"
"Linus!" Pigil ko pero tumayo sya at lumayo sa'kin. Lokong bata 'to!
Nagpatuloy sya sa pagsasalita na parang batang nagkekwento ng mga kalokohan nya. Nilingon ko si Jethro na nanatiling nakangiti kay Linus habang tumatango-tango pa, nakikinig ng mabuti sa mga kuwento ni Linus.
Maya-maya pa'y lumingon sya sa'kin tsaka mas nilawakan pa yung ngiti.
"You're in a relationship with his sister?"
"Naku, h-hindi ko sya officially girlfriend—" Pinamulahan ako ng mukha kaya sinapo ko yung nag-iinit kong mga pisngi. "—h-hindi pa, pero... s-she's special to me."
"Oh," Natawa sya tsaka ginulo ang buhok ko. "Why didn't you tell me?"
"Hala, bakit naman po nya kailangan sabihin sayo, sir Jethro?" Nagtatakang singit na naman ni Linus, inosente syang nakangiti pero parang may iba syang ibig sabihin.
"I think because we're friends. Normal lang naman sa magkaibigan ang mag-share tungkol sa mga ganitong bagay, right?"
"Bukod sa pagiging kaibigan ay co-teacher ka lang naman po ni sir Noam kaya hindi po siya obligadong magsabi sayo ng tungkol sa buhay nya."
Nagitla ako sa sinabi niyang yon pero nakabawi rin ako agad, hinawakan ko sya sa braso para patigilin sa pagsasalita nang sumenyas si Jethro na hayaan ko lang kaya napapabuntong hininga akong umatras.
Ano bang problema ni Linus? Ang weird nya ngayon, kung ano-ano na lang ang nasasabi.
"Well, it's not that I'm obligating Noam to tell me everything about it."
"Pero tinanong mo siya kung bakit hindi niya sinabi sayo?"
"I'm just curious, that's why I asked."
"Bakit naman?"
"Why do you ask? Can't I be curious?" Natawa si Jethro. "Kailangan ba may dahilan sa tuwing magtatanong ako kay Noam?"
Saglit silang tumahimik at nagkatitigan pero hindi rin nagtagal yon dahil umangat yung sulok ng labi ni Linus. Pilyo yung pagkakangisi nya pero bakas yung kaseryosohan sa mga mata nya.
"I see, it's curiosity then." Saad nya sa kakaibang tono—tono na kapareho sa ate nya!
Lumunok ako habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanila dahil hindi ko alam kung bakit ba sila ganyan mag-usap.
Weird sila pareho!
Nanatili pa rin silang magkakatitigan at ramdam kong bumibigat yung hangin dahil sa kung anong tensyon kaya hinawakan ko sa magkabilang balikat si Linus at iginiya sa pinto.
"Tapos na ang lunch break, bumalik ka na sa klase mo!"
"Okie dokie!" Balik sa pagiging isip bata nyang sagot bago lumingon para kawayan si Jethro. "Bye, sir Jethro! Kita na lang po tayo sa mamaya sa Math!"
Kinawayan sya pabalik ni Jethro. "Okay, pakisabihan yung mga kaklase mo tungkol sa quiz."
"ANO?!" Nandidilat nyang tugon kaya tinulak ko sya palabas. "T-teka! Wala ka naman sinabi kahapon na may quiz ngayon! Madaya—"
"Linus! Isa!" Galit na saway ko na mukhang umubra naman.
Pinanood ko syang kumaripas ng takbo pabalik sa building nila. Napabuntong hininga ako bago pumihit pabalik sa pwesto ko kanina pero agad ring natigilan nang tumama yung noo ko sa baba nya.
Nandoon na pala kasi sya sa likuran ko kanina.
"S-sorry." Hingi ko ng tawad tsaka hinimas ang noo ko. "Hindi ko alam na nandyan ka sa—"
Naputol yung sinasabi ko nang hawakan nya yung kamay na pinanghihimas ko sa noo ko at pinalitan ng palad nya. Marahan nyang hinimas yon bago pinadaan yung mga daliri nya paangat sa buhok ko na tila ba sinusuklay yon. Wala naman akong masabi sa kinikilos nya.
"Noam."
"B-bakit?" Utal kong anya dahil medyo nawiwirduhan ako sa kanya.
Inayos nya yung pagkakalagay ng salamin ko bago humawak sa baba ko gaya ng ginagawa ni Morgan na talaga namang hindi ko inaasahan! Napatingala tuloy ako sa kanya habang bahagya naman syang nakayuko sa'kin.
Sumilay yung ngiti sa labi niya pero hindi umaabot yon sa mga mata nya.
"When can I meet your special girl?"
(Third Person's POV)
"SAAN ka galing?" Tanong ni Salazar kay Linus.
"Yosi break." Anya sabay kindat sa kaibigan.
Nginiwian lang naman sya nito habang nakatingin sa kung anong naka-ipit sa pagitan ng labi ni Linus.
Umupo ito sa tabi nya tsaka ipinatong ang isang paa sa sandalan ng upuan sa harap nya. Tila sigarilyo kung hawakan ni Linus yung stick-o wafer na nasa bibig nya na nilagyan nya ng mikmik powder kanina, tsaka kunwaring bumuga ng usok sa hangin at dahil sa kalokohan nya ay sabay silang naubo ni Salazar.
Hinangin kasi yung powdered milk na binuga nya papunta sa mukha nila pareho. Natawa yung iilang kaklase nila na nakakita.
"Linus naman parang tanga!" Reklamo ni Salazar.
"Sorry." Hingi nya ng tawad habang inuubo at nakahawak sa sariling leeg. "May tubig ka? Painom."
"May gamot yung tubig ko."
Sumimangot sya. "Yuck." Bumaling siya sa isang kaklaseng naglalaro ng cellphone kasama ng iba pa. "Classmate! Painom!"
"Na sa bag." Saad lang nito.
Agad nyang kinuha ang inuminan nito tsaka uminom, nang matapos ay ibinalik nya rin naman agad bago bumalik sa pagkakaharap kay Salazar.
"Ano na nga? Saan ka galing?" Halumbaba ng kaibigan. "Sabi mo bibili ka lang ng stick-o, pinuntahan kita sa cafeteria pero wala ka naman don."
"Pinuntahan ko si sir Noam."
"Eh? Bakit?" Nangungunot ang noong tanong nito.
"Nakita ko kasi si sir Jethro sa cafeteria, bumili sya ng lunch na pang-dalawang tao kaya imbes na pumasok eh dumiretso na lang ako kay sir Noam."
"Anong ginawa mo don?"
"Inaasar ko lang ng konti." Humikab muna sya bago nagpatuloy. "Medyo nabo-bored na kasi ako sa kanila, wala masyadong ganap tsaka mas nafo-focus si ate kay sir Noam lalo na't naka-leave sya sa trabaho. Hindi aandar ang laro kung nagpe-petiks-petiks yung mga manlalaro, di'ba?"
"Sabagay, may point ka." Pagsang-ayon ni Salazar bago humalumbaba. "Edi ano na yung gagawin natin ngayon?"
Humawak si Linus sa sariling baba tsaka seryosong tumitig sa blackboard. Ilang saglit pa ay pumitik sa sya hangin bago ngiting-ngiting binalingan ang kaibigan.
"Patapusin muna natin si ate JR." Nagsimulang tumapik yung mga daliri nya sa mesa. "Kapag natapos sya, yun naman ang simula ng parte ni ate, pagkatapos nun ay sunod-sunod na yan."
"Oh, so maghihintay na lang pala tayo?" Tinanguan sya ni Linus kaya natawa si Salazar. "Nice."
"Matapos lang si ate JR sa misyon nya, the pieces will finally fall on its right places..."
Mabilis na naglaho ang ngisi nya na pinalitan ng pagtatagis ng mga ngipin at pagkunot ng noo. Hindi nagugustuhan ang mga kung ano-anong ideya na bigla na lang pumasok sa utak nya.
"...unless something unexpected happens."
***
"ANONG ginawa mo sa apartment ko?"
Natigilan si Morgan mula sa pagpipindot sa hawak na joystick tsaka dahan-dahang lumingon sa kinatatayuan ni Noam.
"Uh, hey." Ibinaba niya sa leeg yung headset na nasa ulo tsaka binitawan ang joystick. "You're early, why didn't you call me to fetch you up?"
Imbes na sumagot ay awang ang labing ibinaba ni Noam yung bitbit nyang bag sa sahig tsaka natutulalang nilibot ang mata sa kabuuan ng apartment nya.
Yung dating simple at aalog-alog nyang apartment na pinupunan ng iilang gamit ay tila nag-transform sa isang magarbong unit. Lahat ng gamit nya ay napalitan ng bago at mas mamahalin, magmula sa maliit nyang TV na hugis kahon na naging 50 inches LED flat screen TV, ang ref nyang kailangan nya pang yukuan dahil mas maliit sa kanya ay mas matangkad na ngayon, yung pader na kulay grey na nagpapalamya sa paligid ay naging malinis at moderno dahil sa bagong pintura nitong puti, yung sahig ay napatungan na ng nangingintab na tiles at may carpet pa sa sala, maski sofa ay napalitan na ng mas malaki ng kaunti ganon rin yung kama na pang-isahang tao, ngayon ay kasya na kahit tatlo pa ang humiga.
Kung titingnan sa labas ay parang walang nagbago pero pagpasok sa loob ng tinutuluyan nya ay parang nasa isang maliit na condominium unit sya—hindi yon exaggeration, totoong ganoon ang itsura ng apartment nya!
"A-anong... nasaan na... b-bakit..." Tinanggal nya yung salamin nya para punasan pero wala namang nagbago kaya nilingon nya si Morgan. "Anong nangyari dito?"
"I told you, I'll change the interior design a little bit and replace some of your things."
"Little bit? Replace some?" Nakanganga nyang itinuro yung paligid. "Baso at pinggan lang yung nabasag mo, bakit lahat ng appliances ko napalitan? Tsaka anong little bit? Morgan, buong interior design ng apartment yung binago mo, little bit ba 'yon?"
"Fine." Sukong anya ng babae. "I changed everything."
"Bakit naman? Napapangitan ka ba sa apartment ko?" Inosenteng tanong ni Noam na inilingan naman ni Morgan.
"No, it's just that everything looks so cheap."
Napaismid sya sa isinagot nito. Cheap? Hindi alam ng babae kung gaano kahirap para sa kanya ang magtipid para lang makaipon at makabili ng sariling mga gamit tapos sasabihin ni Morgan na cheap? Hindi alam ni Noam kung maiinis ba siya o ano.
Napansin naman ni Morgan yung pag-isimid nito kaya bumuntong hininga sya tsaka tumayo, iniwan sa carpeted na sahig yung headset at joystick para lapitan si Noam.
Nang makalapit ay humawak sya sa magkabilang kamay nito tsaka iginalaw-galaw na para bang nilalaro-laro, medyo nag-aalangan naman si Noam sa ginagawa nito dahil sa nakabendang kamay dala ng pakakasugat sa baso kaninang umaga.
"Did I make you upset?" Anya tsaka tumabingi ang ulo. "If yes, do you want me to kiss you as a compensation for what I did?"
"A-ano?" Nahihintakutan pero namumula ang mukhang saad nya. "Bakit ba ang hilig mo sa kiss? Hindi ka ba matatahimik sa loob ng isang araw ng hindi ka nakakahalik?"
"Yeah, kinda."
Umabot sa tuktok ng tenga nya yung pamumula. "Magtigil ka." Umirap sya kunwari kahit ang totoo ay ginawa nya lang yon para mag-iwas ng tingin. "Tama na ang isang beses lang sa isang araw."
Tumabingi sa kabilang side yung ulo ni Morgan tsaka kumunot ang noo.
"Why? Don't you like it?"
Bahagya syang ngumuso pero agad na umiling, sasagot sana sya ng hindi pero baka mas mangulit lang lalo si Morgan.
"Ayos lang ba yung kamay mo? Hindi ba masakit?" Pag-iiba nya sa usapan tsaka ininspeksyon yon. "May dugo na yung benda, hindi mo ba 'to pinalitan mula kanina?"
"I don't know how."
Inismiran sya lalo ng lalaki. "Akala ko ba sabi mo kanina kaya mo ng gamutin ang sarili mo?"
"I thought so too." Kibit balikat na saad ni Morgan.
Bumuntong hininga sya sa isinagot nito tsaka marahang hinila paupo sa bagong sofa. Saglit syang pumanhik sa banyo para kunin yung first aid kit doon, nang makabalik ay iniwas nya yung tingin nya kay Morgan dahil nakatitig ito sa kanya.
Walang imik nyang kinalas yung pagkakabenda ng sugat nito tsaka ginawa ang dapat gawin, seryosong nakatuon yung atensyon nya sa ginagawa nya pero kahit na ganoon ay naiilang pa rin sya sa titig ni Morgan kaya muli siyang bumuntong hininga.
"Morgan, bakit ba panay titig mo sa'kin? Naiilang kaya ako." Tanong nya nang malingunan ito saglit.
Mahinang tawa yung isinagot nito kasabay ng paglitaw ng isang nagpipigil na ngiti.
"Am I not allowed to stare?"
"Hindi naman pero kasi naiilang talaga ako."
"Don't be." Lapit ni Morgan sa kanya tsaka iniangat ng bahagya yung baba nya gamit ang daliri nito, dahilan para magtama ang tingin nila. "Get used to it, since I'll be always at your side from today onwards."
Lumunok siya bago kumurap-kurap na tumango at namumula ang pisnging bumalik sa ginagawa habang nanatili naman si Morgan sa panonood sa kanya.
Nung ginawa ni Jethro yun sa kanya kanina, nailang sya, pero sa tuwing si Morgan ang gumagawa nun ay kinikilig sya.
Malala na ba sya? Oo naman, malala na talaga sya.
"Ang lalim pala nung hiwa sa palad mo," Puna nya. "Teka lang, tatawagan ko si Charlotte para tingnan 'tong sugat mo—"
"Don't."
Natigilan si Noam nang hawakan sya ni Morgan para pigilan mula sa akmang pagtayo.
"Huh? Pero malalim yung sugat mo, baka mamaya maimpeksyon 'to."
"Don't call her, Noam."
"Pero Morgan—"
"Don't." Seryosong nag-angat ng tingin sa kanya ang babae. "Just don't."
"O-okay." Naguguluhang bumalik siya sa pagkakaupo.
Muli silang hindi nagkibuan pero ngayon ay mas naging seryoso ang atmospera kumpara kanina. Hindi naman manhid si Noam para hindi malaman kung bakit nagkakaganon si Morgan pero okay lang ba na mag-assume sya? Wala naman silang label pero bakit pakiramdam nya ay nagseselos si Morgan kay Charlotte?
Nakikita naman nya sa reaksyon nito pero nahihiya syang magtanong kaya imbes magtanong kay Morgan tungkol dito ay iba ang mga salitang lumabas sa bibig nya.
"Magkaibigan lang kami ni Charlotte."
Tumaas yung kilay ni Morgan sa binanggit nyang yon kaya ngumiti sya. Ngiting maaliwalas, pampawala ng badtrip pero hindi man lang tinablan si Morgan nung ngiti nya.
"Nagkaroon ako panic attacks five years ago habang naglalakad pauwi galing ng eskwelahan kung saan ako nagtuturo." Bahagya syang natawa habang inaalala yung nangyari dati. "Nanikip ang dibdib ko at hindi maampat ang iyak ko, para akong nasusuka na ewan habang nanginginig sa isang tabi. Hindi ko alam yung gagawin ko noon, pinagtitinginan na ako ng mga taong dumadaan dahil malamang ay nawiwirduhan na sila sa akin pero wala rin naman akong magawa para patigilin yung sarili ko."
"You have panic attacks?" Nagtatakang tanong ni Morgan.
Nakangiti pa rin sya ng tumango. "Parte yon ng PTSD ko."
Natahimik si Morgan. Salubong ang mga kilay na nakatingin sa kanya pero nakatikom ang mga labi, sa mga mata pa lang nito ay alam na nyang marami itong gustong itanong pero nginitian nya lang ito.
"I feel so helpless five years ago dahil bukod sa nanghuhusgang tingin ng mga tao ay wala man lang talaga nag-abalang tumulong sa'kin. Inasahan ko na rin naman yun pero ang 'di ko inaasahan ay ang biglaang pagpreno ng isang motor nang matapat sa'kin yung direksyon non."
Umakto siyang nag-iisip tsaka muling natawa. "Nung una, akala ko kung anong gagawin nung driver pero nang makalapit sa'kin eh bigla na lang nya akong niyakap. Nakalimutan ko na yung mga pinagsasabi nya non pero napakalma nya ako sa loob lang ng ilang minuto. Naalala ko pa yung mukha nya noon, para syang tomboy na ewan kasi naka-undercut yung buhok nya na parang lalaki. Ang weird pa nyang tingnan, naka-basketball shorts at sando lang sya non na pinatungan ng puting roba."
Tahimik na nakikinig si Morgan sa kanya kaya ipinagpatuloy nya ang paglilinis sa sugat nito kasabay ng pagkukwento.
"Hinang-hina ako nung araw na yon. Nagising na lang ako kinabukasan na nakahiga sa hospital bed, sya yung unang nabungaran ko kasi ang sarap ng hilik nya sa tabi ng kama ko. Doon ko nakilala si Charlotte. Matagal-tagal nya rin akong binantayan bago inirekomenda sa mama nyang Psychologist, simula non ay si tita Zia na ang talagang doktor ko hanggang sa medyo bumuti na yung lagay ko habang si Charlotte naman ay dalawa o tatlong beses ko lang nakakasama kada buwan."
"Why are you telling me this?"
Tinapos nya na yung ginagawa at tuluyang pinalitan ng benda yung sugat sa kamay ni Morgan.
"Alam kong masyado na akong assuming sa sasabihin ko pero sana 'wag kang magselos sa sarili mong kaibigan, Morgan."
Marahan nyang inikot ang benda, ingat na ingat na wag mahigpitan ang pagkakatali sa takot na baka masaktan ang babae.
"Sa limang taon naming pagkakakilala ay never akong nagkagusto sa kanya ng higit pa sa pagiging kaibigan at alam ko sa sarili kong hindi ko sya magugustuhan kaya hindi mo kailangan magselos sa kanya." Itinabi nya pabalik sa first aid kit yung mga ginamit niya bago humawak sa isang kamay ni Morgan para pisilin yon. "Ayokong pagsimulan ng away nyong dalawa, hindi ako ganon ka-importante para pag-awayan nyo kaya sana 'wag nyo ng uulitin yung kanina—"
"Noam." Putol ni Morgan sa sinasabi nya.
Bahagya itong nakayuko, nakatingin sa sariling kamay nitong nilalaro-laro yung kamay nya. Hindi nya makita yung reaksyon nito dahil medyo natatabunan ng berdeng buhok nito.
Nagtataka man ay sumagot pa rin sya.
"Bakit?"
"PTSD occurs by going through a traumatic event."
"Oo nga."
"What happened?"
Saglit syang natigilan bago bumuntong hininga.
"Will you still like me even though I'm already used by someone else?" Bulong nya
Umangat yung ulo ni Morgan kaya nagtama na naman yung tingin nilang dalawa pero this time ay mabilis na naapektuhan nito yung kung anong emosyon sa loob nya.
Sa simpleng titig nito ay agad siyang nakaramdam ng kung ano, yung pakiramdam na parang nag-iinit yung dibdib pero hindi masakit? Yung parang may gusto kang ilabas pero pilit mong pinipigilan, tipong nagsisimula ng mag-init yung kung anong parte ng mukha mo pero hindi mo alam kung saan ang eksaktong pwesto.
Kaya nang bumuka yung bibig ni Morgan para magsalita ay para siyang kakapusin ng hininga.
"What caused your PTSD?"
Doon na bumagsak yung luha mula sa sulok ng mga mata nya. Yung init na nararamdaman nya sa dibdib ay tila umakyat sa mukha nya at doon lumabas sa sulok ng mga mata nya, ramdam nya yung init ng luhang patuloy na dumadausdos pababa ng pisngi nya at alam niyang hindi maaampat yon hanggang mamaya.
Hirap man ay binanggit nya pa rin ang mga salitang iilang tao lang ang nakakaalam.
"I was abused."