April 1 pa po ito magiging pay to read kaya kung ako sa inyo ay babasahin ko na ito hanggang dulo para mabasa niyo siya ng hindi lock. Ayun lamang po. Salamat! Chapter XII *** HANGGANG NGAYON, hindi pa rin nawawala sa utak ko ang sinabi sa akin ni Louise. Hindi ko magawang tanggapin sa utak ko ang sinabi niya. Anong gusto niya ngayon palabasin? Na sinadya talaga ni Ryuu na kantahin iyon para sa akin? For what? Wala rin akong maisip na dahilan para gawin niya iyon maliban na lang kung pinagtitripan na naman niya ako. Oo! Tama! Pinagtitripan niya lang ako. Kung tutuusin nga naman ay wala siyang sapat na dahilan para gawin iyon sa akin. Siguro nga ay nagpapraktis lang talaga sila at isang malaking pangtitrip lang ang sinabi sa akin ng kaibigan niya. Knowing him, magagawa niya iyon. I