Prologue
"I'm his Ladyguard"
By: Nezel Wp Writes
PROLOGUE
ANGELINA CHUA ay isang Half Pilipino at half Chinese na naninirahan sa pilipinas kasama ang mga magulang nito. Hindi sila mayaman at parehong may trabaho sa iisang kompanya ang kanyang mga magulang.Sa mga sinasahod nang mga magulang niya sila kumuha nang pang gastos sa bahay at sa kanyang pag-aaral.
ISANG araw ay nagkasakit ang kanyang ina lumala ito nang lumala hanggang sa magkandabaon-baon sila sa utang para lang may pambili sila nang gamot nito. Naging dahilan rin iyon nang pansamantalang pag tigil ni angelina sa kanyang pag-aaral para maghanap nang trabaho. Hindi na kasi kaya nang ama niya na kumayod mag-isa.
Pansamantala niyang iniwan ang kanyang ina sa kanilang kapitbahay na si tina para alagaan muna ang ina nito dahil maghahanap siya nang trabaho.
Makalipas lang ang buong maghapon subalit wala paring tumatanggap sa kanya dahil wala pa naman itong tinapos.
Pauwi na siya nang may madaanan siyang isang karatula na nakasabit sa may gate nang malaking bahay.
"Wanted Body guard" iyon ang nakasulat doon.
Agad namang nag doorbell si angelina para mag apply.
Isang magandang babae ang bumungad sa kanya, nakangiti ito nang malapad at mukhang mabait naman.
"Yes iha? Sino sila?" Tanong nang ginang sa kanya.
"Uhm kuwan mag-aaply po sana ako nang trabaho". Anya.
"Aaply ka? Kong kasambahay kasi ang aaplayan mo wala kaming bakante ngayon iha". Malungkot na wika nang ginang sa kanya.
"Hindi po katulong ang aaplayan ko maam bodyguard po sana". Lakas loob na wika ni angelina dahilan para mapatawa nang mahina ang ginang.
"Iha sigurado ka? Lalaki kasi ang hinahanap namin at hindi isang babae at sa tingin ko baka di mo naman kakayanin na maging bodyguard nang aking anak". Aniya
"Opo sigurado ako maam. Bakit hindi niyo muna ako subukan para malaman niyo kong ano ang kaya kong gawin?" Wika ko sa kanya.
"Hmm gusto ko iyang linya mo iha. Pero sige susubukan kita. Patunayan mo sa akin na kaya mong maging badyguard nang aking anak." Ani nang ginang. Kinuha sa kanya ang dala niyang requirements at binasa naman sa kanyang harapan.
"Marunong kaba mag drive nang kotse?" Tanong nang ginang sa kanya.
"Yes po". Mabilis na sagot niya.
"Okey sige tanggap kana pero ipaalala ko lang sayo ha. Hindi basta-basta ang pagiging bodyguard lalo na at pang 10 kana sa mga nag apply bilang bodyguard nang anak ko pero ang 9 na iyon ay nagpaalam nalang matapos ang isang araw." Pahayag sa kanya nang babae.
"Bakit naman po?" Curios na tanong niya.
"Dahil isa sa kanila walang nakapagpabago sa anak kong lalaki, hindi nila ito mapigilan sa gusto at lahat nang katarantaduhan ginagawa niya mapaalis lang ang mga iyon,pinabugbog niya sa mga katropa nito para lang umalis na ang mga ito bilang bodyguard niya bukod tangi ka dahil ikaw lang ang babae na naglalas loob na mag-apply bilang bodyguard.
Napanganga si angelina sa narinig dahil subrang sama naman pala nang kanyang babantayan. Pero hindi siya aatras bagkos natuwa pa siya nang malaman nito kong gaano ka sama ang alaga nya niya kinakailangan na niya itong turuan nang leksyon kapag siya ang naging bodyguard nito.
"Iha bakit natahimik ka ata? Ano aatras kanaba? Sabihin mo na sa akin lalo pa at babae ka baka di mo talaga kakayanin ang anak ko" ani nang ginang sa kanya.
"Hindi po may iniispip lang ako, hindi po ako aatras"., Matapang na wika ko sa kanya.
"Hays. Okey iha. Sana nga lang mapabago mo siya pero ayaw kong umasa dahil babae ka. Iasa ko nalang sa itaas ang magiginga pagbabago nang aking anak.
Umuwi nang masaya si angelina, pinapabalik siya ngayong hapon rin para doon na manirahan sa bahay nang kanyang magiging amo. Ipakilala rin daw siya nito sa magiging amo niya na anak nang ginang na kausap niya kanina.
Nalaman ni angelina na lalaki ito at nasa 23 anyos na. Tapos na ito nang pag-aaral at walang trabaho bukod sa tagapagmana ito nang kompanya nila subalit lagi naman itong nasa bar, nasa galaan kasama ang mga tropa niya kaya kinakailangan nang pabaguhin nang mga magulang ang anak para makapaghanda ito pagdating nang panahon na siya na ang uupo bilang ceo nang kompanya.
Nagpaalam naman nang maayos si Angelina sa kanyang ina, ayaw man niyang malapayo dito subalit kailangan niya nang malaking pera para sa pang-gamot nang ina niya. Lalo na at napagkasunduan nila nang ginang kanina na kapag tumagal siya kahit isang linggo sa kanilang bahay ay bibigyan nya agad ito nang 100,000. Kailangan niyang galingan sa trabaho at gagawin niya lahat para mapatino ang anak nang amo niya.
Muling iniwan ni Angelina ang ina kay tina, sasahuran nalang niya ito kapag nakasahod na siya.
Saktong 6pm nang makarating siya sa bahay nang magiging amo niya.
Pinagbuksan siya nang isang katulong at pinapasok sa loob nang bahay. Dinala siya nang katulong sa opisina nang ginang para sabihin na nandito na siya.
Pagkakita sa kanya nang ginang ay ngumiti ito.
"Akala ko umatras kana eh". Biro nang ginang sa kanya.
"Hindi ako aatras maam." Aniya
"Good. Halika ihahatid kita sa magiging kwarto mo."yaya sa kanya nang ginang.
Sumunod naman si angelina sa amo niyang babae. Pagdating niya sa kwarto ay namangha siya dahil malaki ito kesa sa kwarto niya sa bahay. Agad namang nagpaalam ang ginang dahil may trabaho pa ito, tatawagin nalang daw sya mamaya kapag kainan na.
Inayos ni angelina ang kanyang damit sa lagayan nito, pagkatapos niyang gawin iyon ay nagpasya siyang bumaba para tumulong sa mga kasambahay sa paghahanda nang hapunan.
"Ay maam kami na dito. Kaya na namin ito maam". Wika nang isang kasamabahay sa kanya nang tangkang hugasan nito ang nakatambak na hugasin sa lababo.
"Naku ayos lang no, kaya ko naman gawin ito at isa pa wala naman akong gagawin sa itaas naboborinh ako". Sagot niya sa kasambahay.
"Ang bait nyo naman maam pero sige kayo bahala po"., Nakangiting paubaya naman nang katulong.
"Wag mo na ako imaam agelina ang pangalan ko, pareho lang naman tayong nagwowork dito eh". Aniya
"Ako naman si JeaN.", Pakilala ni jean kay angelina.
Agad naman silang nagkapalagayan nang loob hangang sa napunta sa amo nilang lalaki ang kanilang usapan.
"Naku ange, maldito yang babantayan mo sinasabi ko sayo. Ubod nang sungit at walang galang sa amo natin. Lahat nang gusto nya dapat masunod sayang gwapo pa naman si sir tristan." Sambit ni jean na may panghihinayang.
"Bakit di ba siya sinasaway nang mga magulang niya?" Tanong ni Angelina.
"Hindi e dahil maging ang mga ito takot kay sir tristan hindi nga sila makapagsalita minsan kapag nagagalit ang mga ito eh laging nakayuko kapag nagaglit ang anak sa kanila". Ani jean.
Natahimik bigla si angelina at nag-isip-isip na " ako ang puputol nang sungay niya". Sambit nya.
End of prologue..