James

1158 Words
Lumayo ako sa mga teknolohiya, lumayo ako sa anumang mga bagay na nakakapagpaalala saakin kay James. Ngunit dahil nga sa 7 years na pagsasama namin, halos lahat ng mga bagay ay nagpapa-alala sakanya saakin. Hindi ko maintindihan kung paano nangyari lahat iyon. Grabe ano, napakasakit. Bea's death, my Board Exam plus a break up from my long time boyfriend which is already my ex. Nasanay na kasi ako sakanya. Nasanay na ako sa presensya niya. Nasanay na ako sa pagmamahal niya. Nasanay na ako. Pero siguro ganoon nalang din ang buhay. Mas mahal niya eh. Sino ba naman ako. Tumayo ako at kinuha ang lesson plan ko. May pasok pa ako bukas, hindi ako pwedeng maging ganito. As a strong woman, I managed to get up on my knees and pulled myself back as if nothing happened, as if I'm not hurting. -- "good morning, childrens" bati ko with a wide smile on my face. "good morning, Teacher Solene" sabay sabay naman nila akong binati. Napangiti ako, a genuine smile. This is one of the reasons why I still keep on moving forward. I love my job and I would never leave this career. I love kids, I love teaching. This is where my heart feels most happy. Masaya ako tuwing nakakapagturo ako and my pupil's smiles makes me smile too. "okay so ngayon ang gagawin natin ay magbibilang. Addition, sino dito ang marunong nang magbiglang?" tanong ko. Lahat naman sila ay nagtaas ng kamay at siyempre nag-ingay. "teacher ako po" "ako po teacher" "teacher ako din po" "teacher mas magaling po akong magbilang kaysa sakanya, alam ko na po magbilang nang hanggang eleven po" Natawa nalang ako. "Teacher ikaw po? marunong ka po ba magbilang?" tanong ni Black. "ah hindi eh, sige nga turuan nga ninyo ako. Magbiglang tayo from 1" panimula ko at nagbilang nga kami. -- "bakit wala pa si Daddy mo?" tanong ko. Hindi ko kasi pinapalabas ang mga bata if wala pang sundo lalo na at along the high way ang school. Plus, grade 1 palang sila. Ngayon, si Travis nalang ang walang sundo. Siya nalang ang naiwan dito sa room at 30 minutes na kaming naghihintay. "are you hungry?" I asked. He looks sad. I looked at Travis and approached him. I always talk to my pupils now, I'm very worried to them lalo na kapag tahimik sila. Ayaw ko na ulit mawalan ng estudyante. "yes teacher" he answered. Bumalik ako sa desk ko and saw na naubos na yung snacks ko. "tara bili tayo sa canteen. Bukas pa siguro yun" sabi ko. Sumama naman siya. I already called his parents but they said na hindi nila masusundo si Travis, mag-utos nalang daw sila nang magsusundo. Hawak kamay kaming naglakad papuntang cafeteria dahil nga hindi naman pwedeng utusan ko siyang bumili mag-isa at hindi naman pwedeng umalis ako at maiwan siya sa classroom. "what do you want?" I asked him. Itinuro niya ang chocolate cake. "yaan lang po?" I asked. Tumango siya. Binilihan ko siya ng chocolate cake at ng orange juice, bumili din ako ng vitamilk para saakin. Bumalik na kami ng classroom ko at naghila ako ng upuan para dito na din siya sa desk ko kumain. Parehas kaming kumain, binigyan naman niya ako. "Teacher, angsarap po. Salamat po" bumalik na yung ngiti niya sa labi. Nakita ko naman na napakadungis na niya. Natawa nalang ako at pinunasan ang mukha niya ng wipes. Nakakatuwa talaga ang mga bata. Tuwang tuwa talaga ako. Aba, ngingiti ngiti ako now at mamaya iiyak iyak nanaman. "Teacher, do you want more?" Travis asked and without me saying anything, sinubuan ako kaagad. Ayoko na sana eh, natawa ako kasi hindi sakto sa bibig ko, napakarami tuloy chocolate sa mukha ko. "Travis say sorry to Miss" we heared a voice from the door. I quickly took a wipes and wiped the chocolates. It's Kenzo. "Tito, Ken !" sigaw ni Travis at agad agad tumakbo papalapit sa Tito niya. I looked at Kenzo and he's wearing again a business suit, hawak nalang niya yung coat niya and he's just wearing the black polo which is nakatupi hanggang sleeves with black pants at yung makintab na sapatos. "Say sorry to your teacher, mali yung ginawa mo. Dinumihan mo yung mukha niya" pangangaral ni Kenzo. "sorry teacher" paghingi naman ni Travis ng tawad. "no it's fine, it's fine" sagot ko. Inayos ko na yung gamit ni Travis pagkatapos ay tinulungan ako ni Kenzo. "sorry naabala ka pa. Pasaway talaga itong batang ito" sabi ni Kenzo at siya na mismo ang nagligpit ng mga gamit ni Travis. "it's my duty. It's my work, masaya nga ako" I smiled as I fix my things as well. Magtime out nalang ako at uuwi na din, kanina pa kasi naghihintay si Talia saakin. "good bye, Teacher!" paalam ni Travis. "bye, Miss Solene" paalam din ni Kenzo. "bye, ingat! drive safely" sagot ko naman. Pagkatapos ng short na paalam ay biglang sumulpot si Talia out of nowhere, saan ba ito nanggaling? "hoy bestie angpogi ha" sabi niya sabay kiliti saakin. "ano ka ba" sabi ko nalang habang nilalabanan ko mga kiliti niya. "ano? jowa mo siya no, hindi mo lang sinasabi saakin. "hindi no. Also, nagmomove-on pa ako. Sabihan kita kapag may pagbabago sa lovelife ko" I directly answered. Tumingin ako kay Talia at napatahimik siya. Baka nakokonsensya na sa topic na brinought up niya. "Dahil diyan ililibre mo ako ng turon" bigla kong pag-akbay sakanya. Tumingin siya saakin as if asking me if I'm okay. "a turon can make me smile. Tara na, gutom na ako" yaya ko sakanya. In the end ay nilibre nga niya ako ng turon. "ilang months nalang wala na ulit akong income" I joked and laughed. Malapit na kasing matapos ang school year, ilang quarter nalang at bakasyon na. "you can work as a private tutor again. Like how you did before" Talia said as she take a bite at her turon. "yeah, I'll probably do that. Ayoko namang maging tambay at maikumpara ulit sa kapatid ko" I sighed. She looked at me with a sad eye. "are you really fine?" she asked. We're now sitting on the bench outside her clinic. We're still at the campus. I just shook my head. "I love teaching. Pero nakakapagod lahat ng nangyayari" I answered. She drove me home and pagkauwi ay nahiga lang ako. Umiyak ng umiyak kahit hindi ko alam anong iniiyakan ko. The break up still hurts so much. So much. Pinapakita ko lang na ayos ako but hindi talaga. I'm hurt. I'm wounded. A moment later, I heared my phone rang. It's James. Hindi ko sinagot but nagtext siya saakin. He want to see me. I don't know why, he just texted me that he wants to see me. I looked at myself in the mirror na katatapos lang magbreakdown. Am I going to see him? For what? Akala ko tapos na kami. Para saan lahat to?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD