Malapad ang mga ngiti ni Melody habang naglalakad ito sa hallway sa Hospital. Maaga siyang nagising para mag-handa muli ng agahan ni Brix at ng iba pang pagkain na kakainin nila ngayon sa maghapong pagbabantay niya rito. Binati niya ang ilang nurse na kaniyang nadaanan. Hanggang sa makarating siya sa silid ni Brix. Ngunit sa kaniyang pagtataka ay wala na ito roon. "Nasaan siya?" tanong ni Melody sa kanyang isipan habang nakatingin sa bakanteng kama sa gitna ng silid. --- Napa-unat si Sam ng siya ay magising. Hindi niya alam kung anong oras na siya o kung may isang oras ba ang tulog niya. Parang magliliwanag na nga ng bumalik siya sa kanyang silid. Naantok pa siya pero kailangan niyang bumangon dahil marami siyang aasikasuhin ngayon. Nakapikit pa ang kanyang mga mata na nakau