Chapter 5

1318 Words
Breathless No way. How can this be? "Alam mo, tamang-tama," Ava said. "Chinika sakin nung ka-sorority ko yung sinabi niyan kay Arden sa cafeteria eh. Ano nga 'yun?" she paused for a while. "People like us are up to no good daw? Ha! Prove them wrong Lia." Napalunok ako. "Guys I doubt that this is a good idea-" Zoe rolled her eyes. "Lia! You already agreed," Tumango-tango si Quinn. "All you have to do is to be friends with him lang naman, babe eh. Unless?" Quinn inquired while raising both her eyebrows. Nanlaki ang mata ko. Sumapaw pa si Ava. "Unless gusto mong gawin na lang din yung ginagawa namin kung type mo sya," she said then sipped on her drinks. "No way!" I said panicking. "I'm never doing that," "Wag magsalita nang tapos," Ava teased. "Right," Zoe added. "Don't worry, you can always revise the plan to your liking, Lia." Quinn smirked. Napailing-iling na lang ako habang ngumingiwi. Napagkasunduang hintayin na muna ang peak ng gabi para magspread out na ang lahat pati ang magbabarkada. Mahirap daw kasing dumiskarte pag maraming kasama ang lalapitan. "Seriously, I don't know how to approach him," I problematically blurted out. Kung ang mga kasama ko rito ay eksperto na pagdating sa pakikipag-mingle ay hirap naman ako. Ang tanging mga naging kaibigan kong lalaki dati ay dahil lamang mga nakakalaro ko sa basketball. "Ganto lang yan tuturuan kita-" Ava was cut off. "Wait, I think I have a better idea," sabi ni Quinn na tila lumiwanag pa ang mukha. "Markus told me that there would be dirty games later-" "What dirty games?! Akala ko ba makikipagkaibigan lang ako?! Ayoko na!" agad na sabi ko. Quinn laughed. "Lia, calm down. Getting near him is the first step, of course. You have to get his attention," I groaned. "Hindi ba pwedeng yung normal lang na lalapitan ko siya tas tanungin ko kung pwede kaming maging magkaibigan?" "Gaga! Nung ginawa mo ba yan sa iba dati gumana?" Ava sarcastically said. Natigilan ako. "Oo nga Lia. Once you get into his radar, things would be much easier for you to be.. closer.. as friends," nakakatakot na ngumisi si Zoe. Pinagpatuloy ni Quinn ang sinasabi. Ayon sa kanya, pag mas lumalim daw ang gabi mamaya ay magkakaroon ng iba't ibang dirty games. Pwedeng magvolunteer at may pagkakataon na magrarandom ang party host. "Teka, tingin nyo ba sasali yun? Mukha siyang seryoso," ani Ava. Hindi ko maiwasang sumang-ayon.  Quinn flashed a smile. "I'll get some help to make him... a little bit... tipsy... or.. drunk?" humalakhak siya. Nakitawa rin ang dalawa habang nagdadalawang-isip na ko sa pinasok ko. Just the mere mention of 'dirty games' creep me out. I mean, what exactly could it be?! "Quinn, what do you mean dirty games ba?" I asked. She shrugged. "Iba-iba. Body shots, kissing a stranger, make out-" "What the f**k?!" halos pumutok ang mga litid ko. "Calm down! We'll get you the most wholesome one," she winked. Hindi na ko mapakali buong gabi sa pinaghalo-halong kaba at takot. Habang lumilipas ang oras ay napansin ko na ang maya't mayang pag-alis ni Quinn. May mga nilalapitan siya at binubulungan. Tuwing bumabalik siya sa table ay malaki ang ngiti niya. "Look," Zoe pointed at their table. "I think he's really getting tipsy," Pagtingin ko roon ay nakita kong panay ang bigay sa kanya ng inumin at medyo tumatanggi na. Humahalakhak ito at bahagyang mapungay na ang mata. "Alright, Alright!" halos mapatalon ako nang halos sumabog ang speaker sa biglang pagsasalita ng emcee. "For the most awaited highlight of the night, let's start to loosen up!" sigaw niya, punong-puno ng enerhiya. Excited na naghiyawan ang crowd. Ilang pampaganang sigaw pa ang binigay ng host na tinatapatan naman ng energy ng mga tao. Halos mapapikit ako sa sobrang ingay. Nagsimula na ang mga laro at hindi ako makapaniwalang marami ngang nagvovolunteer.  Hindi ako makatingin habang nakikita ang isang babae na dinidilaan sa leeg ang kapartner na lalaki.  Nakapwesto sa gitna ang participants habang nakapalibot naman nang pabilog ang wild na wild na crowd.  Ilang rounds pa ang naganap bago muling kinuha ng host ang atensyon namin. "And now, for a twist!" Hindi ko alam kung ba't kumabog ang dibdib ko. "We'll be the one to choose the players for the next game which is.."  Malakas na sigaw ang sagot ng crowd. "A lap dance!"  Parang galing sa mga nakawalang hayop sa hawla ang binigay na reaksyon ng mga tao. "We'll start with the guys. Once the spot light hits you, please come to the center and take your seat." pasuspense na sabi nito. Nagsimulang tumama ang ilaw sa iba't ibang lalaki. Kahit hindi pa naman mga babae ay kabado na ko sa pag-aabang. "For the next one, we have..." may suspense music pa at halos wala kaming makita sa dilim. Agad na nakarinig ako ng hiyawan ng may tinamaan ang ilaw. Nanlaki ang mata ko sa tinapatan nito. "Ridge Terrence Asterio, 3rd year reprezent!" "Oh, mas matanda pala satin yan ng dalawang taon?" kumento pa ni Ava pero wala nang pumapasok sa isip ko. Nakita ko pa kung paano humalakhak at umiling-iling si Ridge habang tinutulak na siya ng mga kaibigan papunta roon, halatang medyo lasing na. "Quinn.." I whispered. "Hmm?" "M-mapipili ba ko rito?" Kinindatan niya lang ako. Hindi pa ko naka-recover sa kaba nang makumpirma ang hinala at tapatan nga ako ng ilaw bilang kapartner ni Ridge. Namangha ako nang matunghayan kung paano nawala ang halakhak sa ekspresyon niya nang makita akong papalapit. Unti-unti itong naging seryoso. Hindi ko lubusang mabasa ang iniisip niya. Blangko lamang ito at mapungay ang mga mata. "Galingan mo!" dinig ko pang cheer ni Ava. Napalunok ako at binalingan uli ng tingin si Ridge na nasa tapat ko na. Ngayon ay tamad na siyang nakatingin din sakin. Sarkastikong nakataas ang isang kilay niya at tila kagaya ng iginawad niyang tingin sa akin kahapon ay may panghahamon doon. Hindi ko alam pero parang... nakakainsulto. Sa pinapakita niya ay hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng inis.  Nang marinig ang saliw ng mapang-akit na tugtugin ay parang may gusto akong patunayan sa kanya. Maingay na ang mga tao sa paligid dahil nagsimula nang gumalaw ang iba. Sa dilim ng paligid ay nakahugot ako ng tapang. Pakiramdam ko ay ako at si Ridge lang ang tao rito ngayon. Malakas ang loob na dahan-dahan kong inangat ang mga daliri nang may ritmo na naaayon sa tugtugin. Pinadapo ko ito sa panga niya, at pinadaan sa leeg hanggang bumaba sa balikat. Nakita ko ang pagtiim ng bagang niya. Humakbang ako upang mas lalong lumapit sa kanya. Ipinatong ko ang parehong kamay sa magkabilang balikat niya. Binigyan ko iyon ng madiin na pisil at masahe. Unti-unting nagsalubong ang kilay niya. Pinarte ko ang magkabilang binti upang maging sapat ang pagbukaka para maikulong siya sa pigura ko.  Nilipat ko ang mga kamay sa upuan sa likod niya at sinabayan ng galaw ang ritmo ng awitin. Ang ulo niya ay nakalebel sa dibdib ko habang patuloy ang paggalaw ng katawan ko sa harap niya. Pinanood ko ang pagpaparte ng labi niya. Unti-unti kong binabaan ang paggiling upang magtama ang katawan namin. Mapang-akit na tumatayo pa ko pabalik nung una hanggang sa tuluyan nang napanatili ang magkalebel na mukha namin. Ramdam ko ang bilis ng paghinga niya sa balat ko. Halos malasing ako sa amoy ng alak sa bibig niya. Tuluyan na kong bumaba para umupo sa kandungan niyo. Ginalaw ko pa ang pang-ibaba para sunayaw habang nasa ibabaw niya. Pumungay ang mga mata niya. Umabante pa ako paharap upang magdikit ang katawan namin. Sa ginawa ko ay halos maramdaman ko na sa dibdib ko ang init ng dibdib niya. Isa pang galaw ay may naramdaman akong naupuan na matigas na bagay. Napakunot ang noo ko at aktong yuyuko para lingunin iyon nang hawakan niya ang baba ko at iangat iyon paharap sa kaniya. "What are you doing?" he breathlessly whispered. Nahilo ako sa magkalapit naming mga mukha. Sa mainit na hininga niyang tumama sa akin ay halos hindi ako makapag-isip nang tuwid. "Uh.. L-lap dancing on you?" wala sa sariling sagot ko. Nagtiim-bagang siya. "No. What is it that you're trying to do with me?" may diin na sabi niya.  May bakas pa rin ng hingal ang boses niya. Kinilabutan ako sa intensidad ng tingin niya sakin. Parang may sinusubukan siyang basahin sa kaloob-looban ko. It's like his jet black eyes are piercing through my soul to find out something.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD