BREA Lumingon-lingon ako sa paligid. Nasaan kaya si Xia. Naglakad ako sa hallway nang lumipad ang tingin ko sa lalaking nakasalubungan ko. Habang naglalakad ay sinulyapan niya rin ako. Pero walang reaksyon ang mga mata niya habang nakatunghay sa akin. Hanggang sa malampasan niya ako. Teka... kilala ko 'yon ah! "Hey, wait!" Hinabol ko siya. Hinawakan ko ang braso niya. "Fliam, right?" tanong ko sa pangalan niya. Kumunot lang ang noo niya saka tiningnan ang kamay ko na nasa braso niya. Baka iniisip niya na feeling close ako pero wala akong pake. May itatanong lang naman ako. "Nakita mo ba si Xia? 'Di ba magkakilala kayo?" "Bakit?" wala sa loob na tanong niya. "Ahm, wala... may gusto lang akong ipakita sa kanya. Nakita mo ba s'ya?" tanong ko habang nakakapit parin sa matigas-