"I'M HIS LADY GUARD"
~CHAPTER 1~
ANGELINA POV:
MASAYANG naghahapunan ang mag-asawang amo ko nang biglang may sumigaw na boses lalaki sa tapat nang pinto. Siguro ito na ang anak nila.
"Ano 'tong nabalitaan ko na may kinuha nanaman kayong magiging guard ko!" Sigaw niya sa mga magulang nang makalapit na ito.
Halos hindi naman makapagsalita ang mga magulang dahil sa takot at gulat sa galit nilang anak.
"Son. Ginaw-----
Biglang pinutul nang lalaki ang salita nang kanyang ina.
"Ginawa niyo nanaman akong bata! Hindi ba kayo nadala na ilang beses ko na silang pinagbalian nang buto! Baka gusto nyo makapatay na talaga ako dahil diyan sa pangingialam nyo sa buhay ko".
"Lintek talaga tong lalaking 'to gusto ko talaga siya balian nang buto". Anang isip ko dahil naiinis na talaga ako sa kanya. Kong sigawan nya ang mga ito ay para bang hindi na magulang ang turing niya dito.
"Son makinig ka! Hanggat hindi ka nagbabago hindi rin kami titigil nang kakahanap nang magiging guard mo na siyang magpapatino sayo". Sa wakas tumayo na ang ama nito at sinalubong ang tingin nang kanyang anak.
"Pagsisisihan niyo ang pagkuha ulit nang bodyguard ko dahil sisiguraduhin kong hindi na siya sisikatan nang araw"! Ani tristan.
"Aba talaga bang ginagalit ako nito ha! Ano bang kaya niyang gawin sakin hmm?" Saad nang isip ko.
"Asan ang lintek na bodyguard na iyan? Iharap niyo sa akin nang ngayon palang ay ipapakita ko na sa kanya kong ano ang kaya kong gawin". Wika nu tristan.
Hindi ko na hinantay pang tawagin ako dahil ako na mismo ang lumapit sa harapn niya para magpakilala total kating-kati na itong kamay kong saktan ang damuho na 'ito!
"Ako po sir". Magalang na sambit ko sa kanya nang makalapit ito.
Nakaarako naman ang kilay nito na tila di makapaniwala sa nakikita dahil siguro akala niya lalaki anf magiging bodyguard niya.
"Ikaw! Sigurado kaba sa pinasok mo. Ang tapang mo namang pasukin ang trabahong ito". Ismid nito sa akin.
"Wag niyo akong maliitin sir. Dahil kahit ikaw kaya kong balian nang buto". Deretsahang wika ko sa kanya na ikinangisi niya.
Maging ang mga magulang niya ay tila nagulat sa aking sinabi.
"Wow ang lakas mo naman babae! Pero wala akong pakialam diyan sa sinasabi mo. Basta ito tandaan mo! Matutulad ka rin sa iba na umalis wala pang isang araw goodluck baby girl, kong sexslave ko sana ang inaply mo baka tanggapin pa kita! Kong ako sayo ngayon palang umalis kana dito kong mahal mo pa ang buhay mo." Ani tristan sa kanya.
"Hindi ako aatras". Wika ko na nagpataas muli nang kanyang kilay.
"So gusto mo talagang magstay? Humanda ka dahil gagawin ko na sayo ang balak ko.. at kayo !" Baling niya sa mga magulang niya.
"Wala kayong ibang sisihin kapag napatay ko ang babaeng ito kundi kayo lang!" Sabay alis nito.
Tila kinabahan naman ang mag-asawa sa sinabi nang kanilang anak tiningnan nila ako sa mga mata ko na parang sinasabi sakin na umuwi nalang ako.
"Iha, mukhang totohanin nang anak namin ang balak sayo siguro umuwi ka nalang". Anang mommy niya.
"Hindi po! Lalo na at nakita ko na ang suwail niyong anak, hayaan niyong ako po ang puputol nang sungay niya, hayaan niyo akong sundan ang anak niyo ngayon magtiwala kayo sakin dahil may gagawin lang ako sa kanya". Paalam ko sa kanila.
Nagkatinginan pa sila bago sila tumango tanda nang pumayag sila na sundan ko ang bweset nilang anak.
Sinundan ko ito kong saan siya patungo, sa garden nila ito pumunta. Pagdating ko roon ay may kausap siya sa celphone niya..
"Oo! Kailangan niyong pumunta ngayon din dahil may tuturuan tayo nang leksyon! Ayaw umalis pwese daanin natin sa santong paspasan". Narinig kong sabi nito sa kausap niya.
Ibinaba na nito ang tawag at saktong paalis na sana papasok sa loob nang nakita ako nito.
Umarko ang kilay niya at tiningnan ako mata sa mata.
"Kong gusto mo akong turuan nang leksyon bakit hindi ngayon? Bakit kailangan mo pang tumawag nang kasama? Hindi mo ako kaya? Or baka duwag ka lang? Kaya ka lang naman matapang kasi may mga kaibigan ka na tumutulong sayo! Tama ako hindi ba?" Pang-iinsulto ko sa kanya.
"Hinahamon mo ba ako?" Seryosong tanong niya.
"Oo hinahamon kita! Saktan mo ako ngayon na! Susubukan ko kong hanggang saan ang kaya mo"! Seryosong sagot ko dito.
"Wag mo akong subukan". Aniya
"Sinusubukan kita! Kaya lumapit ka sa akin kong matapang ka! Saktan mo ako! Suntukin mo ako kong anong gusto mo sakin,basta suguraduhin mo lang na kaya mo akong tamaan". Utos ko sa kanya.
Tila nagdadalawang isip pa ito kong gagawin niya ang inuutos ko sa kanya.
"Ano natatakot ka? Wala ka pala e duwag ka"! Wika ko sabay talikod sa kanya.
Pero ramdam ko na kumilos ito at kumuha nang isang kahoy na nasa gilid lamang nang taniman nang bulak-lak.
Ngumisi ako, dahil namiss ko rin ang ganitong eksena sa bahay.
"Haaaaaa!"! Aniya, handa na ito para sumugod sakin subalit nailagan ko ito at nahawakan ang isang niyang kamay kahit nakatalikod pa ako, gulat naman ang nakita ko sa mukha niya nang mahawakan ko ang kamay niya, pinaikot ko ito dahilan para mapunta sa likod niya ang kanyang kamay.
"Arghh!" Sambit niya tanda na nasasaktan ito sa ginawa ko.
"Yun lang ba ang kaya mong gawin?" Wika ko sa kanya.
Nagpupumiglas ito subalit mas hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya dahilan para mapa ouch ito.
"Oras na makawala ako dito papatayin kita". Aniya.
"Talaga kaya mo?" Pang-iinis ko sa kanya kaya nagpasya akong palayain siya mula sa pagkaikot nang kamay niya sa likod.
Galit na galit ang mukha nitong nakatingin sa akin.
"Papatayin kita!" Aniya sabay sugod ulit sa akin.
Pero sinalubong ko ito nang isang malakas na suntok dahilan para mapahiga ito.
Duguan ant ilong, maging ang labi nito dahil sa suntok ko.
"Tumayo ka! Dahil hindi pa ako tapos sayo!" Utos ko sa kanya.
Sakto namang dumating ang apat na lalaki, nagulat sila nang makita nilang bulagta ang lalaki, malamang ito ang tinawagan niya kanina.
"Ang tagal niyo! Bugbugin niyo ang babaeng iyan". Utos ni tristan sa kanilang apat.
Nagdadalawang isip ang mga ito dahil babae ako, subalit sumugod parin sila sakin.
Ni isa ay hindi nila ako tinamaan dahil sa magaling akong umilag at magaling akong makipaglaban, mamaya ekwento ko kong sino talaga ako.
Ako yung tipo nang babae na hindi pinapatagal ang laban gusto ko agad tapusin kaya lahat sila pinatulog kong apat maliban kay tristan na gulat na gulat sa kanyang nasaksihan.
"Yun ba ang sinasabi mong tutulong sayo? Mga lampa mga walang silbi, isang babae na tulad ko ay hindi nila kaya ang yabang nyo sa salita pero wala naman pala sa gawa". Saad ko rito. Tumalikod na ako para bumalik sa amo ko nagulat nalang ako nang bigla ako nito pinalo sa likod kaya napaharap ako.
"Alam mo ikaw nagugutom na ako! Ang hina mo naman humampas dapat ganito"! Tumalon ako sabay sipa nang malakas sa kanya dahilan para makatulog ito.
Tsk! Mga lampa, katawan lang ang malaki pero hindi naman marunong makipag-laban tsk.
Iniwan ko silang lima sa garden at bumalik sa mga amo ko,pero nakita ko silang tulala sa tapat nang pinto na nakatingin banda sa kanilang garden.
Nagkibit balikat lang ako at dumertso nalang ako sa kusena para kumain dahil nagugutom na ako..
CHAPTER 2
(PAGHIHIGANTI NI TRISTAN AT NANG MGA KAIBGAN NITO KAY ANGELINA)