Chapter 6

1088 Words
WTF "How was it?" salubong ni Zoe. Para pa rin akong nakalutang habang pabalik sa table namin. Sunod-sunod ang tanong at pangungumusta maging ni Ava at Quinn. Umiling-iling ako.  "Fail. I don't think I can make him befriend me." I said with finality. Zoe made a face. "You're such a pessimist!" "We're just getting started, Lia." ani Ava. Si Quinn naman ay parang nag-iisip. "Hmm, don't worry. We'll find ways," she smiled. Napadaing naman ako. Mukhang desidido talaga sila. Hanggang makauwi sa bahay ay pakiramdam ko'y nakalutang pa rin ako at medyo wala sa wisyo dahil sa nangyari. First time kong maranasan ang mga ganung klaseng bagay. Buti na lang ay sanay talaga kong natutulog nang maaga kaya't hindi ako masyado napuyat kakaisip sa nangyari. Malakas na ring ng cellphone ang gumising sakin kinabuksan. Nakapikit pa ang isang mata nang sinilip ko kung sino ang tumatawag. Quinn calling... "What?" I asked in my bedroom voice. "I knew it! You're still sleeping?!" I mentally rolled my eyes. "Of course, Quinn. It's a freaking Saturday." I grunted. I heared her groan. "You didn't check our gc last night?" Nagsalubong ang kilay ko. "Why? Anong meron?" She heaved a sigh. "Just freakin' check it now and get your ass ready!"  Mabilis na siyang nagpaalam para daw mabasa ko na. Dali-dali ko namang binuksan ang group chat pagkababa ko ng tawag. Tumambad sakin doon ang palitan nila ng mga messages bandang alas-dos kanina. Kung maka-last night naman si Quinn eh madaling araw naman na pala to! I was already asleep by this time. Nagsend dun si Quinn ng mga nakalap niya raw na usual places na pinupuntahan ni Ridge pati na ang schedule nito. She's unbelievable! It says there that he goes on a cafe every weekend morning to read stuff. I checked the name of the coffee shop and quite shocked that it's the one outside our subdivision. So I guess he lives nearby? My thoughts are disturbed by another phone call. Si Quinn ulit. "What now?" "Don't tell me you're still on your bed?" Mas sinalampak ko pa ang sarili sa kama. "Quinn, do I really need to do this now?" daing ko. "Lia Kennedy you can't waste any chance you can get," "Tinatamad ako. Sa ibang araw na lang kaya,"  "Isa," pananakot niya. I groaned. "How would I even approach him? I can't think of anything to talk about with him," I said honestly. Sa totoo lang talaga yun din ang pinproblema ko kaya wala akong lakas bumangon. This whole 'being friends with the Ridge guy' is stressing me out. I can't even think of a concrete reason why I have to do this. Is this even worth my time and effort? Quinn breathed out. "Just be yourself, Lia." she simply said. Natapos ang tawag at wala na kong nagawa kundi maghanda. Mabuti na nga lang at malamang ay tulog pa sila Ava at Zoe dahil kung hindi ay siguradong kasama sila sa mga nambubulabog at nangungulit sakin ngayon. Quinn really made an effort to wake up early just to make sure I do this s**t, huh. I can't believe her eagerness. I took a bath and dressed in a simple casual outfit. Yung fresh and weekend feels lang. I brought my pastel colored backpack at nilagay dun ang isa kong laptop na maliit lang. I just think I'd be needing some props. "You're out early?"  I kissed Papa on the cheeks. He's reading news on his iPad. "Yes, 'Pa. Dun na rin po ko magbbreakfast." Nagpaalam din muna ko kay mama na nasa garden bago lumabas. Nagdalawang isip pa ko kung magdadala ng sasakyan dahil ang pagkakaalam ko ay maliit ang parking space sa cafe na yun pero hassle din naman kung hindi ko dadalhin kaya nagdrive pa rin ako. It was a short ride since malapit lang naman. I can't believe I really saw a glimpse of him inside. He's really here! Lumunok pa ko bago itulak ang pinto ng cafe. Ni hindi ito nag-angat ng tingin. Parang engrosed na engrosed siya sa binabasa. Dumiretso muna ko sa counter para umorder. Pasulyap-sulyap pa ko sa kanya ngunit mukhang hindi niya pa rin ramdam ang presensya ko. I got myself a vanilla caramel drink and a cinnamon roll. I love sweets so much. Medyo gutom pa naman ako dahil hindi pa nag-aalmusal.  Mahigpit ang hawak ko sa tray habang papalapit sa kanya. Huminto lang ako nang nasa tapat niya na. "Can I share a table with you?" nakangiting tanong ko. Saka lang siya nag-angat ng tingin. Nakita ko ang saglit na gulat na rumehistro sa mukha niya ngunit mabilis siyang nakabawi. "Maraming ibang bakanteng lamesa," malamig na sabi niya. Nilunok ko ang pagkapahiya at ngumiti nang hilaw. "I like the view better in here." sabi ko na lang at nilapag na agad ang tray sa lamesa.  Nakita kong bubuka pa sana ang bibig niya at tila may sasabihin ngunit hindi na tinuloy. Bahagyang umiling-iling ang ulo niya bago pinagpatuloy ang pinagkakaabalahan kanina. I quietly digged on my food at first, satisfying my hunger. I need the energy to deal with him. He seems hard to deal with. Panay ang tingin ko sa kanya pero parang hindi naman siya natitinag. Pag tumatagal ang titig ko sa kanya ay napapansin ko lang na nagsasalubong ang kilay niya at parang nagagalit sa binabasa ngunit bukod dun ay wala na siyang ibang reaksyon. "So," I cleared my throat. "Madalas ka rito?"  I slightly leaned on the table as I wait for his answer. But he didn't give me one. Nagparte ang labi ko nang mapagtanto na wala talaga siyang balak sumagot. Ni hindi siya nag-angat ng tingin. Hindi niya man lang ako pinansin. Kahit iling o tango, wala! Answerable by yes or no na nga 'yun pero wala talaga.  I regained my composure. Nilabas ko na lang ang laptop ko para kunwari'y may pagkakaabalahan din. Tumitikhim ako paminsan-minsan para makita kung tatapunan niya man lang ako ng tingin pero hindi. Ni isang beses ay hindi talaga. Unti-unti na kong nakakaramdam ng frsutration sa pagiging persistent niya na ignorahin ang presensya ko. Nang wala na kong magawa sa laptop ko ay napagdesisyonan kong subukan ulit siyang kausapin.  "Hmm, ano yang binabasa mo?"  I can't see the book cover of the one he's currently reading so I peaked on the closed books on his side.  "..Complexity and Contradiction in Architecture?" Manghang lumingon ako sa kanya. "Archi student ka?"  Still, no reaction. "Mahilig kang mag-drawing?" Wala pa rin. This isn't working. I decided to tell something about my self. Maybe it could help. "Ako, Fine Arts student ako." share ko lang. "Madalas akong mag-paint," dagdag ko pa. "I think may something in common tay-"  Naputol ang sasabihin ko nang padabog niyang sinarado ang libro. Walang sabi-sabi niyang niligpit ang mga gamit niya at mabilis na tumayo para umalis. Laglag ang panga ko habang nakatingin sa bakanteng upuang iniwan niya habang naririnig pa ang pagsara ng pintuan ng cafe dahil sa paglabas niya. WTF?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD