"Buntis ka?" tanong ni Brix kaya kinuha niya ang pregnancy Test kit na hawak nito. "Relax, negative yan. Hindi ako buntis" sagot ni Sam pagkatapos ay itinapon iyon sa basurahan. Napabuntong hininga si Brix at niyakap siya. "Akala ko buntis ka. Medyo kinabahan ako." Wika nito kaya humarap siya ng yakap dito. "Bakit ayaw mo ba?" malungkot niyang tanong. Tila napansin iyon ni Brix kaya agad na pinisil nito ang ilong niya. "Hindi naman sa ayaw, ayoko lang na mahirapan ka. Ayoko na may harapin ka na naman na panibagong Problema habang nagkakagulo pa sa Salinlahi ngayon. Sobrang tindi na ng Pressure na dinadanas mo. Ayoko nang dagdagan pa." Napabuntong hininga si Sam at niyakap siya. "Kaya kailangan natin na mag-ingat. Kailangan na inumin mo yung pills mo at hindi makaligtaan. O ka