Warning: contains traumatic events. For those who experienced traumatic experience before, please don't continue reading this. It might trigger your trauma. * * * Pitong taon na si Zyair Hererro Alfero nang makilala niya ang tunay niyang ama. Lumaki siya na ang ina niya lang ang kasama ngunit napunta siya sa poder ng ama niya na si Serafin Alfero nang pumanaw ang ina niya. “M-Mama...” Yakap yakap ng batang si Zyair ang litrato ng yumaong ina habang lumuluha. Hindi niya alam kung paano pa makakausad nang wala ang Mama niya na siyang nag-iisa niyang kasama bago pa niya makilala ang ama niyang si Serafin. “Stop weeping like a coward, young man! You're mother is gone, wala ng magagawa ang pagngalngal mo riyan!” Pakiramdam niya ay may kung anong tumarak sa dibdib niya dahil sa sinabi ng