"Miss ok ka na ba?ito inumin mo muna itong tubig para mahimasmasan ka"
"No need"andito ako ngayon sa pulis station.
Dahil sa ginawa ko kanina,nandilim kasi ang paningin ko ng makita ko sina Mommy at Mr Chan na yun,they are lover's mantakin mo one year palang si daddy na namatay pero may iba na si mommy.Naospital si Mr Chan dahil sa pagpalo ko ng tubo sa ulo niya.
Nagawa ko lang yun dahil sa tindi ng galit ko.
"Miss tinawagan ko na si Boss papunta na siya dito"
"Isa pa yung tao na yun I hate him,diko siya kailangan wala akong pakialam kung makukulong ako,mas gugustuhin ko pa kaysa magpatulong sa kagaya niya"
"Pero Miss"
"Michael,I don't need you guys mas gugustuhin kong mag isa, pwede ka ng umuwi iwan mo na ako dito"
"Di pwede yari ako kay boss pag iniwan kita dito, kabilin bilinan niyang di kita pwedeng iwanan"
"Diko kayo kailangan!"sigaw ko kay Michael.
"Really!how can you get out in this mess you make,you want to sleep inside the jail?"
Boses na yun andito na siya,matapang ko siyang hinarap.
"Wala akong pakilam kahit makulong ako walang taong nagmamalasakit sa akin, saka bakit ka andito iniwan mo yung babaeng kalampungan mo"
"Shut up!bakit mo yun ginawa kay Mr Chan, your making a trouble for me malaki ang mawawala sa akin dahil sa ginawa mo,paano mo malulusutan ngayon 'to"
"So bakit ka pa andito sinabi ko bang tulungan mo ako,walang nagmamalasakit sa akin mas inaalala mo pa yung kapakanan ng company mo kay sa sarili mong fiance, sabagay sino nga ba ako sa buhay mo isa lang akong hamak na secretary mo,hindi fiance mo, umalis kana diko kayo kailangan"
"So you want to go to jail?"Tumayo ako.
"I don't need your help,umalis na kayo"
sabi ko sa kanya, saglit niya akong tinitigan saka siya tumayo.
"Ok fine,kung yan gusto mo,your wish is my command, let's go Michael she don't need our help"saka siya humakbang paalis.
"Boss kawawa naman si Miss"
"Let her what she want,that her choice let's go!"pero di makaalis si Michael halatang naawa siya sa akin.
"Miss ok ka lang ba, tanggapin mo na kasi yung alok ni boss na tulungan ka,para di kana mahirapan,sa ngayon siya lang makakatulong saiyo!"
"Hindi ko kailangan ang tulong niyo lalo na siya,umalis na kayo,ok lang ako rito"
"Michael let's go!"sigaw niya kay Michael wala ng nagawa kundi sumunod na lamang siya.Sa ganitong sitwasyon wala ka talagang maasahan kundi sarili mo lang,pero kahit anong bigat ng problema ko diko hinahayaang iiyak ako,sawa na akong umiyak at kahit gusto kong umiyak ayaw makisama ng mga luha ko parang wala na din akong mailuha.Muli kong naalala ang nangyari kanina.
**Habang palabas ako kanina sa venue nakita ko sa entrance si monmy at mr Chan akbay niya si mommy halatang sinalubong niya si monmy sa labas at papasok sila sa loob.
Nashock ako at di ako makapaniwala sa nakita,parang nandilim ang paningin ko dahil sa itsura nila.Bigla kong naalala si daddy na one year palang siyang nawala pero ganito na ginagawa niya,walang siyang konsensya, lahat na nangyayaring kamalasan sa buhay namin ay ng dahil sa kanya at higit ya lahat siya ang dahilan kung bakit nawala si daddy, at bakit kami naghihirap ngayon.
Galit akong lumapit sa kanila at kinompontra ko mommy.
"Marisa anong ginagawa mo dito?"
"Diba ako dapat magtanong yan saiyo bakit anong ginagawa mo dito,at bakit kasama mo siya at nagkahawak kamay pa kayo!"
"Honey, you know its other?"
Tinignan ako ni mommy na para bang di niya alam ang gagawin,ako naman diko maitago ang galit ko sa kanila.
"No, she's the daughter of my helper before!"
"Oh really, secretary kasi siya ng isa sa kakilala kong billionaire "sabi niya kay Mommy.
"Oh talaga, let's go honey pumasok na tayo sa loob"
Tama ba yung narinig ko pinagkaila niya akong anak niya,kaya nagalit ako ng husto.
"Anong sabi mo,how did you do this!"sigaw ko sa kanila.
Let's go honey!"
Hinila ko ang kamay ni Mommy,at bumulong siya sa akin.
"Mag usap tayo pagkatapos nito just go!" pabulong niya sa akin.
"Bakit mo ba ginagawa ito,ang sama mo!"
"Hey don't you dare to shout my girlfriend, isa ka lang secretary,baka gusto mong ipatanggal kita sa trabaho mo!" galit na hinarap ko siya.
"Wag kang makialam dimo alam sinasabi mo sir!"
"Don't mind him lets go honey" tumalikod silang sabay naiwan akong nanginginig ang buong katawan ko dahil sa galit,may dumaan na tagalinis sa harapan ko at napansin ko ang isang bagay nakalagay sa mga panglinis niya kinuha ko ito,saka tumakbo at hinabol ko silang dalawa.Nang malapitan ko sila hinampas ko sa ulo ang si Mr Chan, gamit ang tubo.Dahil sa gulat ni Mommy nasampal niya ako ng dalawang beses nagulat din ako.
"What did you do Marisa!"
Duguan ang kanyang ulo,nakabangon pa siya at tumawag ng pulis.
"I will make sure na makukulong ka!" sigaw niya sa akin.
"I don't care,tutal wala naman na akong pamilya okey fine pakulong mo ako mas mabuti pang mag stay sa kulungan!"
Muli akong sinampal ni mommy.
"Ok find kung yan ang gusto mo stay there until you want!"
"Aaahhh!wala kang kwenta"sigaw ko sa kanya.**
"Miss!Miss!Miss Sanchez!"napamulat ako ng mata ng may tumatapik sa aking balikat, nakaidlip pala ako at dahil sa kaiisip kanina sa nangyari dahil sa kagagawan ni mommy.
"Sorry sir nakaidlip ako"sabi ko.
"Ok lang,pirmahan niyo na lang ito at pwede na kayo umuwi" sabi ng pulis.
"Ho pero dipa ako nakapag piyansa, magpapakulong na lang sana ako"
natawa ang pulis.
"Miss Sanchez di po kayo makukulong, abswelto na kayo sa kasalanan niyo"
"Sino po ang tumulong na mag piyansa sa akin sir"
"Pasensya kana miss pero diko rin alam basta sabi ng officer namin pauwiin ka na namin"nagtaka ako kung sino tumulong sa akin,alangan naman yung taong yun walang konsensya yun eh iniwan niya nga ako dito.
Saka galit siya dahil sinaktan ko ang mahalagang taong investor niya.
"Sige miss pwede na kayong umuwi"
tumango ako saka tumayo.
"Sino kaya tumulong sa akin, dont tell me siya talaga tumulong sa akin no way impossible "
lumabas ako ng prisinto na mag isa at kawawa talo ko pa ang isang ulila.
"Dad sana andito ka,diko sana mararanasan ang ganitong problema ngayon ang daya daya mo eh"napaupo ako sa gilid ng kalsada na parang baliw.Biglang may tumigil na taxi sa harapan ko.Tumayo ako saka ako sumakay masakit pa ang magkabilaang pisngi ko namaga na ata dahil sa pagkalakas lakas na sampal ni mommy.
"She really hit me very hard" wala na sigurong mas sasakit pa pag tinanggi kang anak ng sarili mong ina at saktan ka pa sa harapan ng ibang tao.Ngayon nag iisa na lang ako walang nagmamalasakit sa akin,ang sarili kong ina tinakwil na ako at ang fiance ko walang pakialam sa akin dahil puro pambabae ang alam,ang hirap ng ganito.
Bakit ba nagkaganito ang buhay ko parang gusto ko ng sumuko.
"Miss kunin niyo itong gamot at ice pack" nagulat ako ng may iabot sa akin ang driver.
"Wag na ok lang ako"
"Sige na kunin mo na"inaabot niya sa akin nagtataka man ako pero kinuha ko na lang.
"Salamat manong"ngumiti lang siya.
"Dito na tayo miss" lumingon ako at nagulat
paano niya alam kung saan ako nakatira wala pa naman ako sinasabi.
"Paano niyo alam kung saan ako nakatira?" tanong ko sa kanya na puno ng pagtataka.
"Basta alam ko lang sige na miss bumaba kana at wag mong kalimutan gamutin ang sugat mo" kinabahan ako kaagad parang stalker siya bat niya alam kung saan ako nakatira,agad na inabot ko ang bayad ko sa kanya,pero di niya kinuha.
Pagkababa ko,agad akong bumaba dahil natakot ako.Nilingon ko ulit siya kumaway pa siya sa akin bago siya umalis.
"Teka parang pamilyar siya ah,kung di lang siya nakamask kamukha niya si,di bale na nga lang baka nagkamali lang ako,nakapagtataka lang ba't niya alam ang address ng tinitirahan ko,naku baka stalker talaga siya"nagmamadali akong pumasok sa loob ng maliit na apartment ko.Malungkot akong umupo sa maliit na dining table nilapag ko rito ang gamot na binigay ng driver kanina.Ang ice pack lang ginamit ko dinampi dampi ko sa magkabilaang pisngi ko.
Ang saklap ng buhay ko ngayon ang lupit ng tadhana,mula pinanganak ako hanggang sa nagkaisip ako diko naranasan ang hirap dahil andito pa si daddy,diko akalain na hahantong ako sa ganito isang iglap lang nawala ang lahat sa akin at yun ay dahil saiyo Mommy.
Nagugutom pa ako ano ba yan,wala pang makain grabe talaga diko na alam ang gagawin ko.
Pero imbes na magmukmok ako nilakasan ko na lang ang loob ko, kailangan kong mabuhay walang ibang tutulong sa akin kundi sarili ko lang.Nagbihis na lang ako para pumasok ulit sa part time ng bar ng Aldrin na yun,sabi niya di ako papasok pero wala akong pakialam basta papasok ako ngayon.
Dali,dali akong nagbihis dahil malelate na ako.Halos madapa dapa na ako sa kamamadali ko.
"Nakapagtataka akala ko,dina ako pwede dito pero bakit pinapasok pa ako so ibig sabihin dipa ako tinanggal ng mokong na yun"
Lihim akong natuwa,kahit papaano may trabaho parin ako para pagkuhanan ng pang araw,araw ko.
Nagsimula na akong magtrabaho, ang daming tao at mga daming orders nakakapagod pero kailangan wag akong susuko.
"Marisa may gagawin ka pa?"tawag ng kasamahan ko sa trabaho.
"Tapos na akong magserve sa kabilang table bakit?"
"Lam mo mabenta ka rito maraming mga ibang boys sa table ang nagrerequest saiyong magserve,ang ganda mo kasi girl kainggit ka,mukhang di bagay saiyo ang trabaho na to, siguro mayaman ka dati"
"Hindi ah di ako mayaman dati mahirap na ako dati pa"
"Ganoon ang ganda mo talaga promise!"
"May kailangan ka ba,kung may ipapakiusap ka sabhin mo na di yung dami mo pang pasakalye".
"Pwede bang ikaw na lang nag magserve ng mga drinks sa may vip costumers dito na lang ako sa baba ako bahala dito,yung mga vip na costumers doon mga spoiled brat"
"Bakit natatakot ka ba sa kanila?"
"Alam mo naman sila tinatapaktapakan lang ang katulad natin"
"No way di yan uubra sa akin para parehas lang tayong tao,sige na ako na bahala doon"
"Salamat Marisa isa ka talagang angel na hulog ng langit"
"Nambola ka pa,may gusto lang din pala ipagawa"
Kinuha ko ang mga orders ng mga vip costumer at dinala ko sa kanila.
Daretso na akong pumasok dina ako kumatok dahil marami mga bitbit kong mga inumin.Dati gawain ko rin ito dahil kaliwat kananang mga barkada ko,pero noong naghirap na ako nawala na silang lahat si April lang at Gina ang tanging natira sa akin.
Patungo ako sa kinauupuan nila para dalhin ang mga orders panay ang mga tingin nila sa akin at naghihiyawan pa ang mga lalake pero diko na lang yun pinansin.
"Wow, she's hot and beautiful" panay pa sipol nila, dedma lang sa akin.Nilapag ko sa mesa ang mga orders nila isa,isa sabay pilit akong ngumiti sa kanila.
"Oh my god is that you Marisa?you are working here, seriously"pataas pababa niya pa akong tinignan.Diko rin naman siya maalala kung sino siya.
"Bakit mo ako kilala,siko ka?"tanong ko sa kanya.
"Nakalimutan mo na ako I'm Cristel kabatch mo noong college,oh your so poor magtatrabaho kana lang ngayon sa isang bar"nagtawanan pa silang lahat.
"Oo nga it's really you,look at you now your such a looser and poor oh my god!" sabad din ng isang maarte.Mga kaklase ko pala sila noong college talagang hanggang ngayon di parin nawawala ang mga inggit nila sa katawan.
"Kung wala na kayong orders mauna na ako sa inyo,enjoy your drinks"saktong patalikod na ako ng may bumagsak na wine glass.
"Ops sorry nahulog ang wine glass" sabi ni Cristel kaya napalingon ako sa kanila.
"Marisa clean this,baka kasi matapakan pa namin,this is your work right ano pa tinutunganga mo diyan clean it"sabi din ng isa.Wala akong imik,nagpipigil lang din ako sa galit,ayaw kong gumawa ng iskandalo dito kaya nagtimpi na lang ako.
"Bilisan mo ang bagal mong kumilos"
Isa,isa kong pinulot ang mga basag na wine glass kahit nasugatan na ako pero diko yun ininda,mamaya pay may malamig na tumulo sa aking ulo at amoy wine.Binuhos ni Cristel ang wine sa aking ulo.Pero patay malisya ako diko sila pinansin kahit nagtawanan at inalipusta nila ako.
"Wag kang sasabog self kaya mo yan"sabi ko sa aking isipan.Pagkatapos kong pinunasan at napulot ang mga bubog tumayo ako para umalis kahit basang basa ako at amoy alak.
"She really not ashamed"narinig kong sabi nila, nanginginig ako sa galit.
"Here's your tip one hundred pesos,malaki na din yan baka kasi dika na nakakahawak niyan"sabay abot sa akin ang isang daan.
Ngumiti ako at hinarap sila.
"Wow thank you naman napaka generous mo naman, pang tawid gutom din ito salamat ah"sabay binulsa ko ang perang binigay niya.
"Talagan makapal din ang mukha mo noh" inis niyang sabi sa akin.
"Matagal ng makapal ang mukha ko,pero atleast totoo ang buong pagkatao ko. ikaw ba talaga si Cristel na kabatch mate ko dati, bakit di kita nakilala ang laki kasi pinagbago mo,kaya di kita nakilala dahil bugbog na ng retoke ang buong pagkatao mo,dahan dahan lang sa paggalaw baka tatabingi ang mukha mo sige ka magmumukha ka ulit mongoloid katulad dati,be careful girl" matapang na sinabi ko sa kanya.Kaya galit na galit siya sa akin.Dahil pinagtatawanan siya ng mga kasama niya.
"Walang hiya kang babae ka,sisirain ko yang mukha mo!"galit niya akong sinugod.Biglang may lumabas sa bathroom at sinigawan niya si Cristel.
"Stop that Cristel, don't touch her,alam mo ba kung sino yang binabangga mo"
"But Andrea,siya nauna saka bat mo ba kinakampihan ang babaeng yan!"
"Because she's my future husband secretary, so don't you dare to touch her"
"What secretary siya ng boyfriend mo na mayaman, really "
"Yes so don't you ever touch her!are you ok?" Teka tama ba yung narinig ko boyfriend at future husband niya na si Aldrin bat ang bilis saka bat niya ako pinagtatanggol,kanina lang halos isumpa niya ako ng nabangga ko siya.
Plastic din ang babaeng ito,hanep talaga ang lalakeng yun ang bilis niya talaga pagdating sa babae so ano ako sa kanya.
Diko maiwasan ang mainis dahil sa kaplastikan ng babaeng ito.
"Mauna na ako sainyo wala na kayong uutos"sabi ko.
"Wait, sorry pala sa nangyari kanina sa party at sorry sa mga ginawa ng mga friends ko ako na ang humihingi ng sorry for them"
"Andrea bat ka humingi ng sorry sa kanya she deserve that!"
"Stop that Cristel,di niyo dapat ginawa yan sa kanya ano na lang sasabihin ni Aldrin pag nalaman niyang binastos niyo ang kanyang secretary "sabi niya sa kanila kaya si sila nakaimik.
"Ok lang yun,sige mauna na ako sainyo" umalis ako sa kwartong yun na halos sasabog ang aking dibdib dahil sa ginawa nila sa akin.
"Gago ka talaga Aldrin,magsama sama kayong lahat sana mabali yang bayag mo gago ka talaga buwisit ka!" nabaling tuloy ang galit ko sa kanya.
***Aldrin Williams***
"Achoo!achoo!"
"Oh boss mukhang sisipunin ata kayo,panay ang pagbahing niyo ah!"saktong kararating lang ni Michael dito sa aking opisina.
"It's weird biglang kumati ang ilong ko at panay ang bahing ko,diko maintindihan "
"Alam mo boss may Kasabihan ang mga matatanda pag daw kumati ang ilong mo ng walang dahilan ibig sabihin noon, may taong galit saiyo at sinumpa ka!"
"Parang ikaw ang weird ulol, nagpapaniwala ka sa mga ganyan, kamusta na pala yung pinagawa ko saiyo,is she ok?"
"Mission accomplished boss, napiyansahan ko na siya tulad ng bilin niyo at hinatid ko siya sa apartment niya at binigyan ng gamot para sa pisngi niyang namamaga,muntik pa nga niya akong nakilala eh buti na lang iniba ko ang boses ko"
"Good,I really don't understand her, napakataas ng pride niya kahit nasa ganoon na nga siyang sitwasyon,I really hate her!"
"Talaga boss kung hate mo siya ba't mo siya tinulungan ng palihim,baka naman love hindi hate boss"
"Shut up!bakit itong nakaraang aras masyado ka atang dumadaldal"
"Boss naman dika na mabiro,sige boss uwi na ako late na din kasi,saka nagdala na ako ng pagkain niya sa apartment niya,saka dinalhan na din kita"
"Sige salamat,pumasok ba siya sa bar ngayon?"
"Yes boss kaya nga ako nakapasok sa bahay niya eh,kinumpleto ko na mga kailangan niya at mga pagkain galing sa restaurant niyo"
"Mabuti naman kung ganoon at ayos di siya kamusta ang restaurant "
"Ok lang boss,kumuha lang ako ng pera para sa pagpiyansa ni Miss at sa mga kailangan niyong dalawa"
"Ok you can go now Michael,you work hard today thanks"
"Sige boss mauna na ako" bago umalis si Michael,naghanda na rin ako para makaalis, pupunta ako sa bar ulit kaya nagbihis ako katulad ng ginawa ko noong isang araw.
Habang nagmamaneho ako patungo sa aking bar,tumunog ang aking phone.
"What's up!"agad na sagot ko.
"Fvck,Aldrin kailan mo ibabalik yang kotse ko at i'd ko hah,abay ako na ang nagtataxi eh may sasakyan naman ako kaso dimo pa binabalik may balak ka pang bang ibalik yang kotse ko pati ang i'd ko"
"Fine,ibalik ko bukas sa ngayon kailangan ko pa ang kotse mo at ang i'd"
"Dapat lang I need that,hirap na hirap akong magcocommute dude!"
"Ok,sige na nagmamaneho ako bye" agad na binaba ko ang kabilang linya.
Mabilis akong nagpatakbo ng sasakyan para agad akong makarating sa bar,after a fifteen minutes nakarating na din ako.
Mabuti na lang nakapasok ulit ako ng di ako nakilala, salamat talaga sa I'd ng mokong na yun,he really helpful.
Nilibot ko ang aking paningin para makita siya pero diko siya makita.
"Nasaan na ba ang babaeng yun"dumaretso ako sa aking office sa taas. Umupo ako at nagbukas ng wine para uminom at binuksan ang monitor,para makita ko siya,pero diko siya makita kaya tinawag ko ulit ang namamahala dito sa bar,at agad naman na pumunta rito.
"Sir may kailangan kayo?"
"Where's Marisa?"tanong ko sa kanya.
"Nasa vip room boss may sinerban siya doon"
"Ok,you can go now!" utos ko sa kanya.
"Sige sir mauna na ako"
Tumingin ako ulit sa monitor sa room six doon ko tinutok sa vip room.Sakto naman na may lumabas doon at siya nga, nagulat ako sa itsura niya.
"What the hell!what happen to her?"agad akong tumayo at lumabas sa aking office at pumunta sa harap ng vip room.
Mabilis akong naglakad para maabutan ko siya,ng makita ko siya dumaretso agad siya sa bathroom at sinundan ko siya doon.
Nang makapasok ako sa loob,agad ko siyang hinila palabas ng bathroom.
"Hey, what are you doing,bitawan mo ako sino ka!"sigaw niya sa akin.
"So noisy,sumama ka na lang ng tahimik"
"Ayaw ko nga bitawan mo nga ako sino ka ba ah?"
"Shut up! trouble maker!"
"Ikaw, bitawan mo nga ako saan mo ako dadalhin"diko na siya sinagot dahil naririndi na ako sa ingay niya.Basta hila,hila ko siya at dinala ko siya ulit sa office ko.
"What happen?bat ganyan nag itsura mo and your smell wine,who did this to you"
"Wala kang pakialam,kung anong nangyari sa akin, dimo mo naman ako tinuturing na fiance mo isa lang akong tauhan or employee"
"Damn!ang layo ng sagot mo sa tinatanong ko, ang tanong ko ang sagutin mo who did this!"muling sigaw ko sa kanya.
"Bakit kung sasabihin ko ba saiyo may mababago pa ba,tama naman sila eh isa lang akong mababang tao, I'm not belong in their world "
"What!oh common Marisa,hinayaan mo lang na ganituhin ka nila,samantalang ako dimo ako pinapalagpas, are you crazy this is to much,pero wala ka man lang ginawa"
"Bakit matutulungan mo ba ako,stop pretend that you worried about me,di bagay saiyo"saka siya humakbang paalis.
"Where are you going,stop right there!"
"Pwede ba wag mo akong pakialaman leave me alone!"
"You can't not go anywhere,ayusin mo yang sarili mo at ihatid na kita"
"No need,kaya kong umuwi mag isa"
"Marisa!pwede ba wag ka ng bumalik rito,stop giving me a headache"
"Ok,yun lang pala,kung ayaw mong mabigyan ng sakit sa ulo,wag mo akong pakialaman at pansinin"
"Damn,she really make me mad,alam mo mas mabuti siguro kung wag na tayong magkita, simula bukas wag ka ng pumasok dito at sa company,at higit sa lahat I will tell my mom that I will widraw our engagement,tutal we don't like each other.Mas makakabuti sa atin tong dalawa,para malaya na tayo sa isa't isa I really can't not handle you anymore"
"Sure yun lang pala eh"
Saka siya umalis at pabalibag niyang sinara ang pintuan.
"Wait where are you going,yan lang ba isasagot mo sa akin,dika ba nagmamakaawa,wow I'm so speechless yun lang ang sagot niya sa akin" kunuha ko ang bote ng wine saka ko daredaretsong nilagok hanggang sa maubos at binato sa pader.
"Fvck!fvck! I'm than with her"
Kinuha ko ang aking phone at tumawag ng grab taxi para maihatid siya sa kanyang apartment ng ligtas alastres na rin kasi ng madaling araw.Agad din ako umalis sa bar at lihim ko siyang sinundan hanggang sa apartment.
"Bakit diko maiwasan ang mag alala sa kanya kung dika lang binilin sa akin ng daddy mo pababayaan na talaga kita,para akong nagkaroon ng anak na spoiled brat"
Nang alam kong tahimik na sa loob, binuksan ko ang pintuan gamit ang susi.Dahan dahan akong pumasok sa loob,lumapit ako sa kwarto niya pero di nakasara ng mabuti kaya diko maiwasang sumilip sa loob.
"s**t what the hell did I saw,she is naked!"agad akong tumalikod, nanghihina tuloy ako dahil sa nakita ko she is totally naked"
Nagreact ang aking katawan.
"This feeling It's hard to control!"
"Ahhhh! walang hiya ka bastos!manyak!"
"Haahhh!! Damn woman are you trying to kill me!"hawak ko ang aking batok dahil sa pagpalo niya nito.
"Ang dapat saiyo pinapatay manyak!"
"Stop hitting me,your hurting me!"
"Go to hell pervert!"nandilim ang paningin ko dahil sa malakas na pagpalo niya sa aking ulo bumagsak ako sa sahig.
"Wait!napatay ko na ata siya diyos ko,hoy gumising ka!hoy gising!diko naman sinasadya eh,open your eyes Aldrin!!!!!"