Maagang nagising si Sam. Pagkatapos niyang mag-agahan ay agad na siyang naghanda at pinuntahan ang silid ni Phoenix. Pinihit niya ang doorknob at napasimangot ng mapansin na naka-lock iyon. "Kailan pa 'yan nag-lock ng pinto?" Hindi na bali, kaya naman niyang pumasok sa silid nito ng hindi dumadaan sa pintuan. Pumunta siya sa gilid ng pasilyo. Napatingin sa paligid at nang makita na walang tao ay itinulak niya ang dingding at nagsilbi iyong lagusan Agad siyang pumasok doon at tinungo ang silid ng kapatid Napailing siya ng makita na tulog pa ito. Kaya naman ay pumunta siya sa bintana at binuksan ang kurtina dahilan para tumama ang sikat ng araw sa buong silid. Sa sobrang liwagan ay napansin niya ang pag-kunot ng noo ng kapatid. "Bumangon ka na," utos niya pa sa kapatid. Nan