Chapter 2

1004 Words
Iritado "Mesina?" Agad kong tinaas ang kamay ko.  Umarko pa ang kilay ni Ma'am Lansangan bago lumapit sa banda ko at binigay sakin ang papel ko. Napabungtong-hininga ako habang tinititigan ang score na nakuha sa ibinalik na test paper. Pasado lang ito at hindi kagaya ng nakasanayan ko noon na laging mataas o di kaya'y perfect. Dumating kasi sa puntong napagod na kong pagbintangan na nangongodigo o nangongopya kapag nakikita nilang mataas ang nakukuha ng isang gaya ko sa pagsusulit. Kaya't minamabuti ko na lang na basta't maipasa na lang ang mga exams. Nakakalungkot isipin na kailangan pang umabot sa ganito pero mas gugustuhin ko na ang katahimikang tinatamasa ngayon kesa noon na hindi rin naman ako lubusang nagiging masaya sa marka dahil sa mga naririnig sa kanila. Nagulat ako nang may umagaw ng papel ko. Nakalabas na pala si Ma'am. "Wow, Lia! Sana ol!" manghang sabi ni Ava habang ngumunguya pa ng chewing gum. "Mababa nga eh,"  Nakita kong sumilip din si Zoe sa papel ko at nanlaki ang mata. "Are you kidding me? This is already one heck of a score, Lia."  Hindi na rin ako nakapag-kumento nang mag-aya nang kumain si Quinn. May naabutan kaming naka-upo sa madalas naming inuupuan at maangas na pinapaalis ni Ava at Quinn ang mga ito. "Huy wag na," pigil ko sa kanila sa mahinang boses. Tinapik ako ni Zoe sa braso. "Just let them," tamad na sabi niya. Wala ring nagawa ang mga kawawang high school students at umalis sa upuan. Habang kumakain kami ay dumating si Markus at naglandian na sila ni Quinn. "Ay gago," biglang sabi ni Ava habang nakatingin sa phone. Bumaling kami sa kanya. "May e-mail si Sir Jad. Excessive na raw yung unsubmitted written works ko," sabi niya. Natatarantang nag-check din ng phone si Zoe at Quinn. Pinanood ko kung paanong lumukot din ang ekspresyon ng dalawa. Si Ava naman ay tahimik na parang may kino-compute sa hangin. "Thirty percent yun diba?" tanong niya at may binilang sa daliri. "Okay lang pasado pa rin," sabi niya atsaka bumalik sa pagkain. Napapikit naman nang mariin si Zoe. "No, Dad's going to kill me if I mess up even more." problemadong daing niya. Simangot naman na nakatulala si Quinn habang malungkot din. Nang tila biglang may maisip ay mabilis siyang bumaling sakin. "Lia," malambing na sabi nito. Nabitin sa ere ang pagkain ko. I threw her a suspicious look. "What?" kabado nang tanong ko. She smiled widely at me.  I scrunched my nose. "Stop it, Quinn. It's creepy," Hindi siya nagpatinag. "Type ka naman ni Sir Jad diba-" "No." I immediately cut off whatever she's thinking. Nakita kong nanlaki ang mata ni Zoe na nakuha ang ideya ni Quinn. "Right, Lia! Ikaw ang pag-asa namin!" she said very hopefully. I grunted. "No, no, guys. Don't involve me in your wicked plan." I saw Zoe's face fell. "Lia babe, we're not up for anything bad naman. Gagawin lang namin yung ilan sa na-miss naming tasks then just pass it for us please?" Quinn sweetly said. I groaned. "But Sir Jad made it clear that he's not accepting late submissions." "But it's you, Lia." ngumisi si Quinn. "I'm sure he would reconsider because it's you." Umiling-iling pa rin ako at walang balak pumayag nang makisali na si Zoe sa pagmamakaawa. "Please, Lia. I'm begging you! Ayokong ma-grounded na naman," desperadong sabi ni Zoe. "Oo nga, Lia. Pag-pumayag ka gagawa na lang din pala ko. Sayang eh," ani Ava. Nang makisali na si Ava sa pamimilit ay nahirapan na kong tanggihan silang tatlo. I sighed as I surrender. "Ngayon lang to ah!" paalala ko sa kanila. They yelled in victory and showered me with their 'I love you's'. Quinn even kissed me on the cheek. Kaya't buong vacant period ay nag-stay kami sa library. Halos pagtinginan kami pagkapasok. Hindi ko rin kasi maalala kung kelan kami huling pumunta rito nang sama-sama. Ngayon lang ata. Habang ginagawa nila ang mga ipapasa ay gumawa na lang din ako ng requirements sa ibang subjects na malayo pa naman ang deadline. Nagulat pa ako nang mauna pa silang matapos sa akin. Nang nakita kong halatang minadali nila iyon ay pinilit ko silang ayusin pa dahil may oras pa naman. "Ayos na yan," sabi ni Ava. Sumang-ayon naman ang dalawa at napailing-iling na lang ako bago kinuha na rin ang mga papel nila. Kabadong-kabado ako habang binabaybay ang daan patungo sa faculty. Ni hindi ko pa alam kung anong sasabihin kay Sir Jad. Bumuga ako ng malalim na hininga bago binuksan ang pinto. Ginala ko ang tingin para hanapin ang table ni Sir. Habang papalapit ako ay nakita kong napaangat na siya ng tingin. Lumiwanag ang mukha niya nang magtama ang tingin namin. "Hey, Lia." he smiled. "You came here for me?" he asked when I was already in front of him. Napalunok ako bago tumango.  "Uh, Sir, I would just like to ask if you can still consider accepting the works of my friends?" I directly said not wanting to beat around the bush. Halos maihi na nga ko sa pagka-ilang kaya't ayoko nang magpaligoy-ligoy pa dahil tatagal lang. I saw both of his eyebrows raised in amusement. "You guys, know very well how strict I am when it comes to deadlines, right?"  Napayuko ako at kabadong tumango habang nawawalan na ng pag-asa. Sa peripheral vision ko ay nakita kong bumukas ang pinto ng faculty at may pumasok na pigura ng lalaki. Lumakad ito papunta sa banda namin. Sir Jad leaned on his table. "But since Ms. Mesina is the one asking for this favor," pabitin pang sabi ni Sir. "..I think it's fine to be considerate with this one." he said with a smile. Napansin ko sa katabing table ng kay Sir Jad ang paglapit nung Vice President ng student council na siya palang pumasok kanina. May nilapag ito sa lamesa at diretso lang ang tingin sa ginagawa.  "Malakas ka sakin eh," Sir Jad added before he chuckled. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napatingin sa lalaki sa katabing lamesa at bahagyang nakaramdam ng kaba. Nagpasalamat na ko nang paulit-ulit kay Sir bago umalis. Nakita kong sakto ring naglakad na yung VP ng council patungo sa labasan. Napatigil ako nang akmang sabay kaming hahawak sa door knob. Napalunok ako at napatingin sa kanya.  Nakita kong iritado ang ekspresyon niya.  Nagtiim-bagang ito bago umatras para paunahin ako. Bago tuluyang makalabas ay nahagip pa ng paningin ko ang bahagyang pag-irap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD