Pumasok si Sam sa kanyang silid, agd siyang inasikaso ni Tess para magbihis na sana ng biglang may kumatok sa kaniyang pintuan. Nagkatinginan sil ni Tess. "Saglit lang kamahalan, titignan ko lang kung sino po iyon." wika ni Tess bago tumungo sa may pintuan at binuksan. "Mahal na Hari, Magandang gabi po," bati ni Tess ng makita si Agos. Yumuko pa siya bago tumuon kay Samantha. "Kamahalan, narito ang iyong ama." pagkasabi non ni Tess ay mas binuksan niya ang pinto at pinapasok si Agos. Napangiti si Sam at lumapit kay Agos. "Tay? gabi na, hindi pa ba kayo magpapahinga ni Nanay? mamaya hanapin ka non." "Nais kitang makausap anak." Tumango siya at na-upo sila sa upuan sa kanyang silid. "Ano iyon Tay?" Lumapad ang ngiti ni Agos. "Gusto kong sabihin kung gaano ako ka-proud sa ginawa m