DIERRA "Nasisiraan ka na ba ng ulo Dierra? Bakit mo sinabi 'yon kay Amythyst?" pagalit na tanong ni Tita Esther sa akin. Pero hindi ko siya pinansin. Nanatiling nakatutok ang mga mata ko sa labas-kung saan ni anino ni Xia ay hindi ko na makita. Bumalik na kasi siya sa Trojan Academy. "Dierra, nakikinig ka ba sa akin?" tanong ni Tita Esther mula sa likuran ko. "Dierra..." Nang hawakan ni Tita Esther ang balikat ko para iharap ako sa kanya ay tuluyang tumulo ang mga luha ko. Natigilan si Tita Esther nang makita niya ang mukha ko. Napayuko ako para ikubli ang luhaan kong mga mata. Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga niya. "I-I know it's all my fault... pero ayokong magalit siya sa akin ng tuluyan, Tita. Hindi ko kayang magalit sa akin si Xia. She's my daughter. Masakit