Kabanata 27

1145 Words

"Stop Faking it," wika ni Brix pagkatapos ay umalis sa ibabaw ni Sam.  Napatulala lang si Sam habang nananatili sa higaan. Sunod-sunod na lumabas ang mga luha niya.  Napaupo si Brix sa higaan. Kinumutan si Sam at inayos ang sarili.  "You, don't have to fake it. Naiintindihan ko naman kung wala ka sa mood."  "Brix,"  "Lalabas muna ako. Baka nga kailangan muna natin na magpahinga," sabi ni Brix at akmang tatayo na ng pigilan siya ni Sam.  Hinawakan ni Sam ang kamay ni Brix, "Please don't leave me, Brix."  Tumingin si Brix sa kaniya, nakita ni Brix ang mga luha ni Sam. Hindi niya kayang makita iyon kaya naman ay lumapit siya kay Sam.  "Sam, ang kailangan mo lang naman gawin ay sabihin sa akin. Kung ayaw mo---"  "Hindi sa ayaw ko, Brix."  Sagot iyon ni Sam.  "Kung ganon ano pala?" 

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD