Pagpasok ng silid ni Samantha ay si Tess ang bumungad sa kaniya. Dali dali itong lumapit at agad na niyakap siya. Humahagulgol ito habang mahigpit at halos ayaw ng bumitaw sa kaniya. "Maraming salamat, kamahalan.. maraming maraming salamat!" Napangiti si Sam. At hinaplos ang likod nito. "Wala iyon, Tess." Saglit na lumayo si Tess at lumuhod sa harap ni Sam upang magpasalamat pa. Hindi naman inaasahan iyon ni Sam kaya dali-dali niyang hinawakan si Tess para patayin. "Tess hindi mo kailangan gawin iyan." Umiling si Tess. "Hindi ko alam sa anong paraan pa ako magpapasalamat sa iyo. Kaya hayaan mo na lang ako." Hindi pa rin siya hinayaan ni Sam. Pilit siyang pinatayo nito. "Magpasalamat ka sa pamamagitan ng pag-aalaga mo sa sarili mo, lalong lalo na sa baby mo. Hindi ka dapat lumuluho