“Mag-uusap tayong dalawa ng masinsinan, bruha.” Umupo ako sa couch, nakapwesto siya sa tapat ko habang nakatitig sa 'kin. Ano ba 'yan? Para akong nakatingin kay Zyair ngayon. Napakamot na lang ako sa batok ko habang nakikipaglabanan ng tingin kay Nikki, bakit ang seryoso niya ngayon? Hindi ako sanay na ganito siya, parang may bumabagabag sa isip niya o kung ano man. “H'wag ka masyadong mag-inarte riyan, saglit lang ang moment ko dahil aalis na rin ako,” sabi niya saka inirapan ako. Natigilan naman ako sa sinabi niya. “A-ano'ng ibig mong sabihin, Nikki?” Napabuntong hininga siya saka tumayo at umupo sa tabi ko. Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko. “Wala na si Annie, hindi na siya nakapagpaalam sa 'yo. Dahil mabait ako, magpapaalam muna ako sa 'yo bago ako umalis,” sabi na l