Chapter 27

2141 Words

HALOS SAMAAN na ng tingin ni Tanya ang pinto ng banyo na nakapinid pa rin. Hindi pa rin kasi lumalabas doon si Karzon. “Diyan mo na ba balak matulog?” anas pa niya kahit na hindi naman iyon dinig ng asawa. Napatuwid lang ng tayo si Tanya nang sa wakas ay bumukas iyon. “Akala ko, diyan ka na matutulog, eh,” wika pa niya. Ngunit ni sulyap ay hindi ginawa sa kaniya ni Karzon. Nilampasan lang din siya nito. Heto na naman ang pagsusungit ng nagyeyelong si Karzon. ‘Di ba, mas gusto mo ‘yan, Tanya? ‘Yong hindi ka niya pinapansin? ‘Yong galit siya kaysa sa mukhang nawala na naman sa sariling katinuan? gagad pa ng kaniyang isipan sa kaniya. Tumiim ang labi niya. Gumaganti ba ito sa kaniya? Tatratuhin din ba siya nitong hangin katulad ng ginawa niya rito noong nakaraan? Bakit may parte niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD