Naalimpungatan si Sam nang maramdaman niya na may isang bisig na buhat-buhat siya. Bahagya niyang idinilat ang kaniyang mga mata at ang maamong mukha ni Brix ang agad na bumungad sa kaniya, Muli siyang napapikit pagkatapos ay napangiti. Napakapit din siya dito at itinanday ang kaniyang ulo sa leeg ni Brix. Buhat-buhat siya nito habang tinatahak ang pasilyo sa pagitan ng mga dingding. Alam niyang ibabalik siya nito sa kaniyang silid. Nais man niyang makasama ng mas matagal si Brix ay naiintindihan niya ito. Nandito sa palasyo ang kaniyang ina, at baka mamaya ay bumisita ito sa kaniyang silid ay wala siya. Hindi nga siya nagkamali dahil ilang saglit lang ay naramdaman niya ang kaniyang likuran na lumapat sa malambot na kama. Ramdam niya rin na halikan siya ni Brix sa kaniyang noo